Chapter Eight
"Katulong!! Ano ba!!"
Napakuyom ako sa inis habang padabog ang mga hakbang na tinungo ang kwarto ni Kizae. Bawat hakbang ko ay minumura ko siya sa isip ko. Wala pang isang oras ang magdaan, andito na naman ako sa kwarto niya.
Dirediretso akong pumasok dahil nakaawang naman ang pinto ng kwarto niya. Pagkapasok ko ay nakita ko si Xine na umiiyak habang nakatakip ang mga kamay sa mukha. Binalingan ko ng tingin ang itsura ni Kizae. Bakas sa mukha niya ang pagkairita. Nangitngit nito ang ngipin at nagtiim ang bagang niya.
Ano ba problema nito at ang laki ng galit niya kay Xine? Parang ang hirap tuloy paniwalaan na nagmahalan talaga itong dalawang ito.
"Ano?! Bakit mo na naman ba ako tinawag?" pagbungad ko sambit sa kaniya. Hindi naman nagalaw si Xine sa pwesto niya. Mahinang umiyak lang siya habang takip takip nito ang mukha.
Bahagyang natunaw ang puso ko sa nakita ko. Nakakaawa siya kung tingnan. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin at sapakin si Kizae dahil sa kaartehan niya. Kung ako ang nasa posisyon ni Xine, hindi ko susuyuin ang lalaking isip bata na ito. Lakas ng apog mag inarte, ang ganda ganda ng ex niya eh. Kahit sinong lalaki at babae ay pwedeng magkagusto sa babaeng ito tapos ganyan niya lang kung artehan?
Pero hindi ako si Xine eh, so ano magagawa ko?
"Sino ba nagpapasok sakanya dito?!? Ayoko siyang makita!" saka tumalikod at humarap sa balkonahe ng kwarto niya.
Napairap ako,"Kahit naman wala o andiyan siya sa harap mo hindi mo naman talaga si makikita, baliw" mahinang sambit ko pero ayos na para pagpantingin ang tenga niya sa pagka insulto.
Matalim na nilingon niya ang gawi namin,"Umalis nga kayong dalawa dito!" pagbubugaw niya saka kumakapa kapa sa kawalan para iguide sarili niya na walang nababangga patungong kama niya. Hindi ko naman agad napansin ang pagkawala ni Xine sa pwesto niya dahil nakita ko nalang siyang nakahawak sa braso ni Kzae at inaalalayan ito.
Ang Martyr at ang Maarte, Perfect!
Marahas na iniwas ni Kizae ang braso nito sa hawak ni Xine. Kita ko ang pagkagulat at magkahalong sakit sa mukha ni Xine.
"Umalis ka na dito! Kahit ginawa mo pang pabango ang perfume na iniregalo ko sayo, hindi mo ako mauuto!" asik niya sa babae pero parang walang pakialam si Xine dahil nagpatuloy siya sa pag alalay dito at hinawakan ulit sa braso. This time ay kita ko kung gaano niya kahigpit na hinawakan si Kizae sa braso para hindi niya ito mabitawan ulit.
"Ano ba!! Babaliin mo ba buto ko?! Ang higpit ng hawak mo!!" sigaw niya dito. Napatalon naman sa gulat si Xine dahil sa nakakabinging pagsigaw ni Kizae dito.
"I'm sorry.." Bahagyang yumuko si Xine para humingi ng paumanhin saka niluwagan ang pagkahawak kay Kizae.
"Seriously...stop this. I already ended our relationship months ago.." kalmado niyang tugon pero halata parin ang inis sa pagkasabi niya.
Umiling si Xine at suminghot,"No...I promise I'll earn your trust back"
Huminga ng malalim si Kizae na para bang handa na manigaw ulit pero pinipilit niyang kumalma.
"Tapos na...Wala na...Wala ka na makukuha. Wala na okay? So please...get lost" at sa pangalawang beses ay marahas na kinuha niya ang braso sa pagkakahawak ni Xine at nagsimulang maglakad.
"Linem please..." paghabol niya na agad din naman siyang nilingon ni Kizae na parang nagbabanta na kung magsasalita pa ito ulit ay mabubugahan talaga siya ng apoy.
BINABASA MO ANG
Blindy Inlove (Zaragosa Series #1)
Humor(ZARAGOSA SERIES #1) She's ugly. He's blind. She's his personal maid. He's her job. She fell in love. Will he fall for her? Started: February 2024