KABANATA 3: Mysterious Disappearance

4 0 0
                                    

BIGLA akong napabangon at agad na sinilip ang bintana. Nakitang madilim na ang paligid. Ang bilis naman yata ng oras, parang kanina lang mataas pa ang sikat ng araw?

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ulit ang kalabog sa labas. Pinagti-tripan na naman yata ako ng parak na 'to na madalas niyang ginagawa.

"Kai! Pag di ka tumigil makikita mo talaga di mo hinahanap!" Pasigaw ko bago humiga ulit pero agad din akong napabangon dahil sa lakas ng paghampas sa pinto na pakiramdam ko ngayon ay sira na. Ano 'yon?

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang sitwasyon- literal na wasak ang pinto. May malaking butas dito na tila may kung anong nilalang ang nagpumilit pumasok. Bigla akong kinilabutan sa naisip. Hindi pa naman siguro halimaw si Kai, hindi ba?

Biglang umihip ang malakas na hangin galing sa bintana. Sa hindi malamang dahilan bigla akong nanlamig at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan. Hindi naman ako matatakutin pero buong sistema ko yata nagsasabing may panganib.

Ilang segundo lang ay narinig ko ang malakas na sigaw ni Kai. Boses niya pero parang hindi rin. Tila nasa kailaliman ito ng yungib o iyong saradong lugar na nage-echo.

"Eli! Eli!" Nilibot ko ang paningin at akmang lalapit sa pinto pero agad din napaatras dahil narinig ko ulit ang boses ni Kai. Ngayon nasa malayo na ito at tila bulong na lang ng hangin. Na tila pinaparating na lang nito ang mga sigaw ni Kai sa malayo.

"Saan ka na?"

Biglang may malakas na kalabog akong narinig galing sa likod sabay matinis na tunog na masakit sa tenga at agad akong napabalikwas. Shit! Masamang panaginip!

Tanghali na ng magising ako ngunit pinalipas ko muna ang oras at tumulala sa kama, nakaharap sa puting kisame. Masisiraan yata ako kapag nagpatuloy pa 'to.

"Ang boring naman dito, kung sa bahay lang 'to sigurado kanina pa ako nawawala." Nasanay akong lumabas, gumala o kung ano pang trip sa siyudad. Kaso dito sa lugar ni lolo ay hindi ko matamasa ang gano'ng kalayaan. Seryoso nga ang mayor na pagsisihan ko ang hindi pagsunod sa utos niya.

Hindi ko na namalayan ay isang oras na pala akong dilat at nakatulala sa kawalan. Sumagi sa isip ko ang masamang panaginip.

"Lahat talaga ng panaginip ko na may presenya ni Sandoval ay masama."

Bata pa lang ay hindi na kami magkasundo ni Sandoval. Kaya nga tinatawag ko siya sa apelyido dahil di kami magkasundo para tawagin sa pangalan ang isa't-isa, ay mali! Tinatawag niya ako sa buong pangalan with the same reason.

Ilang araw akong nakakulong sa mansion ng matanda. Naumay na rin ako sa naglalakihang mga berdeng halaman sa mismong bukana. Mula sa kwarto ay kita ko ang paglagaspas ng mga dahon bago unti-unting pumatak ang ulan.

Saglit lang ay tumunog ang cellphone ko signales na may tumawag. I always receive calls from my pals sa Maynila pero agad nakunot ang noo ko nang makita ang nakarehistrong pangalan.

"Zup, Matias!" Bati ko sa kabilang linya.

Tatlong araw ng wala akong balita sa mokong na 'to akala ko nga ay tuluyan na naming kalimutan ang existence ng isat-isa na parang parte lang ng kahapon.

"Eli?" Rinig kong boses ni Matias na tila pabulong sa kabila. Kumunot naman ang noo ko dahil may naririnig din akong boses sa kabilang linya na parang nagkakagulo sa side ni Matias.

Nang tanungin ko naman siya ay hindi niya ako sinagot nagpatuloy lang siya sa pagsalita na hindi ko masyadong maintindihan. Ang sabi niya lang ay may kakaiba daw na nangyari sa barrio nila pagkatapos kong umuwi. Dalawang binata daw ang nagpunta sa parteng bundok na nadaanan namin at hanggang ngayon ay hindi pa bumababa. Medyo magulo ang mga salita ni Matias at may mga bulong pa siya pero iyon lang ang ang tanging naintindihan ko.

Between our JourneyWhere stories live. Discover now