Chapter Four
"Tatay! Hello?" tumakbo ako paakyat sa hagdan habang nakadikit sa tenga ko ang cellphone ko.
Gumawa ng tunog ang kabilang linya. Pero putol putol ito. Hindi ko masyadong marinig si Tatay dahil sa mabagal na signal sa kabilang linya.
"Tay? Choppy ka po, Tay.." Niyugyog ko ang cellphone sa tenga ko na para bang bang maaayos ang signal niya. Pero wala na akong marinig sa kabilang linya.
Pagtingin ko sa cellphone ko ay namatay pala. Inayos ko ang battery nito na tumataba at lumuluwa na. Tinanggal ko ito at ibinalik pagkatapos ay pinindot ko ang switch on para mabuhay.
Habang hinihintay ko ay nadaanan ko ang kwarto ng isip bata na si Kizae. Napatitig ako dito saglit at nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba at sisilipin para masigurado na humihinga pa siya kahit ang tanging hiling ko ay malagutan na siya ng hininga.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya nabaling ang tingin ko dito. Sinagot ko ito agad nang makita na si Tatay ito.
"Hello, Tay? Hello.." nagsimula na akong maglakad papasok sa kwarto ko para makausap si Tatay.
"Anak!! Nandito ako sa itaas ng bubong natin!" natatawang ani niya.
Natawa ako dahil naiimagine ko si Tatay na nakaupo sa bubong ng bahay. Madalas ko ito gawin noong nasa bahay din ako para lang makausap si Sunny. Wala kasi talagang signal doon.
"Ingat, Tay baka mahulog kayo. Wala ako dyan para saluhin ka hehe" umupo ako sa harapan ng salamin ko para tingnan ang itsura ko. Pero agad din ako tumalikod nang may makita akong mangkukulam, sino pa edi ako.
"Malakas pa buto ko anak hwag ka mag alala. Kumusta ka na dyan? Hindi ka naman ba pinapahirapan ng amo mo?"
Agad nawala ang ngiti ko atsaka bumaba ang paningin ko sa mga salonpas na nakalagay sa magkabilaang binti ko.
"Syempre hindi po, Tay! Wala nga ako masyadong trabaho dito, e! Prinsesa nga ako kung ituring dito"
"Mapagbiro ka talaga, anak.."
Tumawa ako nang malakas, "Grabe ka naman, Tay! Mababait talaga ang mga amo ko at halos ayaw nila na mapagod ako" napangiwi ako sa huling sinabi ko. Pagod na pagod ako dahil sa pesteng isip bata na 'yon!
"Hindi ka naman ba dyan tinatawag na panget at mangkukulam?"
Napatigil ako sa pagtawa at napangiti ng palihim. Nakaramdam ako ng paghaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Kahit hindi ko sinasabi kay Tatay kung ano ang nararanasan ko sa pang araw araw na dinadanas ko sa mga mata ng mapanghusgang mga tao ay alam ko na naririnig niya din ang mga sinasabi nila patungkol saakin.
"Tay, promise, mababait ang pamilyang Zaragosa. Wala akong basher dito.." napalabi naman ko agad nang maalala ko na ang nag iisang basher ko sa bahay na ito ay ang mismong inaalagaan ko. Napakasama ng ugali. Demonyo. Suwail. Hindi niya deserve maging isang Zaragosa. Isa siyang ligaw na Zaragosa.
"Mabuti naman kung ganoon, anak. Panatag na ang loob ko na nasa maayos ka na kalagayan..."
"Oo naman, Tay! Atsaka kapag hindi maganda trato nila saakin, aalis ako dahil 'yon naman ang sinabi ko sayo diba?" Naaalala ko na tinitiis ko ng ilaw araw ang mga masasakit na salita noon sa mga amo ko sa dati ko na mga trabaho pero umaalis ako kapag sumusobra na. Hindi ko naman hahayaan na aapi apihin lang ako, no! Kaya nga hindi ko mapigilan patulan itong si Kizae. Pakiramdam ko tatagal din naman ako dahil mababait talagang tunay ang mga tao dito sa bahay. May rason ako lagi para manatili dito.
BINABASA MO ANG
Blindy Inlove (Zaragosa Series #1)
Humor(ZARAGOSA SERIES #1) She's ugly. He's blind. She's his personal maid. He's her job. She fell in love. Will he fall for her? Started: February 2024