𝗥𝗮𝘄 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 8

79 3 0
                                        

Taliana

"Kamusta ka na, Taliana?"

Nandito kami ngayon sa silok ng puno. Hindi pa masyadong mainit kaya nararamdaman mo parin sa balat mo ang malinis at malamig na simoy ng hangin.

"Hindi ko masabi kong ayos lang ako, Blue."

Hindi na siguro lingid sa kaalaman niya ang nangyari sa'kin dahil hindi naman iyon sikreto, at halos sa buong kulungan ay alam kung pano ako napasok rito.

"I know this won't help but you deserve the best, Taliana. Hindi mo dapat nararanasan ang lahat ng ito."

Matagal ng hindi kami nagkita ni Blue, pero magpasahangang-ngayon ay hindi niya parin natatanggal ang pagiging maalalahanin.

"Salamat, Blue pero nandito na eh. Kailangan kong tanggapin ang plano ng Diyos sa'kin." Mapait akong ngumiti nang yakapin niya ako at hinalikan aa buhok.

Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya, para parin siyang kasintahan ko kung umasta. Siguro ay nakalimutan niya dahil sa lalim ng usapan namin.

"Ikaw, kamusta ka? Paano ka napasok rito?"

Hinayaan ko siyang haplos-haplosin ang likod habang binabaon niya ang ulo niya sa leeg ko na para bang pinapakalma siya nito.

"Long story. You don't need to know it, Taliana. Ayaw kong dagdagan pa ang problema mo."

Aangal na sana ako, gusto ko siyang tulungan kahit na pagaanin lang sana ang loob niya gaya ng ginagawa niya sa'kin ngunit hindi ko siya pwedeng pilitin. Siguro ay maghihintay ako hanggang sa handa na siyang magbukas ng loob sa'kin.

Isa sa ugali ni Blue ay ang sarilihin ang kanyang problema, kahit tanungin mo siya kapag nakasarado ang kanyang isipan ay hindi mo makukuha ang mga sagot sa kanya. Isa ang dahilan na ito ang rason kung bakit kami naghiwalay.

"You smell good. Have you been using a perfume?" Kapag ay tanong niya. "Nag-iba ang amoy mo, iba sa dati mong amoy noon. Yours has become masculine and woodsy, almost like a smell of a man."

Kumawala ako sa pagkakayakap at inayos ang pagkakaupo. "B-baka siguro sa gamit kong sabon. Puro panlalaki kasi ang available na sabon dito." Pagsisinungaling ko, ngunit ang kalahati niyon ay totoo. Halos lahat ng gamit rito sa kulungan ay puros panlalaki, maliban nalang sa mga gamit ng kasingtahan ni warden, pero wala na ang mga iyon dahil kinuha naman niya ito kagabi.

Siguro nga ay sinasabing amoy ko ngayon ay nalipat lang sakin ni warden nang magkatabi kaming matulog. Malinaw parin sa utak ko kung pa'no niya ako yakapin sa bisig niya kagabi na halos ay hindi na ako makahinga pero wala naman akong magawa dahil wala akong karapatang magreklamo.

Ang mga iyon ay hindi ko naman pwedeng ipagsabi kay Blue na pabango iyon ni warden. Hindi niya pwedeng malaman dahil wala naman iyong katuturan.

"I see." Ngumiti siya at tsaka pinisil ang aking pisngi. "I'm glad."

Tumaas ang kilay ko, "Para saan?"

Nakangiti itong umiling at tsaka ay muling nagtanong.

"Are you close with warden?"

Natigilan ako sa narinig, paano niya naman iyon nalamang nakakausap ko si warden?

"Bakit mo naman natanong?" Nag-aalangang tanong ko.

"I just saw you walk out of his office this morning. I just assumed na close kayo since ikaw lang ang babae rito...at baka type ka niya." May bahid nang pagseselos sa boses niya o hindi naman kaya ay guni-guni ko lang mga iyon.

"U-uy, hindi ah." Nag-alinlangang saad ko. "M-may pinagawa lang sa'kin si warden sa office niya bilang parusa sa nangyari kahapon. At tsaka may kasintahan na si Warden, kaya napakaimposible niyon." Paliwanag ko na siyang totoo naman.

WARDEN'S PETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon