Chapter Five
Pagkatapos nang gabing 'yon ay ilang araw ako na hindi binebwesit ng damulag na 'yon. Mukhang natauhan at nakonsensya din siya. Akalain mo 'yon, marunong pa pala makonsensya. Nakokonsensya din pala si Satanas.
Pero dalawang araw lang lumipas matapos 'yon ay tinubuan na naman ng sungay ang demonyo. Pambihira, wala na talagang katapusan ang kasamaan niya at pagiging nakakabwesit na role niya sa buhay ko.
Muntikan na ako mabalian ng paa nang isang beses ay naglagay siya ng tali sa pintuan mismo kaya nang pumasok ako ay naapakan ko ito at kusang natali ito sa paa na ikinadapa ko. Halos maiyak ako sa sakit noon at tumaas talaga ang dugo ko sa utak na halos gusto ko siyang sakalin para patayin.
Nawala ang inis ko sa mga sinabi niya dahil napalitan ito ng pag muhi, pagkagalit, at pagkapoot sa buong pagkatao niya. Kapag talaga makapag ipon lang ako ay iiwan ko siya na maraming pasa sa buong katawan para sa kabayaran ng dinulot niya pirwesyo sa buhay ko. Bwesit siya.
Mabagal ang mga araw na lumipas dahil halos mawalan na ako ng binti panlakad pero isang linggo pa palang ako na nandirito. Hindi ko na alam kung may mararamdaman pa ba akong kamay at paa sa paglipas ng isang buwan at bago ko makuha ang pauna ko na sweldo.
Isang linggo na ang nakalipas mula ng nagtrabaho ako sa mansyon ng Zaragosa at alagaan ang isip batang si Kizae.
Isang linggong lagi akong nakasigaw dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Isang linggong lagi akong napapagod sa kakaakyat baba at kakapasok sa kwarto niya sa tuwing tinatawag niya ako.
Isang linggong lagi akong galit at naiinis.
Buong linggong nasira dahil sa isip bata na 'yon.
Sabi ko na eh, babahag talaga ang buntot ng pasensya ko dahil sa ugali niya. Hindi ko talaga maimagine na kahit hindi siya makakita ay na nagagawan niya parin ng paraan ang mga kademonyohan niya saakin. Kwento saakin ni Manang ay simula bata pa daw ay mahilig na talaga mantrip si Kizae. Sabi niya wala daw tumatagal na kasambahay dito dahil kay Kizae. Sa totoo nga lang daw lahat ng kasambahay nila ay umaalis ng kusa dahil hindi na matiis ang kalokohang taglay niya. Kahit nawala na 'yong paningin niya, hindi parin mawala wala ugali niyang 'yon. At sa kasamaang palad, ako 'yong napagtutuonan ng mga kalokohan niya.
"Saan mo ba kasi nilagay 'yong paborito mong damit?! Naalala ko na nilabhan ko pa 'yon at tinupi at nilagay dito!" nauubusang pasensya ko na sabi ko sakanya. Pinipilit ko huwag ibalibag lahat ng gamit dito sa inis at sa pagkayamot.
Nagulo ko na 'yong mga damit niya dahil sa kakahanap ng pesteng paborito niyang damit. Ewan ko ba kung nananadya siya para lang pahirapan ako o talagang gusto niya lang talaga suotin 'yon kasi nga paborito niya.
"See? Ikaw ang huling humawak non! Kaya asan na!" hindi ba siya makapag salita na hindi sumisigaw? Sarap niyang tanggalan ng litid eh.
Umirap nalang ako at nagpatuloy. Mag iisang oras na ako dito sa loob ng walk in closet niya dahil sa kakahanap ng damit niya. Nakakainis nga eh. Sinubukan kong bigyan siya ng ibang damit kanina dahil hindi naman niya makikita, pero ang mokong, talagang alam na alam kung ano ang itsura ng damit na 'yon. Pati tela at print nong tshirt ay alam na alam niya. Kaya ang ending sinigawan na naman ako at itinapon saakin.
Ang hirap utuin at lokohin ng bulag na ito.
"ASAN NA?!" sigaw niya sa labas.
"MAGHINTAY KA! HINDI KO MAHANAP!" nangalkal na naman ako sa mga damit niya. Ilang beses ko ng inulit ulit tingnan bawat sulok ng walk in closet niya pero hindi ko padin makita 'yong kulay blue na damit niya na kakalaba ko lang noong isang araw.
BINABASA MO ANG
Blindy Inlove (Zaragosa Series #1)
Humor(ZARAGOSA SERIES #1) She's ugly. He's blind. She's his personal maid. He's her job. She fell in love. Will he fall for her? Started: February 2024