CHAPTER 1

2 1 0
                                    

EMILY POV

Takbo...

Tago...

Takbo...

Tago...

Wala kaming ibang ginawa kung hindi ang tumakbo at magtago mula sa mga halimaw na gusto kaming patayin.

Kahit pagod na at nababalot na kami ng dumi hindi iyon naging dahilan para huminto kami. Idagdag pa itong suot naming gas mask na nagpahirap samin huminga ng malaya.

"Mama pagod na ako. Pahinga tayo saglit please" napahinto at napalingon ako sa kapatid kong babae na pitong taong gulang pa lang.

Agad ko itong sinabihan na tumahimik ng may marinig kaming kaluskos hindi kalayuan sa kinatatayian namin. Agad namin nilabas ang mga baril na nakasabit samin at naghanda.

Napamura ako sa aking isipan ng marinig ang pag tunog ng gas detector kaya nilabas ko ito sa aking bulsa at tinignan. Nang makita kong pataas ng pataas ang percentage dali-dali kami tumakbo palayo.

Hindi kami ligtas dito.

Ilang minuto pa ulit ang lumipas ng tumigil kami sa pag takbo.

Napabaling naman ako ng tingin sa ina namin na ngayon ay kita na ang pagod sa kanyang mukha.

Napaisip ito ng malalim saka tumingin sa paligid. Napansin kong lumaki ang mata nito at kinulbit ako kaya lumapit ako sakanya. Pag lapit ko tinuro nito ang isang maliit na bayan.

"Kunin mo mga gamit natin" pabulong utos sakin ni mama at saka binuhat si Lenlen. Agad ko naman binuhat ang mga gamit namin. Isa itong malaking backpack na nag lalaman ng mga damit at iilang pagkain na paubos na. Mabigat man ito tiniis ko para sa kaligtasan namin.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makarating kami sa isang maliit na bayan.

Tulad namin may mga mamamayan din na binabalot ng takot. Ang iba ay pinapanatili ang kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pag lalagay ng mga patibong sa paligid ng bahay nila. Ang iba naman ay nagmamadali na para umalis at humanap ng mas ligtas na lugar.

Kung meron pa.

Nagmamadaling tumakbo si mama kaya agad din akong sumunod. Isa isa niyang kinatok ang mga saradong bahay. Nagbabakasakaling may tatanggap samin kaya ganun din ginawa ko.

"Umalis kayo! Hindi kami natanggap ng palamunin!"

Gusto ko man magtanim ng sama ng loob hindi ko magawa dahil na iintindihan ko sila. Sa panahon talaga na ganto sarili mo o pamilya mo ang unang iisip mo.

"Ma dito!" tawag ko kay mama ng may pinto akong nabuksan. Akmang papasok ako ng bigla akong pigilan ni mama. Binaba niya si Lenlen at binigay sakin ang shotgun. Inutusan niya kami na medyu lumayo muna sa bahay at pag may mangyaring hindi maganda humanda kaming tumakbo ng mabilis.

Labag man ito sa kagustuhan ko wala akong magawa dahil lagi niya itong sinasabi samin na pag may mangyaring hindi maganda agad kong itakbo si Lenlen palayo at iwan siya.

Tulad ng utos ni mama bago siya pumasok sa loob dala ang isang palakol at gas detector lumayo muna kami sa bahay at nang makalayo sinuot ko ulit ang backpack at hinanda ang shotgun saka tinago si Lenlen sa likod ko.

Mula sa kinatatayuan namin kita kong nilagay ni mama ang gas detector sa harapan nila at dahan dahang pumasok sa loob.

Pagkatapos ng ilang minuto lumabas ulit si mama at tinawag kami. Tila nabunutan ng tinik dibdib ko ng makitang walang sugat si mama.

Tinawag niya kami kaya dali-dali kaming pumasok sa loob. Pag pasok namin binaba ko agad ang backpack at tinulungan si mama na harangan ang pinto at isara ang mga bintana.

Nang masigurado na namin na secured na lahat ng pwedeng pasukan at labasan tumitingin ako kay mama at nag hintay ng hudyat niya.

Napansin kong huminga muna ito ng malalim saka nilapag ang mga hawak niya sa sahig. Nang wala na itong hawak hinawak nito ang gas mask niya saka dahan-dahan itong tinanggal.

Ilang beses na munang nag inhale exhale si mama bago kami sabihan na maari na namin tanggalin gas mask namin at agad na sinimulang ikutin ang bahay at siniguradong walang kahit na anong nilalang o tao ang nagtatago.

