KABANATA 9: Mysterious Appearance II

1 0 0
                                    

"MA!" Agad kaming lumapit sa nakahigang ginang at chineck ko naman agad ang pulso nito. Naramdaman na mahina kaya nagdial agad ako ng numero.

"Anong nangyari Gela?!" Sigaw ni Matias sa kapatid na ngayon ay nakatayo lamang sa harap namin. Umiiyak.

Napansin ko na nakabihis na ito ng pantulog, basa ang magulo nitong buhok. Pwedeng kakagaling lang nito sa ligo. Nanginginig ang mga kamay nito na nakapatong sa bibig. Isa lang ang napansin ko sa ekspresyon nito: Gulat at takot.

"Kuya si mama! Hindi 'yan si mama! Halimaw...halimaw..."

Pareho kaming nahinto ni Matias. Sinabihan ko na lang sila pareho na kumalma muna at paparating na ang tulong. Ang hinuha ko ay nahimatay ang ginang, namumutla ang labi nito pero wala namang bakas ng blunt trauma o sugat.

Ilang minuto ay dumating na ang ambulansya ng Palecia. Dinala na ito sa malaking hospital ng Amani. Naiwan ako sa bahay nila dahil pinapabantay ito ni Matias.

Naiwan ako kasama ang kapatid niya na hanggang ngayon ay humahagulgol pa rin. Pinatahan ko na ito at binigyan ng tubig. Agad naman itong uminom at nagulat pa ako ng agresibo nitong tinungga ang isang pitsel na may lamang malamig na tubig.

"Kalma ka lang Gela, magiging okay din ang mama niyo." Sabi ko na lang. Pareho kaming naka-upo sa sala at nakaharap sa isa't-isa.
Tanging lamesa lang ang namagitan sa'min.

Bigla ako nitong tinapunan ng tingin na nagbigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam. Biglang sumagi sa isip ko na tanging ako lang ang nasa bahay nila, na para bang sinasabi ng sistema ko na may panganib sa malapit. Like a prey being cornered.

"Halimaw... hindi... kasalanan mo 'to!" Paiba-iba ang tono ng salita ni Gela. Minsan ay bubulong minsan naman ay sisigaw at titingin ulit sa'kin. Unti-unti akong napaatras sa upuan at tinignan kung malapit lang ba ako sa pintuan. Tahimik ang barrio nila kapag ganitong oras. Maririnig naman siguro nila kung may nangangailangan ng saklolo rito, diba?

Hindi ko na lang pinakita sa babae na kinakabahan ako. PTSD? Possible kayang may nangyari sa kaniya na nagbigay ng matinding trauma at naapektuhan ang takbo ng isip niya? I'm no psychologist pero may kaalaman pa rin naman ako patungkol dito. May naengkuwentro rin ba siyang kakaiba sa lugar kung saan man siya nagpunta?

"Matagal ka ring nawala, kumusta ang lugar na pinuntahan mo?" Tanong ko dito sa mahinahong boses. Kailangan ko pa rin intindihin ang kalagayan niya atsaka baka may alam din siya patungkol kay Sandoval. Ngayon pa lang ay pumasok na sa isip ko ang tyansang pag-iiba rin ng kilos ng parak. Baka mas lalong magkagulo kami nun.

Unti-unti itong nagtaas ng ulo at pinunasan ang mga luha. "Ayaw ko ng bumalik dun... pakiusap." Iyak nito. Bigla naman akong naawa sa babae, siguro dahil punong-puno pa ito ng luha sa mga mata. Marahil nakakatakot ang dinanas niya. Kailangan niya ng taong uunawa sa kalagayan niya.

"Wag kang mag-alala hindi ka na babalik dun, akala ko ay naglayas ka daw at sumama kay Atlas?" Usisa ko at hinintay ang maging ekspresyon niya.

"Atlas?! Ang lalaking iyon!" Nagulat ako ng biglang nanlisik ang mga mata nito at sumigaw na lang bigla. Sinusumpa pa si Atlas.

"Maglalaho din siya balang araw! Patayin siya... kasalanan niya lahat, kasalanan mo, kasalanan niyo. Masama siya!" Agad na lang siyang nagsisigaw kaya pinilit ko ulit itong pakalmahin. Lumapit na lang ako at pinaupo siya ulit bago tapikin ang likod nito. Basa pa rin ang likod nito at medyo may kakaiba akong naamoy sa paligid.

"Kumalma ka muna Gela, hindi mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa'yo kung patuloy kang magpapadala sa emosyon." Sabi ko pa bago mag-isip kung ano ang pwede kong sabihin para kumalma siya. Medyo nanibago ako sa inaakto nito dahil sa mga kwento ni Matias na malayong-malayo sa kasama ko ngayon.

Between our JourneyWhere stories live. Discover now