EMILY POV
Ilang minuto na lang dadating na ang pinakakinatatakutan ng lahat. Ang umaga. Sa oras ng pagangat ng araw unti-unti na din maglalabasan ang mga halimaw na nangangalang Bersly.
"Is the car ready?" Zephyr said.
Hindi ko mapigilan hindi sila panoorin. They all look serious. Pati si Lucas na pabuang-buang biglang naging seryoso habang inaayus lahat ng protective gear niya.
"Yes sir" a masculine man said. Sabi ni Lucas sila daw ang maintenance team. Sila ang naka assign sa mga pagaayus ng mga kagamitan dito sa hideout lalo na ang mga sasakyang gimagamit nila.
"Okay. Get ready!" as Zaphyr command everyone wears their serious face. Lahat kumikilos. I can't help but to get curious kaya sumabay ako kung saan man sila papunta.
Lahat pumunta sa parking area. Well some of them stay inside the hideout to continue their tasks.
Pagkarating namin sa parking area na nagsisilbi din entrance and exit ng hideout. I am staying here on the 2nd floor to watch them all sa ground floor. The Ulquiorras line up into vertical line maliban kay Zephyr na nakatayo sa harapan nila. I can hear his deep voice warning them that once they step outside there's a chance that they won't come back alive.
Everyone fell silent when we heard the clock. I look at the big digital clock na nakasabit sa pader and the time tells us all that it's already morning. Bersly will now start to be more active.
Muling bumalik ang lahat sa knilang mga sarili ng marinig namin ang mawtoridad na utos ni Zephyr.
"Vamos!"
They all ran to their respective vehicles and started the engine. Agad na tumakbo ang limang lalaking palabas ng gate bitbit ang kanilang armas at nagsilbing look out habang unti unting bumubukas ang gate hanggang sa paglabas ng mga kotse.
Nang makalabas ang kotse agad nagsalute silang lahat. Muling tumunog ang alarm at dahan dahan sumara ang gate. Nanatili silang nakasalute hanggang sa tuluyan na itong sumara at bumalik sa kanya-kanyang gawain ang mga tao.
Nagpasya na din akong bumalik sa loob and tumulong sa paglilinis.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Apat na oras na ang lumipas nung umalis ang sasakyan nila Zephyr at hindi ko mapigilan hindi maya't maya sumilip sa labas.
"Nag aalala ka ba?"
Napalingon ako ng may magsalita sa likod ko. Kung hindi ako nag kakamali si Jannah ito. Maganda at mahinhin aiyang babae. Maliban kay Lucas isa siya sa mga nakakausap ko "Hindi lang kasi ako sanay na nandito ako sa isang ligtas na lugar nainom ng isang mainit na gatas habang yung mga kakilala ko nasa labas nagbubuwis ng mga buhay nila" nilapag na muna niya ang hawak nitong pagkain saka tinabihan ako sa pag upo "Alam mo Emily hangga't kasama nila si Zephyr wala ka dapat ipagalala" napabaling ako ng tingin sakanya. "Gaano ba kagaling si Zephyr?" mistulang nag isip muna ito bago nagsalita "Nung magsimulang dumami mga nakatira dito nagkaroon ng mga pag aaway. Gusto ng iilan samin na itigil na ni Zephyr ang pagliligtas ng mga tao dahil hindi pwedeng marami kami at mabilis na mauubos ang supply namin ng pagkain. Isa sa mga hindi sumasangayon noon si Joseph. Gusto nila paalisin ang bagong ligtas ni Zephyr noon pero talagang pinagpilitan ni Zephyr na dito na lang sila dahil wala na din sila ibang mapupuntahan. Dahil takot sila kay Zephyr hindi na nila nagawang sagutin ito pero sa kaloob looban nila gusto pa rin nilang palabasin ang mga bagong dating" napatigil ito sa pag sasalita ng magsimula ng mabasag ang boses nito kaya agad ko itong nilingon at nakitang umiiyak na ito.
"Isang araw umalis ang mga Ulquiorras para maghanap ng mga supply na magagamit namin dito. Sinamantala iyon nila Joseph. Pinagtulakan nila palabas ang mga bagong dating at sinarhan ito ng gate. Hindi tumagal dumating ang mga Bersly at pinagpapatay sila" umiiyak itong tumingin sakin "Pitong taong gulang na babae at isang labing isang taong gulang na lalaki lang yun Emily. Hanggang ngayon naririnig ko ang paghingi nila ng saklolo at ang mga sigaw nila. Kitang kita ko paano tumagos sa ilalim ng gate ang mga dugo nila Emily. Gusto man naming mga sumasalungat kay Joseph na iligtas sila hindi namin magawa dahil armado sila Joseph. Hanggang sa bumalik na sila Zephyr, naabutan nila ang lasog-lasog na katawan ng dalawang bata sa tapat ng hideout. Sinubukan nila Joseph na magsinunggaling sa pamamagitan ng pagsabi kanila Zephyr na kusa silang lumabas. Pero hindi nila maloloko basta-basta si Zephyr dahil fingerprints lang ng mga may baril ang makakapag bukas nito at tanging grupo lang nila Joseph ang naiwan sa hideout na may kakayahang bumukas ng gate. Sa galit ni Zephyr pinatalsik niya sa hideout namin sila Joseph at simula nun mas naging mahigpit pa samin sila Zephyr. Tumaas din ang respeto at takot namin sakanya pagkatapos ng pangyayaring iyon" napatahimik ako dahil sa mga sinabi ni Jannah at muling napatingin sa labas.
Ano na kaya nangyayari sakanila?