KABANATA 7: Matias' Suspicion

1 0 0
                                    

NANG magising ako ay wala na sa tabi ko ang dalawa. Inaasahan ko naman na si Atlas na maagang mawala sa paningin ko pero himala yata at maaga ring nagising si Matias.

Inayos ko naman ang hinagaan namin at chini-check ang oras na agad namang nagpabilog sa mga mata ko dahil sa magtatanghali na pala. Kumunot pa ang noo ko dahil wala akong naririnig na ingay galing sa labas. Hindi naman siguro ako iniwan na ng dalawa hindi ba? Foreshadowing ba 'yong nagyari kahapon?

"Matias!" Sigaw ko naman galing sa loob. Ilang saglit lang ay may narinig akong kaluskos sa labas.

Hinintay ko na lang na tumambad sa bukana ng tent ang ulo ni Matias pero ilang segundo ang lumipas ay walang reaksiyon galing sa kaniya. Napailing na lang ako at tuluyan ng lumabas. Siguro ay busy lang din si Matias sa paghahanda pababa namin o di kaya ay naghahanap pa siya ng ibang pwedeng bakas ng nawawalang kapatid. Kagabi rin bago matulog ay nagplano na ako paano ko hahanapin si Sandoval.

Alam ko namang pagagalitan na naman ako ng mayor pag nalaman niya ang pinagagawa ko sa bayan niya kaya mas mabuting kay manong Bet ako hihingi ng tulong mamaya pagbalik ko sa Palecia.

Ang plano ay babalik ako dito sa bundok ng mas maraming kasama at kagamitan. Kung hindi naman papayag si manong Bet at mukhang tagilid ang loyalty niya sa pamamagitan namin ng mayor ay kukumbinsihin ko naman si Matias na siya ang maglahad ng ebidensya sa mayor at hihingi ng tulong sa pulisya nang hindi nadadawit ang pangalan ko. Syempre sasama pa rin ako sa paghahanap pero dapat ay hindi ito malalaman ng matanda.

Saktong paglabas ko ay tanaw ko na ng maayos ang lawak ng bundok. Nasa may tuktok kami banda kaya napakapit din ako sa suot kong makapal na jacket. Mukhang sakto pala talaga ang pormahan ng dalawa kong kasama para sa ganitong klima.

"Atlas! Matias!" May kalakasan kong pagtawag sa dalawa. Hindi na rin naman ako nakaramdam ng alarma dahil sa liwanag ng paligid.

Saglit lamang ay may nakita akong usok hindi kalayuan sa tent namin. Bigla akong naalarma dahil unti-unting kumakapal ang usok at di nagtagal ay nakita ko na ang malaking apoy galing sa likod. Sunog?!

Mas lumakas na ang pagtawag ko sa mga kasama at nag-aalala kung nasaan na sila at baka napano pa sa lakas ng apoy sa likurang bahagi ng tent na kumalat na rin at ramdam ko na ang init. Dahil sa gulat ay halos hindi na rin ako makapag-isip kung tatakbo na ba ako palayo pababa o hahanapin pa ang dalawa. Nasaan na ba sila?

"Atlas!" Biglang pumasok sa isip ko ang mahabang ilog kanina sa baba. Kailangan makapunta ako dun dahil sa laki ng apoy ay mukhang hindi ko na ito mapipigilan pa gamit lang ang dala naming tubig. Impossible na!

"Matias! Nasaan kayo?"

Tuluyan na ngang napaatras ang mga hakbang ko dahil pati ang malaking tent na dala namin ay halos makain na rin ng apoy.
Sobrang init na ng paligid.

Hanggang sa nagtataka na ako hindi sa pinagmulan ng sunog, kundi dahil wala akong magawa kundi ang tumayo lamang malapit sa apoy. Sa sobrang init na pakiramdam ko ay magkakaroon na ako ng second degree burn pero nakapako pa rin ang mga paa ko sa lupa at natatarantang nakatingin lang sa apoy.

"Gago boss, dapat ba buhusan ko na ng tubig?"

"Eli!" Biglang nandilim ang paningin ko at narinig ang nag-aalalang boses ni Matias.

"Sandali," boses naman ni Atlas at ilang saglit lang ay may naramdaman akong humawak sa noo ko. Sobrang lamig ng kamay niya na agad nagpadilat sa mga mata ko.

Unang bumungad sa'kin ang diretsong tingin ni Atlas bago bawiin ang mga kamay tapos sunod naman na mukha ang tumambad sa mismong harap ko ay ang natatarantang pagmumukha ni Matias.

Between our JourneyWhere stories live. Discover now