Tila iginuhit ng langit ang unang araw ng ating pagkikita. Tanda ko pa na nagmistulang umayon ang kalangitan nang unang beses kong masilayan ang iyong mga mata. Maaliwalas, sapagkat kariktang walang kapantay ang aking nakita.
Aaminin ko, sa lahat ng mga talang aking nakilala ay ikaw ang buwan. Natatangi. Espesyal. Nag-iisa.
Ang iyong mga ngiti ang sa aking puso'y unang bumighani. Ang iyong mga halakhak ang unang nagdulot ng ligaya sa aking damdamin. Ang iyong boses ay musika sa aking pandinig, hindi magsasawang pakinggan araw man o gabi.
At tulad ng sikat ng araw, maliwanag at mainit na pag-ibig ang aking naramdaman. Hindi magawang maikubli kahit pa ng mga makakapal na ulap sa tuwing papalapit na ang ulan. Naging maliwanag sa akin na sa mga susunod na bukas, ikaw at ikaw lang ang nais kong masilayan, ang nais makasama, at ang nais mahagkan. Ikaw ang aking walang hanggan. Ikaw ang pipiliin magpakailanman. Ikaw ang laman ng puso't diwa kahit pa matapos ang kamatayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/363558832-288-k788641.jpg)
BINABASA MO ANG
Minsan, Mahal Kita Palagi
PoetryMga tula at talata na nagsasalay ng kuwentong pag-ibig. Isang pag-amin sa nararamdamang matagal na ikinubli. Sa loob ng maraming taon, ikaw at ikaw lang ang tinatangi Kaya't sa aking sarili, maski pa sa harap ng marami Hindi ko na talaga maitatanggi...