KABANATA 6: The Cavern II

2 0 0
                                    

DAHIL sa biglaang pagbalot ng dilim sa paligid ay agad akong napakapa sa pader. Pilit inaalala kung ano bang kasamaan ang pinalaganap ko sa Pilipinas sa past life ko at ganito ako parusahan ng tadhana.

Pagkatapos kong malugmok ay alam ko naman na hindi pwedeng wala akong gawin lalo na at nasa kailaliman na ako ng yungib.

Hindi ko naman maitatangging unti-unti na akong nilamon ng kaba. Ang takot sa dilim ay isa sa mga tumatak na sa instinct ng tao sa sinaunang panahon pa lamang. Wala man akong nychtophobia pero iba pa rin kapag binalot ka ng dilim sa kailaliman ng kweba. Ang malala ay wala pa akong kasama.

Ngayon ay nasa loob na ako ng lagusan na nakita kanina. Kanan.

Kung gano'n ay aasahan kong may iilang lagusan ulit pagkalabas ko sa butas na 'to. Ngunit paano ko malalaman ang dalawang hakbang pakanan na butas mamaya kung wala na akong ilaw.

Literal na parang nakapikit lamang ako at pilit binabagtas ang diretsong daan. Paano kung sa paglalakad ko may iba pa palang daanan? Hindi pwede!

Kinakapa ko ang pader sa kanan habang naglalakad. Bakit ko nga ba ginagawa 'to? Kanina ko pa kinakalkula ang pwedeng mangyari pag nakalagpas ako dito. Possibleng makita ko si Atlas o si Sandoval pero possible ring hindi. Ngunit pinaghahawakan ko ang tyansa na maaaring nandito lamang sila.

Mayroon akong concrete proof na nandito si Atlas at ang sulat kanina ay malaki din ang posibilidad na siya ang nag-iwan dahil makikita namang bago lang ito base sa bakas at sa pagkakasulat, halata namang hindi pa ito nalilipasan ng panahon. At kung ihahambing sa diin ng sulat ko at sa mga letra kanina ay mas malaki ang tiyansa na sa mga araw lang na ito naisulat. Sayang lang at wala masyadong ilaw dito sa yungib.

Sana lang ay ang naiinis na si Sandoval o ang walang emosyon na mukha ni Atlas ang makita ko. Kung babalikan ang direksyon kanina ay dalawang hakbang pakanan ang gagawin ko. Kanina ko pa nilalakad ang lagusan pero hindi ko pa rin nararamdaman ang malaking espasyo na pwedeng magdadala sa'kin sa susunod na butas. Paano ko rin naman malalaman ang hakbang pakanan kung hindi ko nakikita ang butas? Paano kung may iba pang daanan, ibang espasyo o di kaya ay ibang lagusan?

Sa dami ng tanong ay nahihilo na ako kaya napakapit na lang ako sa magaspang na bato.

Hindi! Kailangan ko pa rin magpakatatag. Hindi pwedeng mawala ako sa focus lalo na at siguradong halos ilang oras na akong nandito sa yungib. Idagdag pa na mas lalong nasa kailaliman na ako at malayo kay Matias na pwede kong hingian ng saklolo.

Maya-maya lamang sa gitna ng pagpapakalma sa sarili ay hindi ko na naradamdaman ang magaspang na bato senyales na nakalabas na ako sa lagusan. Galing sa butas ay agad akong humakbang patagilid sa kanan. Dalawang hakbang lang ng bigla akong may nabangga na alam kong hindi pader at mas lalong hindi matigas. Tao!

Hindi...impossible, alam ko kung tao ang nabangga ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang maghintay ng reaksiyon mula sa kung sino man. Tahimik akong napamura dahil inaasahan ko rin namang hindi ito magsasalita at mas lalong hindi ito magrereact. Dahil hindi ito tao-

Agad nabaling ang atensiyon ko sa dinaanan kanina. Aatras ba ako? Hindi ko man kita ang daan pero alam kong nasa tapat lang ako ng lagusan kanina dahil napahakbang ako pabalik kanina. Kung didiretso ako ay malamang makakasalamuha ko ulit ang kung ano mang mabalahibong nilalang na nabangga ko dahil ramdam at alam kong nandito lang siya sa iisang espasyo na ginagalawan ko.

Ilang segundong katahimikan nang may marinig akong alulong nang kung ano mang nilalang sa bandang kanan ko na talagang nagpaalarma sa buong sistema ko.

Dahan-dahan akong napaatras sa dinaanan kanina. Gusto kong magpatuloy at hanapin si Atlas, Sandoval o kahit na ang kapatid ni Matias pero sng sabi nga nila paano pa maipagtatanggol ng sundalo ang bayan kung una siyang mamamatay.

Between our JourneyWhere stories live. Discover now