Chapter Three

25 3 0
                                    

Chapter Three

"NASAAN NA ANG PAGKAIN KO?!"

Mariin na napapikit ako saka napabalikwas sa kinauupuan kong sofa. Asar na asar na talaga ako. Halos maubos ko ang hangin sa katawan ko sa kakabuga ng hangin para lang pakalmahin ang sarili ko. Konting konti nalang bibinggo na saakin ang isip bata na 'yon.

"MAGHINTAY KA! NILULUTO KO PA!" sigaw ko pabalik dahil tinatamad akong akyatin siya sa kwarto niya. Bakit na kasi ang arte arte niya at ayaw niyang kainin ang inihatid kong pagkain dahil gusto niya 'yong bagong luto.

Ngayon ang pangalawang araw ko sa mansyon na ito. Halos mamanhid ang binti ko sa sobrang sakit sa kakakaakyat baba ko sa hagdan kahapon.

Iniisa isang hinatid ko ang mga pagkain niya kagabi. Nong sinabi niyang gusto niya ng tubig ay bumaba pa ako para kuhanin siya dahil ayaw niya daw 'yong tubig na dala ko kasi gusto niya bagong salin na tubig. Nong inabot ko sakanya ang bagong salin na tubig ay ayaw naman daw niya dahil gusto niya hindi malamig. Nong kumuha naman ako ng hindi malamig na tubig, gusto naman niya ay chocolate milk.

Pabalik balik ako sa ganoon na halos gusto ko na buhatin ang refrigerator nila at dalhin sa itaas para hindi na ako mag akyat baba sa gusto niyang inumin at kainin.

"Eto iha oh, salonpas" inabot saakin ni Manang ang salonpas kaya kinuha ko ito. Hinihilot ko ang binti ko dahil sa sobrang sakit saka nilagyan ng salonpas. Bwesit na isip bata 'yon! Magkaka arthritis ata ako sa ginagawa niya.

"Pagpasensyahan mo na si Linem iha, ha. Mas lalo ata siyang naging pilyo nong ikaw na ang nag aalaga sakanya. Hindi naman niya kasi ginawa 'yan kay Sunny. Siguro kasi nong si Sunny pa ang naninilbihan ay nandito pa ang mga magulang niya"

Parang gusto ko tuloy hilingin na sana umuwi na sila Mrs. Zaragosa.

Bumuntong hininga nalang ako saka ngumiti kay Manang,"Ayos lang po 'yon Manang. Mahaba naman ang pasensya ko" Mukhang hindi na mahaba! Dahil pikon na pikon na talaga ako sa damulag na 'yon! Malapit na maputol ang tali ng pasensya ko sa pinag gagagawa niya.

"Oh. Luto na ata 'yong nilulutong mong adobo" paalala saakin ni Manang habang sumisinghot at inaamoy ang amoy ng adobong manok na niluto ko. Para bang kahit sa pag amoy ay alam na niyang luto na ito.

"Sige po"

Tumayo na ako at dali daling tumungo sa kusina upang patayin ang gas stove. Sumandok ako at inilagay sa bowl ang adobo na niluto ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero mahilig at masarap ako magluto. Sinubukan ko noon mag apply sa mga karenderya bilang cook at taga tulong sa pag hatid ng mga order, pero hindi ako tinanggap.

Nilagyan ko ito ng pantakip dahil kung sakali mang magulat ako sa gagawin niyang kalokohan ay hindi matatapon saakin ang mainit na adobo.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya pero hindi ako pumasok agad. Sinilip ko muna ang kwarto niya kung may ginawa na naman siyang mga stunt para pagtripan ako.

Sinilip ko siya sa higaan niya na ngayon ay nakahiga at nakatagilid. Nakatalikod siya sa gawi ko. Dahan dahan akong pumasok habang maingat parin sa paghakbang.

"Eto na ang pagkain mo" sambit ko saka nilapag ang tray sa side table niya.

Nilapitan ko siya sa kama niya para silipin kung tulog ba siya. Nang makalapit ako ay agad siyang bumangon at hinarap ako.

"RAAA!!"

Napasigaw ako sa gulat dahil sa nakakatakot na maskarang suot niya. Nakataas pa ang dalawang kamay niya na parang claw para dagdag epek sa kaabnormalan niya.

Blindy Inlove (Zaragosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon