EMILY POV
"Emily! Lenlen! Mga anak. Gumising na kayo" hindi ko namalayan na nakatulog pala kami ni Lenlen sa kabila ng isang mahabang umaga na puro kaguluhan.
Habang nakain may ibinalita samin si mama "Narinig ko na kumikilos na daw ang gubyerno. Meron daw silang na-secure na ligtas na lugar hindi kalayuan dito. Doon may mga pagkain at tulugan. May mga sundalo din na magbabantay satin. Ligtas tayo dun" tila nabuhayan kami sa aming narinig.
Sa wakas! Hindi na namin kakailanganin na mag alala sa kaligtasan namin.
"Kailan tayo aalis ma?" tanong ko habang nakain "Pagkatapos na pagkatapos niyo kumain aalis na agad tayo"
Tulad nga ng sabi ni mama agad kaming naghanda para umalis. Dinala namin ang mga nahanap namin na mga importanteng gamit sa bahay na pansamantala namin tinuluyan na makakatulong samin sa mga susunod pa naming lalakbayin.
Bago buksan ang pinto tinignan muna kami ni mama para makita kunh suot ba namin ng maigi ang mga gas mask namin at para na din bang tinatanong kung handa na kami dahil panigurado sa oras na tumapak kami palabas panibagong takbuhan at taguan ang magaganap.
Tumango na lamang ako bilang sagot at hinawakan ng mahigpit ang kanang kamay ni Lenlen. Tulad ko may dala din siyang maliit na bag kung saan nakalagay ang iilang piraso naming mga damit.
Pagkabukas na pagkabukas ni mama ng pinto agad kaming humakbang palabas.
Paglabas namin napatigil kami ng makita kung gaano na ito kagulo. Kahit madilim dahil gabi na kita pa rin ang bahay na kahapon lang ay napapalibutan ng mga patibong ay ngayon sira-sira na at may mga bangkay pa na nakahiga sa tapat nito.
Halos hindi na makilala ang bangkay sa sobrang karumaldumal ng kanyang sinapit. Buka na ang tyan nito at nakalabas na ang mga internal organs, sigurado ako na isang atake pa mula sa halimaw at tuluyan ng mahihiwa sa gitna ang katawan nito. Puro kalmot na din ang mukha nito at nakaluwa na ang dalawang mata. Maliban sa hindi na makilala hindi na din malaman kung ano ang kasarian nito.
Pati ang mga bahay na tumangging tanggapin kami ay sira-sira na at napupuno na ng dugo ang kanilang sahig.
Gusto ko maduwal. Nanghihina mga binti ko pero nabalik ako sa realidad ng maramdaman kong humigpit hawak sakin ni Lenlen.
Oo nga pala.
Kahit mabigat na dala ko binuhat ko pa rin siya "Pumikit ka muna. Wag kang didilat hanggang hindi ko sinasabi ah" tumango ito bilang sagot at nagsimula na kami tumakbo ni mama.
Tulad namin may mga iilang mamamayan din ang tumatakbo. Ang iba naman ay nilalagay na ang kanilang mga gamit sa kanilang sasakyan.
Mukhang narinig din nila ang tungkol sa pagkilos ng gubyerno.
Tumakbo kami ng tumakbo. Kung mapagod man ay hihinto kami saglit para magpahinga at muling tatakbo.
Kailangan namin makarating dun bago mag mag unaga. Sinuwerte lang kami kaya kami nakahanap ng pansamantalang matutuluyan. Pero ngayon hindi kami nakakasigurado kung may matutuluyan pa ba kami dahil paunti na ng paunti ang mga bahay na nadadaanan namin.
Kailangan namin bilisan.
Pagkatapos ng limang oras na pagtakbo natanaw na namin ang mga nagkukumpulang mga tao na tila papasok sa isang abandunadong gusali. "Bilisan niyo at hindi magtatagal sisikat na ang araw!" sigaw ng isang armadong sundalo.
Madaming sundalo ang nakapaligid sa gusali. Lahat ng mga ito may kanya kanyang dalang mga malalaking baril at suot na gas mask. Ang iba naman sa kanila ay nakasakay sa mga malalaking tangke.