Chapter 7

4 1 0
                                    

EMILY POV

Agad akong napabangon ng binalot ang buong hideout ng ingay ng alarm hudyat na bumukas ang gate.

Is it a Bersly o sila Zephyr?

Nagmadali akong lumabas ng kwarto namin ni Lenlen at pumunta sa garahe para sumilip.

Hindi ko alintana ang lamig dahil naka pajama pa ako pantulog at agad na dumiretcho dun.

Everyone is busy assisting Zephyr car.

Napatigil ako ng mapansin ang huling kotseng pumasok. May malaking sira ito at nababalot ng mga dugo.

Nang perpekto na itong naiparada agad lumabas ang lahat ng sakay ng kotse at tumakbo papunta sa kotse na pinaka huling pumasok.

Kahit si Zephyr tumakbo na din papunta dun sa kotse.

Something's wrong.

Bumaba na din ako sa pinakababa para makita ang nangyayari.

Everyone is in a panic.

Napasinghap ako ng tuluyan na akong makalapit.

Gusto ko masuka sa nakikita ko.

Isang katawan ng babae na may malaking hiwa sa tyan ang nakahiga ngayon sa sahig. Masasabing buhay pa ito dahil mabilis na nag aangat baba ang kanyang dibdib at sa bawat paghinga nito at may nalabas na dugo sa kanyang bibig.

Agad siyang nilapitan ni Amara. She commanded everyone to get her equipment na iniwan niya dito sa hideout to save her.

But I know.

Hindi na siya mag tatagal.

Breathing makes her condition worse!

Kung hindi ako nag kakamali siya si Jane. The archer.

"What happened?" tanong ni Zephr habang pinapanood si Amara gawin ang trabaho niya bilang mangagamot.

Maririnig mo sa boses niya na galit ito pero mas lamang pa rin ang pagiging kalmado nito.

"We got careless" unang sumagot ang isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali siya ang isa sa nag babantay ng healer na si Amara.

"We don't know how pero walang nasagap ang radar namin na may papalapit pala sa pwesto namin. Biglaan lahat ng pangyayari. Nagulat na lang kami may umatake na sa kotse ni Amara"

Napatingin ako kay Amara at nakitang may mga sugat itong natamo pero mas malala pa rin tama ni Jane.

"And how Jane got fucking hurt?" iritadong tanong ni Zephyr.

"Narinig ni Jane yung nangyari sa ear piece. Nag pumilit siyang bumalik sasamahan na sana namin pero nag matigas siya. She told us to assist the frontiers insted at bumalik magisa. Hindi namin magawang makasunod agad dahil may Bersly din sa harapan namin"

Napahilamos ng mukha si Zephyr.

"My command is simple! Do your assigned roles, and retreat if needed! Bakit hindi na lang kayo umatras?!" he was shouting.

Kahit hindi ko libutin paningin ko I know everyone is shivering in fear. Kahit din naman ako naramdaman ang takot na yun kahit na hindi naman ako kasama sa lumabas kanina.

"Hindi namin kayo kayang talikuran" sa pag kakataong ito si Amara na ang sunagot.

She's trying her best to be brave but I can still hear fear in her voice.

"Don't you trust me?" Zephyr's answer made everyone silent.

"C-Captain" halos bulong na daing ni Jane pero sapat na ito para marinig ng mga malalapit sakanya.

District Series: District 2Where stories live. Discover now