KABANATA 8: Mysterious Appearance

0 0 0
                                    

HINDI ko alam anong maging reaksiyon sa sinabi niya bukod sa gulat ay may halong pagdududa rin akong naramdaman. Biglang may alaalang sumagi sa isip ko.

"Impossibleng walang makakilala kay Atlas sa Palecia dahil doon siya narihan dati. Kaya nang sinabi nila na si Atlas ang tinutukoy ng kapatid ko ay agad akong nagplano paano ko makakausap si Atlas. Sakto naman na narinig ko mula sa'yo ang pagkawala ng pulis mong pinsan dahil ang totoo ay napag-alaman din namin na hinahanap ni Sandoval si Atlas sa Palecia."

Pilit ko namang ina-absorb ang mga nakuhang impormasyon. Hindi ko inaasahan na ganito ito kabigat, para bang sa isang iglap nagdududa na ako sa mga taong nakapaligid sa'kin.

Bakit ngayon lang ito sinabi ni Matias? Kaya ba siya ilap kay Atlas dahil isa itong primary suspect sa pagkawala ng kapatid niya?

Nagpatuloy na kami dahil sinabi niya rin na hindi ko na ito babanggitin pa kanino man at huwag na rin magpahalata sa kasama namin. Ngayon ay nakompirma ko na ang kanina ko pang pilit inaalala. Tinapik ko ng biglaan si Matias at bumulong.

"Ang totoo ay ngayon ko lang ulit naalala, nakita ko na si Atlas dati noong papunta ako sa baryo niyo. Nakita ko siyang may kasamang babae, hindi ako sigurado sa hitsura dahil nakatalikod ito."

"Ano?"

Nataranta kaming pareho nang biglaang huminto si Atlas sa unahan namin. Hindi niya naman siguro kami naririnig diba? Masyado na siyang malayo at mahina lang ang bulungan namin.

"Shit naman! Sigurado ka ba Eli? Si...? Baka ang kapatid ko... what the." Nagulat kaming pareho nang tuluyan ng hindi gumalaw ang kasama namin. Para bang sa isang horror movie ay inaasahan naming unti-unti itong lilingon at may hawak na patalim.

"Ano ng gagawin natin? Hindi naman pwedeng sasama pa tayo sa kaniya at mas lalong hindi pwedeng hayaan nalang natin siyang makaalis." Bulong pa ni Matias pero napako lang ako sa kinatatayuan natin.

Ang totoo ay kahit sa mga impormasyong nailahad ay hindi pa rin ako nakakaramdam ng tensiyon sa presensiya ng pinagsususpetsahan namin. Pilit kong pinaniwala ang sarili sa panganib na pwedeng dala ni Atlas pero hindi ko ramdam ang pagdududa sa kaniya. Lalo na at isang araw din namin siyang nakasama. Isa pa ay nailigtas niya rin ako sa kweba, tinulungan niya pa kami ni Matias at wala namang naging problema.

Kung totoo nga na masamang tao ang kasama namin at may iba itong masamang intensiyon ay bakit kinakailangan niya pang magpagod at ng mahabang pasensiya sa amin kung kayang-kaya niya naman akong iwan sa kweba at dispatsahin si Matias?

Hindi rin tumutugma ang mga hinala namin sa personalidad ng kasama. Sa naalala ko pa ay tila wala namang masamang ginagawa si Atlas sa babaeng kasama niya sa daan.

Naalala ko pa na malayang nagsasalita lamang ang babae sa harap niya. Isa pa hindi ba mas magandang magpanggap siyang madaling pakisamahan kung may masama naman siyang balak sa amin?

Ngunit hindi pa rin mawala ang katanungan ko. Ngayon ay naintindihan ko na ang sinasabi ni Matias mukhang may kakaiba nga sa kasama.

Kinumbinsi na ako ni Matias na humiwalay na sa kasama ngunit pinipilit ko naman siyang sumunod na lang muna total ay tama naman ang dinadaanan namin sa paanan ng bundok.

Napansin na lang namin na papalapit na kami sa tila naistatwa na kasama. Kung akala ko ay magagalit at magiging matapang si Matias sa tabi ko ay tila naduduwag pa ito at palihim pa rin na hinahablot ang braso ko. Pinandilat ko nalang siya ng mata dahil nagmumukha kami ngayong tanga.

Tatawagin ko na sana si Atlas pero nabigla nalang kami dahil may narinig kaming putok ng baril. Sobrang lakas nito na pakiramdam ko ay nasa tabi lang namin. Napahawak ako sa tenga dahil pakiramdam ko dudugo ito.

Between our JourneyWhere stories live. Discover now