"BUKSAN MO,"sabi lang nito kaya agad ko na lang binuksan ang pinto at hinayaan siyang pumasok. Narealize ko naman na nasa may back seat siya at planong palipatin sana sa tabi pero wala na akong nagawa. Dahil nasa loob na siya ay kita ko sa salamin ang medyo madungis niyang mukha.
"Anong nangyari? Saan ka galing?" Di ko na mabilang ilang tao na ang tinanungan ko ng tanong na 'yan- Na madalas hindi nasasagot.
"Umuwi ka na," sagot lang nito kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Saan naman ako uuwi?
"Alam mo ang daming nangyayari. 'Tsaka nahanap na ang kapatid ni Matias." Pag-ibang topic ko na lang saka sinubukan ulit paandarin ang kotse. Sakto naman na umandar ito kaya napahinga ako ng maluwag. Phew.
"Umuwi ka na Eli. Delikado ngayong gabi." Sabi lang nito bago akmang lalabas ng kotse kaya pinigilan ko siya at nagtanong. "Kalma lang kaibigan! Saan ka pupunta? Akala ko ba delikado?"
"Pupuntahan ko si Matias at Carmelita." Sagot nito bago bumaba. Napareklamo na lang ako bago bumaba rin. "Pupunta nga rin ako dun, sumabay ka na. May kasalanan pa kami sa'yo kaya goods lang, okay?"
Mabilis naman kausap si Atlas at tumango lang ito kaya pumasok na ulit ako sa kotse. Sumunod naman siya at sinabing kailangan na namin magmadali.
Naikwento ko pa sa kaniya ang nangyari kanina sa bahay nila Matias. Tahimik lang siyang nakikinig kaya hindi ko tuloy alam kung naniniwala ba siya o ano. Nang mabanggit ko naman si Sandoval ay sinabihan niya akong magfocus sa pagmamaneho kaya tumahimik na lang ako.
"Kapag may mali, lumayo ka na agad." Sabi ng kasama ko sa ilang minuto niyang pananahimik. Sinabi ko naman sa kaniya na maraming mali sa nangyayari kaya wala akong ibang choice kundi alamin kung ano nga ba ang mali. Nagulo pa ang isip ko sa ilang salita niya lang kaya hindi na rin ako nagsalita pa.
Tanaw ko na rin naman ang daan papuntang sentro. Saktong 11:20 pm kaming nakarating sa Palecia. Mas mabilis kaysa inaasahan.
Tina-try kong tawagan ang numero ni Matias pero hindi ito nag-riring. Mukhang nakapatay ang cellphone. Magtatanong sana ako sa kasama ano ang plano niya pero bigla na lang itong naglakad sa bahay nila Matias. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod.
Nasa harap na kami habang pinapakiramdaman ko naman ang paligid. Sobrang tahimik sa area nila Matias kaya hindi ko tuloy alam ano na ang nangyayari sa loob. Good thing kung tulog lang sila pero worst if may nangyari ng hindi maganda kaya ganito katahimik.
"Ano na plano mo? Wala naman sigurong kakaiba dun sa kapatid ni Matias, diba? Baka dahil lang sa traumatic experience nito kaya ito nagakagano'n." Pangungumbinsi ko sa aming dalawa. Lumingon lang sa'kin si Atlas at agaran na pinihit ang door knob. Medyo nabigla ako sa kilos niya. Ang bahay nila Matias ay walang bakod pero maraming mga halaman sa gilid, medyo malayo rin ang kapit-bahay nila at may kadiliman dito dahil na rin isang ilaw lang ang nakikitang kong nakabukas sa loob. Sa sala lang na nasa mismong tapat ng pinto.
"Naka-lock,"sabi ko pa bago pinihit ang door knob. Sarado nga. Sabay kaming napatingin ni Atlas sa bintana malapit sa pinto nila. May naisip naman ako kaya lang ay baka pagalitan ako ni Matias at tiya Carmelita.
"Ay, bahala na," pagsawalang bahala ko bago kumuha ng bobby pins at ilang malilit na wires sa dala kong maliit na bag. Napa-iwas pa ako ng tingin kay Atlas nang tapunan ako nito ng tingin. Napakamot na lang ako sa batok bago nagpaliwanag habang pini-pick lock ang pinto ng kaibigan.
"Kapag naabutan ako ng curfew nilo-lock ni lolo lahat ng pinto sa bahay kaya palaging may nakahanda sa bag ko..." Pagdadalawang-isip kong paliwanag sa kaniya. Tulad ng nakasanayan ay wala lang siyang reaksiyon kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi niya naman siguro iniisip na masamaa akong tao at may ugaling mag-illegal trespassing kung saan, hindi ba?
YOU ARE READING
Between our Journey
AdventureSomewhere on the island of Luzon It's the story of our journey where I'd made my lifetime a worthwhile memory. It's an adventure worth thousands of priceless pages, a narrative worth hundreds of thousands of words. Una kong sinimulan ang journal na...