Sypnosis
Si Hani ang isa sa patunay na kung isa kang panget ay hindi ka bibigyan ng pansin. Hindi ka matatanggap sa trabaho dahil sa panlabas mo na itsura. Hindi ka pagkakatiwalaan dahil aminin natin, ang tiwala ay madalas binabase sa mukha lalo na kapag ito ay isang estranghero.
Ngunit isang araw ay tumawag sakanya ang kaibigan nito na si Sunny tungkol sa isang trabaho na talagang naaayon sa kanyang sitwasyon.
Ang maging personal maid ng isang bulag. Tunay na isa itong hulog ng langit!
--
"Hani!! Kailangan ko ang tulong mo!" atungal ng matalik na kaibigan ni Hani na si Sunny sa telepono.
"Ano 'yon?"
"Kailangan ko ng pampalit sa trabaho ko."
"Sige ba! Anong trabaho ba 'yan?" masayang sambit niya. Inangat galing sa ilalim ng lupa talaga ang kaibigan niya.
Medyo nakaramdam siya ng konting kaba dahil baka kasi ay tatanggapin siya bilang pamalit nito pero kapag makita siya ng boss niya ay baka paalisin siya kaagad.
"Don't worry my dear bestfriend. Maganda ang kahihitnatnan mo sa trabahong ito. Kailangan mo lang ay ang mahaaaaaaaaaaaaaaaabang pasensya at pagiging maalaga"
"Naka kakaba naman yang mahaaaaaaaaaaaaabang pasensya mo. Ano ba talaga magiging trabaho ko?" natatawang sagot niya.
"Personal maid ng isang bulag. Kailangan mo ng mahabang pasensya dahil medyo masungit at mainitin ang ulo ng magiging boss mo at higit sa lahat, sobrang pilyo at ang lakas ng trip sa buhay!"
Napalunok si Hani. Mahaba naman ang pasensya niya. Hindi din naman mainitin ang ulo niya at lagi siyang mapagkumbaba. Pero nararamdaman niyang hindi magiging madali ang trabaho niya dito.
"Sige. Kailan ba ako magsisimula?"
"Bukas."
"Agad agad?!"
"Ay naku bestfriend. Bukas na bukas din dahil aalis na ako dito. Kailangan kasi agad ng pamalit dahil hindi pumapayag ang nanay ng inaalagaan ko kapag walang pamalit saakin. Gusto niya kasi na kasing tiyaga saakin. Eh ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko."
Nakaramdam siya ng pagkislot sa dibdib dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Tunay talagang kaibigan ang turing nito sakanya.
"Oh sige. Mag iimpake na ako"
"Okay. Aabangan kita sa terminal bukas hehe. Maeenjoy mo talaga ang trabaho na ito bestfriend. Ang gwapo gwapo kasi ng magiging alaga mo" humagikgik ito na naging dahilan ng pag irap ni Hani.
"Pwede ba? Trabaho pupuntahan ko diyan, hindi kalandian. Atsaka sino ba papatol saakin ha? Mabuti nga bulag 'yong aalagaan ko. Atleast hindi siya masusuka sa pag mumukha ko."
"Ano ba iyan! Huwag mo ngang sirain ang maganda balita ko sayo sa kanegahan mo. Kita nalang tayo bukas! Babye!"
Binaba na din ni Hani ang telepono at napatingin sa kawalan.
Sana talaga tanggapin siya sa trabahong ito, hiling niya.
BINABASA MO ANG
Blindy Inlove (Zaragosa Series #1)
Humor(ZARAGOSA SERIES #1) She's ugly. He's blind. She's his personal maid. He's her job. She fell in love. Will he fall for her? Started: February 2024