35-45

37 0 0
                                    

Chapter 35

GABRIEL POV

Malalim ang aking iniisip habang nandito ako sa balcony ng aming kwarto ni Carissa Malalim na. Ang gabi at tulog na lahat ng tao dito sa mansion pati na din si Carissa.

Naglalaro sa aking isipan lahat ng paghihirap at sakripisyo na ginawa ng aking asawa Pilit man nitong itago sa akin pero alam kong Hangang ngayon ay ramdam ko pa rin ang paghihirap ng kalooban nito. Nirequest ko kanina sa cctv personnel ang copy ng cctv na kuha habang inaaway ni Ara si Carissa kanina sa lobby. Pati na din ang mapanglait na tingin ng mga taong nakakakilala sa aking asawa. Alam kong napansin din ito ni Carissa at pilit niya itong binabaliwala kahit na nasasaktan.

Ayaw kong tuloy-tuloy na maranasan ito ng aking asawa. Kailangan kong gumawa ng paraan para malinis ang pangalan nito. Alam kong hindi sapat ang interview kanina Ayaw kong maging dahilan ito ng stress kay Carissa Pero ano ang gagawin ko? Pamilya niya ang kaaway nito,

Pumasok ako ng kwarto at mataman kong tinitigan ang natutulog kong asawa. Marahan kong

Hinaplos ang mukha nito. May kunting galos ito dahil siguro sa pananakit ni Ara kanina. Inayos ko ang kumot nito at ng masigurado ko na komportable na ito ay nagpasya akong lumabas na ng kwarto.

Naglakad ako papunta sa winebar ng aming mansion para kumuha ng alak Kailangan ko sigurong

Uminom para makapag-isip ng maayos

Pagdating ko sa winebar ay sakto naman ang paglabas ni Daddy dito. Nagtaka ako dahil gising pa

Ito Kadalasan kasi ay maaga natutulog ang mga ito.

“Oh Gabriel, gising ka pa pala Halika dito samahan mo na lang kami ng Mommy mo. Nagyaya kasi ang Mommy mo na uminom ng kaunti kaya ayun napakuha ako ng wine dito.” Wika sa akin ni Daddy, Tumango naman ako at sumunod dito Derecho kami sa labas ng mansion Naabutan ko si Mommy na nakaupo malapit sa swimining pool

Gabriel, buti at gising ka pa Kumusta si Carissa, tulog na ba?” tanong ni Mommy sa akin.

Opo Mom, tulog na siya. Hindi ako makatulog kaya napagpasyahan ko na lumabas muna ng

Kwarto para magpaantok sagot ko kay Mommy

“Tungkol ba ito kay Carissa at sa kanyang pamilya? Gabriel, alam kong kahit hindi mo sabihin iyan ang pinoproblema mo ngayon. Napanood namin ang lahat. Interview ni Ara at ang interview kanina sa iyo. Pati na din ang pagwawala ni Ara kanina sa opisina alam namin.” Sagot ni Mommy Mom, Dad anong gagawin ko? Nag aalala ako para kay Carissa Alam kong apektado siya sa lahat

Ng ito.” Sagot ko kina Mommy at Daddy. “Nakakaawang bata ang asawa mo Gabriel. Matagal na siyang nagdurusa Mula noon hangang

Ngayon. Siguro ito na ang panahon para tapusin na lahat ng kanyang paghihirap “sagot ni Daddy. Napatango-tango naman si Mommy.

“Matagal ko ng nakikita at nararamdaman ang paghihirap ng iyong asawa Gabriel.

Jumakas ang sales ng furniture products na binibinta niyo. Masyado na din po akong nalugi sa kompanya na iyan dahil lahat ng pera na pinapakawalan ko ay wala ng bumabalik kaya I decided na magpull-out na lang. Three years is enough sa pagtulong ko sa inyo para makabangon “ mahabang paliwanag ko dito.

“But Gabriel, barya lang sa iyo ang pagtulong na iyan sa amin. Mahihirapan kaming makabangon kapag alisin mo ang support mo sa kompanya ko. Alam naman natin pareho na dahil sa iyo kaya hangang ngayon nakatayo pa rin ang aking negosyo. Huwag mo naman sanang gawin ito sa amin.

“mahabang wika ni Mr. Perez

“Nakapagdesisyon na ako Mr. Perez: Siguro maghanap na lang kayo ng ibang financer na willing ibigay ang 100% para makatulong na tumaas ang sales niyo. Masyado na akong busy para sa bagay na ito Marami ng nasayang na oras at pera sa aldn.” Sagot ko dito. “Is it because of Carissa? Dahil ba sa kanya?” agad na tanong ni Mr. Perez. Bakas sa mga mata nito ang galit.

TBTLWhere stories live. Discover now