Chapter One

42 3 0
                                    

Chapter One

Rohani Faye Nareza

"Bestfriend!!"kumakaway na tawag saakin ni Sunny. Patakbong lumapit siya saakin at agad na niyakap at ikinulong ang katawan ko sa dalawang braso niya.

Muntikan na akong hindi makahinga sa ginawa niyang pagyakap saakin.

"H-hindi ako makahinga.." mahinang sabi ko habang pilit nilalayo ko ang sarili ko sakanya.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang feeling ko lumubog ang foam ng bra ko. Makapal na foam ang suot ko, atleast man lang may maipagmayabang ako kapag ininterview nila ako. Hindi din naman kasi ako katalinuhan kaya wala talaga akong maipagmamayabang sa sarili.

Natatawang lumayo saakin si Sunny saka ako hinarap ng maayos at kinurot ang dalawang pisngi ko. Napaaray ako at dali daling inalis ang kamay niyang nakakurot.

"Yong pimples ko!!" reklamo ko at agad kinuha ang salamin sa dala kong bag at chineck kung anong nangyari sa pimples ko. 

Mahal na mahal ko ang pimples ko no! Sabi daw kasi, lahat ng minamahal mo ay nawawala. Kaya hindi ako nawawalan ng pag asa sa kasabihang 'yon. Pimples ko ang first love ko. Mahal na mahal ko talaga sila at sana mawala na talaga sila saakin​ ng tuluyan.

"Alagang alaga ang mga pimples eh no? Ano ba sikreto mo at ganyan kalago ang mga pimples mo?" sarkastikong tugon niya. Napapairap pa siya kunwari.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Hinead to foot ko siya at pansin ko ang magandang suot niya. Naka button down polo shirt ito at nakasuot ng faded jeans. Kapansin pansin din ang medyo mamahalin na suot niya na sandal dahil sa itsura palang. Aba, umaasenso ang kaibigan ko na ito ah.

"Ngayon ka na pupuntang Manila?"

Tumango siya,"Hinihintay ako ni labidabs ko" ngiti ngiting sambit niya habang inandayog pa 'yong katawan na halatang kinikilig.

Pareho kami ni Sunny na galing lang sa mahirap na buhay. Magbestfriend kami since bata pa at nong huminto ako ng pag aaral pag ka second year college ay kasabay din noon ang paghinto niya. Payak lang ang buhay namin at parehong scholar ng bayan. Ang kaso nong panahon na 'yon ay nagtanggal ng mga scholar kasi nga madami pang gustong idagdag. Sa kasamaang palad, tagilid ang grado namin pareho noon ni Sunny kaya naalis kami bilang scholar. Kaya napahinto kami sa pag aaral. Sa sobrang hirap ng buhay, kahit pambili ng biscuit pang meryenda, hindi ko magawa. Nilalakad ko pa noon ang malayong eskwelahan para makapag aral, pero wala eh sadyang minalas ako noong mga oras na 'yon.

Nagbalak na magtrabaho si Sunny bilang katulong. Tatlong buwan simula nong nagtrabaho siya bilang katulong. Actually sa three months na 'yon ay nawalan kami ng komuniksyon dahil busy siya sa trabaho niya at ako naman ay busy sa pag hahanap ng trabaho. Ang kaibahan lang siguro saamin ni Sunny, medyo maitsura at maputi habang ako total opposite kaya medyo madali sakanya ang paghahanap ng trabaho. Aminin naman natin mas lamang talaga ang may itsura.

"Tagal na kayo ni Bryan. Ilang years na nga? Five years? Kasal nalang kulang. Baka naman ngayong graduate na siya eh may balak na kayo ah" pagtutukoy ko sa labidabs na sinasabi niya. Si Bryan ang kasintahan niya since fourth year highschool kami at hanggang​ ngayon ay sila parin. Stay strong talaga sila.

"Wala pa sa plano 'yon. Mag iipon pa kaming pareho hehe. Balak niya na dalhin ako sa Manila. Doon siya maghahanap ng trabaho at syempre ako din."

"Sayang hindi ako nakapunta sa graduation ni Bryan" malungkot na sabi ko. Naalala ko na naman tuloy ang graduation niya last month. Balak ko talaga pumunta noon ang kaso sobrang layo at wala akong pamasahe.

Blindy Inlove (Zaragosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon