KABANATA 5: The Cavern

6 1 4
                                    

PINAKITA niya naman ang hawak niya na isang pares ng bota. Balot ito sa putik at dahil papadilim na ay di na rin masyadong pansin ang matingkad nitong kulay.

Napangiti ako at tinapik siya sa balikat. Tinawag na rin namin si Atlas dahil plano naming magpalipas ng gabi dito sa pwesto. Total ay mas kaunti at halos patay lang na mga damo ang nandito.

Ngayon ay nakapalibot kami sa apoy. Gumawa na ako ng bonfire at inaya ang dalawa na kumain.

Ngayon na nagbalik na ang sigla ko ay todo kwentuhan lang kami ni Matias. Napag-alaman kong college student palang si Matias. Kahit mas matanda siya sa aking ng isang taon ay nahuhuli siya sa kolehiyo dahil sa problema sa pamilya.

Naikwento niya na unang taon sa kolehiyo siya at highschool si Gela nang iwan sila ng kanilang ama dahil may iba na itong pamilyang binubuhay. Ang ina naman ni Matias ay, sa mga salita niya, mahirap maintindihan. Mula ng magkamuwang daw siya ay halos wala raw siyang memorya sa ina dahil palagi itong wala sa bahay o di kaya ay nagkukulong sa kwarto. Ang kapatid niya namang si Gela ay lapitin ng gulo at barkada kaya palaging si Matias ang nagbabantay dito. Siya ang tumayong haligi at ilaw ng tahanan.

Natahimik tuloy ako at nakaramdam ng simpatya. Hanga din ako sa tatag na taglay niya.

Hindi aware si Matias na may alam ako tungkol sa grupo na kinabibilangan niya.

Base sa impormasyong nakuha ko ay tila isa itong organisasyon na binabayaran ang mga katulad ni Matias para magnakaw ng mahahalagang kagamitan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano. Wala rin akong ideya kung ano talaga ang pakay ng organisasyon. Walang konkretong ebidensya ang batas laban sa mga ito kaya kahit pa pinaghihinalaan na miyembro si Matias ay walang magagawa ang pulisya. Puro haka-haka lang ang pundasyon ng kaso kaya wala din itong magandang resulta.

Nakita ko namang hindi kumakain si Atlas kaya ay binigay ko na lang sa kaniya ang baon kong protein bars. Malamang hindi niya nagustuhan ang binigay ni Matias, puro ba naman maanghang. Tuloy ay napunta kay Atlas ang ikot ng usapan.

Natawa na lang ako dahil kung pag-usapan namin siya ay parang wala siya sa tabi. Sadyang matabil lang ang dila ni Matias. Tango lang ang tanging tugon ko dahil busy din ako sa pag-aayos ng walkie-talkies.

"Tahimik lang 'yan si Tres pero sa oras ng pangangailangan siya ang una mong malalapitan." Mensahe pa ni Matias na tila spokeperson ng nangangampanyang si Atlas. Kita ko ang pagdaan ng halong paghanga at pag-iingat sa ekspreson ng mukha niya.

"Tres? Do you mean the number three?"

Kumindat lang si Matias ng tatlong beses kaya pareho na lang kaming natawa bago siya nagpatuloy. Napalingon tuloy ako kay Atlas. Malungkot yata early childhood nito. Ni hindi manlang magawang makitawa o kahit ngumiti man lamang sa'min.

Nakatitig lang siya sa apoy habang ang nagliliyab nitong imahe ay makikita sa mga mata niya. Mas lalong nagbigay sa kaniya ng misteryosong awra.

"Oo Tres, iyan ang tawag namin kay Atlas dito sa Bandosa. Atlas Yoshio III, ang alam ko ay anak siya ng dating mayor dito sa lungsod bago ang mayor na pinalitan ng lolo mo."

Oh?

Balak ko sanang magtanong patungkol doon ngunit agad napahinto dahil biglang napatayo si Matias sa pagkakaupo sabay palakpak at malakas na nagpasalamat sa'min dahil sinamahan namin siya sa paghahanap. Napangiti na lang ako at napatayo rin sabay tingin sa mga kasama.

"Nice! Hindi man masyadong maganda ang una nating pagkikita pero masaya naman ako na nakilala kayo. Ramdam ko ring mapagkakatiwalaan kayo. Looking forward na mas makilala ko pa kayong dalawa." Sabi ko pa bago ngumiti. Siniguradong malinaw sa pandinig nila. Nakita ko naman ang pagdaan ng gulat bago ang natatawang ekspresyon ni Matias.

Between our JourneyWhere stories live. Discover now