EMILY POV
Simula pag kasikat ng araw wala na ako ibang ginawa kundi ngatngatin kuko ko at mag paiikot ikot dito sa kwarto namin ni Lenlen.
Kainis! Bakit ba kasi ayaw niya pa ako payagan?!
Naputol ang pag iisip ko ng bumukas pinto. Pag tingin kosi Lucas lang pala at ang kapatid ko.
"Ems sinasauli ko na 'tong kapatid mo. Mag tratraining na kami eih" agad ko naman kinuha sakanya si Lenlen at dinala siya sa kama.
"Training niyo na?"
"Ilang beses ko ba kailangan paulit-ulitin sayo lahat Emily!" sinamaan ko siya ng tingin ng mag drama nanaman ito. Napangiti naman ito saka napa kamot ng batok "Hehe opo ma'am"
"Isama mo ko"
"Ih"
_______________
"Ano ba kasi gagawin mo dun? Titignan mo lang abs ng mga nag tratraining eih" hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ang pag tingin sa paligid. Halos walang kadesign design paligid.
"Dito na tayo" kasabay nun ay ang pag bukas na bakal na pinto.
Pag pasok ko tumambad sakin ang napaka lawak na training area. Sa paligid dun naka dispplay mga iba't ibang klase ng sandatang panlaba, placemats kung saan may nag ssparing. Merong nag ssparing gamit lang ang kanilang mga kamao at meron naman na may hawak silang mga kutsilyo. Meron din shooting target sa dulo, obstacle course, advance equipment na makakatulong sa pag tratraining nila at isang malaking ring sa gitna.
"What are you doing here?" napalingon agad ako sa likod ko ng may marinig akong malalim na boses. Pag lingon ko nakita ko si Zephyr na masamang nakatingin sakin.
"I-I told you that-"
"And I also told you my answer. No!" saka binangga balikat ko at derederetchong pumasok sa loob.
"Uy ano yun LQ kayo?" hindi ko pinansin si Lucas at lakad takbong sinundan si Zephyr.
"Minamaliit mo ba ako?" sigaw ko sa likod ni Zephyr ngunit nanatili itong nakatallikod sakin at hindi ako pinapansin. "Dahil ba babae ako?"
"If I'm underestimating your gender then why half of my soldiers are the same gender as you" sagot nito sakin habang nakatalikod pa rin. "Edi bakit ako ayaw mo tanggapin? Dahil baguhan ako?" hindi nanaman niya ako sinagot at nag patuloy lang sa pag lalagay ng hand wraps.
"Dahil ba hindi ko naprotektahan nanay ko kaya tingin mo hindi ko din kayang protektahan kayo?" hindi ko maiwasang hindi maluha dahil sa sinabi ko.
Maybe that's why.
Narinig ko naman ang pag buntong hininga nito saka ako nito hinarap. Muli itong bumuntong hininga ng makitang nalulua ako. Tumingin ito sa paligid kaya napatingin din ako dun ko lang napansin na lahat sila nakatingin na pala samin.
Napasinghap ako ng bigla akong hilahin ni Zephyr palabas ng training room. Bago kami tuluyang makalabas narinig ko pa ang pag sipol ni Lucas.
Hindi tumigil sa paghila sakin si Zephyr hanggang hindi kami nakakarating sa mini garden. "Walang masyadong napunta dito maliban kay Amara pag nakuha siya ng mga herbal plants or kaya naman yung tagaluto" panimula ni Zephyr pero hindi ko siya kinibo. Naluluha pa rin kasi ako.
"That's not what I meant Emilia" napatingin ako sakanya at nahuli ko siyang nakatingin ng seryoso sakin. "Its dangerous outside. Ayoko may mangyari sayo"
Lumakas tibok ng puso ko ng marinig ko sinabi nito.
"Sariwa pa pagkawala ni Jane. I know kahit na hindi ka pa masyado matagal dito you already build a bond with them. Losing you will hurt them. It will also burden the force since mahirap yung panay pasok kami ng pasok ng kung sino-sino tapos lagi lang mamamatay. We need someone who can last longer"
Napakuyom kamao ko sa narinig ko kaya padamog akong tumayo at dali-daling lumakad palayo sakanya. Narinig ko pa na tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon.
Agad akong bumalik sa trainig area at ng makita ko hinahanap ko hinili ko agad siya sa masculado niyang braso.
"Dave... I need you"