CHAPTER 9
Anne’s POV
Nagpa-alam muna ako sakanila na pumunta ng CR, kanina pa kase ako naiihi eh tsaka para makapag retouch na din ako. Pagkatapos kong pumunta sa CR, pumunta ako sa tahimik na lugar para matawagan si Sam. Nakokonsensya na nga ako eh, feeling ko kase niloloko ko siya sa ginagawa namin ni Vhong. Pero wala naman kase talagang ibang meaning saken yun eh, walang malisya. Friends lang talaga kami, yun lang yun! Dinial ko na nga yung number ni Sam, sandali lang at sinagot na niya yung tawag ko. Buti naman!
Sam: “Hello?”
Anne: “Hi babe! I miss you.” Pa-sweet kong sabi sakanya, syempre gusto kong bumawi sa babes ko TALAGA!
Sam: “Are you drunk?”
Anne: “Mmm…n-no I’m not.”
Holy Shizzles! Nahalata na niya, patay tayo diyan!
Sam: “Anne!”
Anne: “Eee, konti lang naman eh, pero promise hindi naman ako lasing talaga.” I lied.
Sam: “Tss. Naka-inom kapadin! Pano ka uuwi niyan? Pano kung maaksidente ka? Ha?” Hmmp! Bat ba ang hilig ng mga tao dito sa wattpad na mag “Tss.” Anong meron sa word na yun? Pero infairness ah. Ang sweet ng boyfriend ko.
Anne: “Kaya ko pa naman eh.”
Sam: “Sunduin na kita jan?”
Oh sheet! Bat ang sweet sweet niya? O///O Pero syempre kailangan kong magpa-kipot. Hihi. Gusto ko kase pilitin niya ako eh.
Anne: “Ah-eh, huwag na. Kaya ko naman eh, tsaka ayaw ko namang istorbohin pa kita.”
Sam: “Ahh, sabagay. Sige, ikaw bahala.”
Ganon? Hindi niya ako pinilit? Baket? Huhu. Kala kopa naman sobrang sweet na niya eh. Buti palang hindi nako nagpakipot sakanya. Nakakainis! Ano ba kase ginagawa ng lalakeng to, at parang napakabusy.
Anne: “Ano ba ginagawa mo niyan?”
Sam: “Naglalaro ng PS3. Ahh, babe? Baba ko na to ah? Ingat ka sa pagd-drive. I love you babe! Bye.”
Anne: “W-wai….” *toot*toot*Hindi man lang niya hinintay yung sagot ko?! Nakaka-inis! Mas mahalaga pa pala sakanya yung PS3 niya kesa sa girlfriend niya. Bwisit!
Nilagay ko na yung phone ko sa bag ko, saka na bumalik sa table namin. Naiinis ako sakanya, wala siyang kwentang boyfriend! Kaya tama lang tong ginagawa ko na nakikipag flirt kay Vhong. Bahala siya sa buhay niya! Pagbalik ko sa table…
Vhong: “Anne! Bat ang tagal mo?” Hala grabe! Lasing na lasing na toh! Si Teddy naman, bagsak na din.
Anne: “Ahh, tinawagan kopa kase si Sam. Vhong, lasing na lasing kana ah. Pano ka uuwi niyan?”
Vhong: “Sus. Kaya kopa naman eh. Kanina pa kita hinihintay.”
Tumabi ako sakanya.
Anne: “Eeeh, kase nga tinawagan ko si Sam diba?”
Vhong: “Tss.”
Ayan nanaman yang “Tss” na yan. Pakshit lang!
Vhong: “Nagseselos ako”
Ha? Ano daw? Nagseselos siya? Pero bakit? Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Oo, lasing na din ako pero, nasa katinuan padin naman ako.
Anne: “Ha? Nagseselos? Baket?”
Vhong: “Ikaw kase Anne, manhid ka! Ako naman indenial. Hahaha! Naguguluhan kaba? Ako kase, oo eh. Hindi ko alam kung gusto lang kita o mahal naba kita, kase diba? Kailan pa lang tayo nagkita, tapos mahal na kita agad? Psh! Anne, kapag ba mahal mo ang isang tao, gusto mo lagi mo siyang nakikita? Ha?”
Mahal niya ako? Pero…kase….Haay ewan! Naguguluhan din ako sa mga pinagsasabi niya. Tama ba yung ginagawa ko na, makipag flirt sakanya? Hindi ko naman kase alam na mahal niya ako eh, malay ko ba na binibigyan pala niya ng malisya yung mga ginagawa namin. Kailangan ko naba siyang iwasan? Pero…
Vhong: “Uy! Tinatanong kita.” Tapos tinusok-tusok pa niya yung pisngi ko.
Anne: “Pero Vhong, lasing ka na eh.”
Vhong: “Sagutin mo nalang ako, please?” Ano pa nga ba magagawa ko, kundi sumagot sakanya. Na-trap nako sa makulit nato eh.
Anne: “Haay! Oo, kapag mahal mo ang isang tao, gusto mo lagi mo siyang nakikita kase kapag nakikita mo siya feeling mo nasa heaven kana sa sobrang saya.”
Vhong: “Ahh edi ibig sabihin mahal na nga kita. Kase ganun yung nararamdaman ko kapag nakikita kita eh.”
Tapos nagulat nalang ako nung biglang bumagsak yung ulo niya sa balikat ko, pero mas nagulat ako sa mga pinagsasabi niya sakin. Bagsak na din siya! Pero hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga sinabi niya, kaya tinitigan ko muna siya. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko para titigan ko siya. Pero I found him cute?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry po sa mga errors, hindi ko na po kase inedit yan eh. Haha. :D Yes! Bawi nako sa two weeks ah? ;) Hahaha. VOTE AND COMMENT. ;)