Pumunta ako sa cr at sinubukan buksan ang gripo. Nang magsimulang rumagasa ang tubig agad kong tinawag sila mama at sinabi ito.

Kita ang tuwa sa mga mukha namin ng malamang may supply pa ng tubig ang bahay. Una namin pinaliguan ay si Lenlen. Kinuskus namin ng kinuskus katawan niya ng mawala kahit ang pinakamaliit na duming dumapo sa balat niya. Pati ako natagalan sa pagligo. Talagang sinulit ko ang bawat segundo na para bang ito na ang huling beses na makakaligo ulit ako.

Pagkatapos maligo at makapagbihis ng komportableng damit tinulungan ko na agad si mama sa paghahanda ng mga kakainin.

"Ako na dito Emily. Simulan mo na lang ihanda ang mga kakailanganin natin. Malapit na sumikat ang araw" sinunod ko si mama ng walang kahit na anong reklamo. Nilabas ko mula sa backpack ang mga dala namin pagkain at hinain ito sa lamesa. Inikot ko din ang buong bahay at naghanap ng mga kandila, flashlight at kung ano-ano pa na mapapakinabangan namin.

Nang malapit na lumiwanag ang kalangitan agad namin mas pinatibay pa ang mga harang sa pintuan at sa mga bintana. Nag lagay din kami ng mga basang damit sa ilalim ng pinto at sa mga lugar na may awang na maaaring lusutan ng gas leaks.

Nilapat ni mama ang daliri nito sa bibig niya, sinasabihan kami na wag gagawa ng kahit na anong ingay. Tumango na lamang kami bilang sagot. Kinuha ni mama ang shotgun niya at lumabas sa kwartong nagsisilbing tulugan namin.

"Ate" bulong na tawag sakin ni Lenlen. Tulad ng ginawa ni mama nilapat ko din ang daliri ko sa bibig ko para sabihan siya ng wag maingay.

Pinahiga ko lamang ito at kinumutan "Matulog ka na" bulong ko sakanya habang hinihimas ang malambot niyang buhok. Nakatitig lamang ito sakin hanggang sa tuluyan na itong makatulog.

Hindi ko maiwasan hindi maawa kay Lenlen. Sobrang bata pa niya pero ang dami na niyang nasaksihan na mga bagay na dapat hindi nakikita ng isang pitong taong gulang na bata. Dapat ay nag aaral at naglalaro siya kasama ang mga kaedaran niya pero heto siya kasama namin tumakbo at nagtago sa mga halimaw.

Nang masigurado kong tulog na si Lenlen sinara ko ang kurtina na para masigurado na hindi siya nagigising sa sikat ng araw saka ito iniwana at hinanap si mama. Nakita ko siyang nakasilip ng bahagya sa bintana habang hawak ng mahigpit ang shotgun.

Kita ngayon ang pagod at antok sa mukha ni mama pero tiniis niya ito masigurado lang na ligtas kami ngayon umaga.

"Dapat natutulog ka na Emily" bulong nito sakin. "Hindi ako makatulog ma" saka uminom ng tubig. Ilang buwan na ang nakakalipas ng magsimula ang delubyo na 'to pero hindi ko pa rin magawang masanay na manatiling gising sa gabi at sa umaga naman matutulog.

Sabay kaming napalingon ng may marinig na kaming sigawan sa labas.

"Nandito na sila" takot na bulong ni mama pero sapat na ito para marinig ko sa sobrang tahimik ng bahay.

Binaba ko ang baso at kinuha ang palakol na nasa tabi at agad na pinuntahan si Lenlen. Pagpasok ko ng kwarto kita kong nakaupo na ito at nagtatago sa ilalim ng kumot. Mukhang nagising ito sa mga sigawan sa labas.

"Ate!" tumakbo ito palapit sakin. Gamit ang aking kamay sinabihan ko siya na wag maingay at dinala muli sa kama.

Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. Pati ang mga ugong ng mga halimaw ay naririnig na namin.

"Tulong! Tulungan niyo kami!"

"Mama! Papa!"

"Nandito na sila!"

Samut saring sigaw, iyak at ugong mula sa mga halimaw ang aming naririnig.

Gusto kong takpan ang mga tenga ko. Bawat sigaw nila tumatatak sa utak ko na para bang kahit na mawakasan pa ang delubyong ito mananatili pa rin ito sa aking isipan.

Gusto ko ng matapos ito.

District Series: District 2Where stories live. Discover now