Chapter Two

46 2 1
                                    

Chapter Two

Feeling ko talaga lumaki ang ulo ko sa uri ng patanggap nila saakin. Feeling ko talaga pati sila ay mga bulag at hindi nakita ang mukha ko kaya ganito ako nila ako kung ituring.

Pasimpleng uminom ako ng juice na nilapag ng kasambahay nila sa lamesa. Pinaupo nila kami ni Sunny sa sofa habang nireready ni Mr. Zaragosa ang kontrata.

Kinalabit ko si Sunny sa tabi ko at bumulong sakanya.

"Siya ba 'yong mga magulang nong lalaki?"

Tumango siya at lumapit sa tenga ko,"Oo. Huwag kang matakot sakanila. Mababait ang mga 'yan"

Medyo humupa ang pagkailang na naramdaman ko sa sinabi ni Sunny. Mukhang totoo naman talaga na mababait sila. Hanggang ngayon ay nakangiti parin si Mrs. Zaragosa saamin lalo na saakin.

Nalipat ang atensyon naming dalawa sa Papa ni Kizae nang marinig ko siya tumikhim. Nang nakita niya na nakatingin kami sakaniya ay nginitian niya kami.

Inilapit niya saakin ang isang papel na naglalaman ng kontrata namin.

Tinuro niya 'yong nasa pinakababa,"Sign here iha if you're done reading the contract."

Binasa ko ito kunwari at nagmadaling pinasadahan​ ko ng tingin ang mga linya. Naiilang kasi ako sakanila dahil pawang nakatingin ang dalawa. Hiyang hiya naman ang mga pimples ko sa mukha sa titig nila.

Hanggang may linya akong nakita na nakakuha ng atensyon ko.

After my son was done with his operation, the privilege will be given to you whether you to stay or not in the house

Nakaramdam ako agad ng tuwa dahil sa nabasa ko. Medyo maganda ang offer na ito. Kahit naman pala gumaling ang anak nila ay hindi parin pala nila ako papaalisin sa trabaho. Gusto kong umiyak dahil feeling ko kahit na habang buhay akong katulong sakanila ay ayos lang. Once in a lifetime time opportunity lang ito. Magandang simula na ito para hilahin ko paangat sa magandang buhay ang pamilya ko.

Pigil ang luhang pumirma ako at agad na tumayo at nag bow sa mag asawa bilang pasasalamat.

"Salamat po, Ma'am and Sir. Sobrang saya ko po dahil natanggap na ako sa trabaho" naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa mata dahil sa sobrang galak na nararamdaman.

Nakaramdam ako ng pagyakap. Hindi galing kay Sunny kundi galing kay Mrs. Zaragosa.

"You're welcome iha. Alagaan mo ng mabuti ang anak namin while we're gone"

Napatigil ako sa pag iyak at bahagyang nilayo ang sarili sakanya. Nalilitong tiningnan ko siya.

"Aalis kami ngayon. Isasabay namin si Sunny at ang kasintahan nito. Babalik kami iha after one month. Kailangan lang namin asikasuhin ang business namin sa Manila" mahabang paliwanag niya.

Binalingan ko ng tingin si Sunny na ngayon ay naiilang na nakangiti saakin. Bakit hindi niya ito sinabi saakin? Na kasama niya palang pumunta sa Manila ang mag asawang ito. Ang alam ko lang ay maghahanap siyang trabaho sa Maynila. Excuse niya lang ba iyon para mapapayag ako kaagad? Kaya ba agad agad silang naghanap ng pamalit?

"Ang totoo Hani. Pamangkin ni Mrs. Zaragosa si Bryan sa pinsan​ nito. Si Bryan ang nagdala saakin dito kaya agad akong natanggap sa trabahong ito. Pupunta kaming Maynila dahil kami ni Bryan ang tutulong kina Mrs. Zaragosa" paliwanag nito na hindi makatingin sa mata ko. Paniguradong guilty siya. During college days ay Business Ad ang kinuha ni Sunny kasama ang kasintahan niya. Kaya alam kong magaling at marunong siya humawak ng business.

Huminga nalang ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili. Feeling ko niloko ako kahit 'yon naman ang totoo. Siguro imbes na mainis ako ay mag pasalamat nalang ako kay Sunny dahil binigyan niya ako ng trabaho.

Blindy Inlove (Zaragosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon