EMILY POV
Tatlong araw.
Pangatlong araw na kaming nananatili dito sa abandunadong gusali kung saan nasa ilalim kami ng proteksyon ng mga sundalo.
Sa mga araw na lumipas mas dumoble ang dami ng tao. Kung siksikan nung unang araw mas lalo na ngayon na talagang hindi na makakahiga sa sobrang siksikan. Halos karamihan ay naka upo na kung matulog.
Nakasandal na lamang ako sa may pader at napapikit ng mariin ng muling kumulo tyan ko.
Fuck! Nagugutom na ako. Wala pa bang tanghalian?
"Ano na?! Akala ko ba tutulungan niyo kami?! Sa ginagawa niyo hindi mga halimaw na yun papatay samin kundi kayo mismo!" napadilat ako ng may marinig akong sigaw ng isang galit na lalaki. Sa itsura nito siguro nasa around 40 years old na ito.
"Kumalma po muna kayo" pakiusap ng isang tauhan na nakatoka sa pamimigay ng pagkain.
"Paanong kakalma? Pumunta kami dito dahil sabi niyo masisigurado niyo kaligtasan namin. Naligtas niyo nga kami sa mga halimaw namatay naman kami sa gutom!"
"Ang ingay" bulong ko at muling pumikit ng mas tumindi gutom ko.
"Mahahainan naman po kayo eih wag po kayo mag alala. Sa ngayon po bumalik po muna kayo sa pwesto niyo at intayin niyo yung hudyat ng tanghalian"
"Oo mag hahain nga kayo pero hindi lahat mabibigyan. Tauhan kayo ng pamahalaan sigurado ako meron pa dyan sa loob ng truck na yan tinatago niyo lang"
Mas lalong dumami ang mga mamamayan na sumisigaw.
Hindi ba nila alam na umaga na? Sa ingay nila nakukuha lang nila atensyon mula sa mga halimaw.
Napadilat agad ako ng makarinig ako ng putok ng baril. Pag tayo ko para tignan kung saan nanggaling ito nakita ko ang kaninang lalaking nag sisisigaw na ngayon ay hawak na sa likod ang babaeng cook.
"Sana maintindihan niyo din ako. Nagugutom lang ako! Ngayon sasabihin niyo sakin nasaan ang mga pagkain o papasabugin ko ang ulo nito!" dumating na din ang mga sundalo na naging alerto matapos marinig ang tunog ng baril kaya mas lalong hinigpitan ng lalaki ang hawak nito sa baril niya at sa babae na naging dahilan para ituro na lamang sakanya kung nasaan ang imbakan ng mga pagkain.
Habang nag lalakad palapit dun kinakaladkad din niya ang babae para masigurado na hindi siya aatakihin ng mga sundalo. Nang makalapit na ito sa mga pagkain tinulak niya palayo ang babae at agad na tinanggal ang malaking telang tumatakip sa mga pagkain.
"Anong-" hindi pa nito natatapos ang sasabihin nito ng muling may marinig kaming putok ng baril. Sa mga oras na ito mula na ito sa isa sa mga sundalo, kasabay nito ang pag bagsak ng katawan ng lalaking nagwawala.
Tinignan ko ang mga kahon na pinag iimbakan ng mga pagkain ng may mapansin ako.
Walang laman?
"Oo tama kayo ng nakikita!" napatingin ako sa lalaking nagsalita. Base sa tindig at pinagkaiba ng kasuotan nito sa ibang sundalo masasabing ito ang kanilang general.
"Nakakalungkot mang ipaalam ito ngunit tama kayo ng nakikita. Ubos na ang supply natin ng mga pagkain. Ang mga ihahain ngayong tanghali ang mag sisilbing huling supply na ating makakain"
Samu't saring bulungan at reklamo ang maririnig ngayon dito.
"T-Teka kung wala ng supply ng pagkain paano kami mabubuhay sa mga susunod na araw?"
"Oo nga! May limang anak ako na kailangan mapakain. Ano na lamang ipapakain ko sakanila?!"
"Huminahon kayo! Sa ngayon tinatawagan na namin ang pamahalaan para matulungan tayo sa kalagayan natin. Sa ngayon wala tayong ibang magagawa kundi mag tiis hanggang sa dumating ang panibagong supply ng pagkain"