BUMUNGAD sa'kin ang Saint Bernard nila na si Kairo, na madalas ay tinatawag kong Kai. Napangisi na lang ako habang hinihimas ito. Magkasundo kami nitong si Kai, taliwas sa amo niya.
"Zup homie? Mas malaki ka na kaysa nung huli kitang makita a!" Bati ko rito na agad niya namang nireply-an ng simpleng pagkawag ng buntot.
"Here comes the troublemaker." Rinig ko ang boses ni tita mula sa loob. Napakamot na lang ako bago tuluyang pumasok at nagmano sa kaniya. Agad hinanap ng mga mata ko ang magkapatid.
Tinuro naman na ni tita ang kwarto ni Sandoval na nasa taas pa pala at oo ngayon lang ako nakapunta sa bahay nila. Ang alam ko kasi ay dati sa Palecia sila nakatira bago lumipat dito.
Malalaki ang hakbang ko habang inaakyat ang malaki nilang hagdan na may kakaiba pang mga ukit sa gilid. Medyo may pagkaluma ang style ng bahay nila tita, na wari ko pa ay uso sa Bandosa o sadyang may katandaan lang talaga ang probinsya kaya ganito ang madalas kong nakikitang disenyo ng bahay.
Nakikita ko rin ang family picture nila sa puting dingding sa gilid ng hagdan. Mukhang bagong kuha lang dahil gano'n pa rin ang pormahan ni Ava. Masyado kasing pabago-bago ang kulay ng buhok nito at ng hindi madidisturbo niyang bangs. Huli ko siyang makita na katulad ng nasa larawan ang kulay ng buhok kaya malamang ay this month o week lang 'to nakuhanan.
Nakita ko na naman ang mukha ni tito na talagang malapit sa mukha ni dad. Napahinga akong malalim dahil sa medyo hawig ko rin talaga ang mukha ng dalawang mag-amang parak.
Sa pag-akyat ko sa malawak na itaas ay nakita ko agad ang kwarto na tinutukoy ni tita. Nakabukas din ang pinto at kita ko mula sa kinatatayuan ang nagtatawanang magkapatid. Ang saya nila pagmasdan kaya nga nandito siguro ako para guluhin 'yon.
"Greetings fellow human!" Bati ko sa dalawa na nagpahinto sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. Tumatawa pa si Ava bago ako nito tarayan pero agad din namang bumawi ng ngisi.
"Sorry, humanoid detected." Sabi pa nito bago ako suriin na parang isa akong alien na napadpad sa planeta nila. Pabiro ko na lang na ginulo ang bangs niya kaya pinanlisikan niya ako ng mata. Pamilyar ang ganong tingin kaya agad akong napaiwas. Inaalala ang kaganapan kaninang umaga.
Magdidilim na rin ang paligid kaya kailangan ko ng magmadali rito at umuwi na sa bahay bago pa ako habulin ng curfew. Nang marealize ko naman na walang hahabol sa'kin mamaya dahil nandito siya ay napangiti na lang ako at kinamusta na si Sandoval na ngayon ay nakatingin lang sa'min.
Hindi siya nagsasalita kaya nakunot ang noo ko. Madalas sa ganitong sitwasyon katulad ng pagdalaw nila sa Maynila ay agad ako nitong paulanan ng pangaral na para bang mission niya sa buhay ang dalhin ako sa matuwid na landas. Hindi rin siya nauubusan ng insulto, tipong minememorize niya yata lahat ng bokabularyo ng masasakit na salita para lang sa'kin.
"Gosh guys! We're having lunar eclipse pala tonight!" Tili pa ni Ava. Bigla namang akong nabahala hindi lang dahil sa boses niya. Oo pala nakalimutan ko, sinabi rin pala ito ni manong Bet kanina sa biyahe. Tinakot niya pa ako na kahit daw walang curfew ay bawal na bawal daw lumabas tuwing eklipse dito sa lungsod. Halata namang ayaw niya lang maging sakit ako sa ulo ng mayor at ni Sandoval na kakauwi lang dahil nawala lang daw umano sa bundok.
Nandito rin ako para alamin ang detalye ng nangyari kay Kai. Kahit pa hindi ako pulis kagaya niya ay may karapatan pa rin naman akong mag-imbestiga sa nangyari sa kaniya at sa kapatid ng kaibigan ko.
Binabantayan ko ang galaw ni Sandoval pero nakatulala lang ito sa bintana. Mula sa kama niya ay kitang-kita ang buwan sa labas. Hindi naman gaano napapansin ang pagkaiba ng sinag ng buwan kaysa sa mga nagdaang gabi pero hindi pa rin namin maiwasang mapatitig dito.
YOU ARE READING
Between our Journey
AdventureSomewhere on the island of Luzon It's the story of our journey where I'd made my lifetime a worthwhile memory. It's an adventure worth thousands of priceless pages, a narrative worth hundreds of thousands of words. Una kong sinimulan ang journal na...