CHAPTER 11: Shopping Time

214 9 2
                                    

Pagkarating namin ni Keena sa grocery store malapit sa mansyon ay agad akong dumiretso sa mga infant milk. Namimili ako ng gatas na pwede kay Keena ng may matandang babae ang lumapit sa akin.

"Ang gandang bata iha. Anak mo?" Tanong nito na nakatingin kay Keena. Ngumiti ako dito at saka sinagot.

"Hindi po."

"Ahh ganun ba.. hehehe." Ng makakuha na ako ng gatas ay nagpaalam na ako dito at saka pumunta naman sa mga diapers. Nakakuha na rin ako ng mga baby powder, bath soap, baby shampoo, cologne at kung anu-ano pa. Mabuti at may sweldo ako every month kaya hindi problema sa akin ang pera. Total, wala rin naman akong ginagamitan kasi minsan lang din akong mamili ng mga gamit ko. Pagkatapos kong bayaran ang lahat ay umuwi na rin kami. Pasado alas otso na pala ng gabi kaya malamang nandun na si Blayde. Pagkarating namin sa mansyon ay agad akong pumasok. Pagkapasok ko ay nadatnan ko si Blayde sa may sala na halatang wala sa mood. Naramdaman siguro nito ang presensya ko kaya lumingon ito. Ang kaninang nakakunot na noo nito ay napalitan ng pagkagulat. Malamang nagulat ito sa ayos ko, na may bitbit na bata. Tumayo ito at lumapit sa akin. Hindi ko naman ito matingnan ng maayos.

"Who's baby is that?" Tanong nito. Mukhang nagulat si Baby Keena kaya nagising ito. At ng makita ni Blayde ang mata nito ay bumakas ang gulat at pagkamangha.

"It has green eyes.. too." Hindi makapaniwalang sabi nito. Hindi pa rin mawala sa mukha nito ang pagkamangha. Pero alam kong nagugulohan pa rin ito.

"Where did you get that?" Tanong ulit nito kaya sinabi ko dito ang nangyari kanina.

"You volunteered to babysit her while looking for her parents?" Nagulat ito sa desisyon ko. Tumango lang ako dito pero hindi ako makatingin kasi parang pinapahiwatig nito na nahihibang na ako.

"Alam mo ba kung gaano kahirap mag-alaga ng bata Sierra?" Tanong pa rin nito.

"O-oo."

"Alam mo pala pero pinasok mo pa rin?" Manghang tanong nito.

"Hindi ko rin alam but something is telling me I should take care of her." Pag-amin ko dito. Bumuntong hininga ito, malamang pagod na ito sa kahibangan ko.

"Don't worry, hindi ka naman madidisturbo ni Keena, tapos ako lang talaga ang mag-aalaga nito. Promise hindi siya magiging pabigat dito." Pagpapaalam ko dito. Kailangan pa rin ang pag-aproba ni Blayde dito tapos ni Lolo G, saka na si Lolo G ng makauwi na ito.

"Wala namang problema sa akin, pero Sierra, mahirap ang mag-alaga ng bata. Knowing na hindi ka pa nakakaranas magbantay ng bata." Napalitan na ng pag-aalala ang mukha nito.

"Pero Blayde.. gusto ko. Doon rin naman ito pupunta, magkakaanak rin naman ako pagdating ng panahon. " sabi ko dito. Nagulat naman ito sa sinabi ko pero hindi ako nagpatinag. Naluluha na rin ako dahil mukhang wala akong pag-asang mapapayag si Blayde.

"Paano kung kunin siya ng pamilya niya tapos napamahal na siya sayo? Ibibigay mo ba siya?" Biglang napalitan ng sakit ang naramdaman ko. Tama si Blayde, paano kung, paano kung kunin ito sa akin? Kakayanin ko ba? Kasi ngayon nga na unang beses ko palang siyang nakita ayaw ko ng mawala siya, paano na kaya kung mas tumagal pa siya dito? Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tiningnan si Keena. She was fully awake at mukhang nakikinig lang sa amin ni Blayde.

"Fine. Dito na muna si Keena." Napangiti ako sa pagpayag nito pero hindi pa rin totally ang saya na nararamdaman ko dahil sa tanong nito kanina.

"Forget about what I said a while ago. Ang importante kung ano ang ngayon. Saka na natin pag-isipan ang susunod na pwedeng mangyari." Medyo naibasan ang alinlangan sa puso ko dahil sa sinabi ni Blayde. Tama ito saka ko na poproblemahin yan.

Wishing You Could See Me (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon