EMILY POV
Isang malaking silid ang bumungad sakin pagkagising ko. Hindi ganun kadiliman kaya medyu nakikita ko pa ang itsura ng kwarto. Sa laki nito mukha na itong master bedroom.
Sinubukan kong umupo sa kama ngunit agad akong nakaramdam ng kirot.
"You shouldn't force yourself"
Agad kong hinanap ang pinagmulan ng malalim na boses hanggang sa mapako tingin ko sa isang leather sofa sa gilid ng kwarto kung saan may isang imahe ang nakaupo.
"S-Sino ka?" sinubukan kong ilibot paningin ko para makahanap ng pwedeng gawin armas pero wala. Tanging lamp shade lang na nasa bed side table ang malapit sakin.
"I don't need to tell you. The night is still long. Take some rest" kahit madilim kita kong tumayo ito sa kinauupuan niya at lumakad palapit sakin at umupo sa gilid ng kama. But still, I can't see his face.
"Paano ako makakapag pahinga kung hindi ko kilala sino kasama ko ngayon sa kwarto. I don't even know you, baka kung ano gawin mo sakin" matapang kong sabi pero tumawa lamang ito.
"Like what? Rape you? Hahaha" tumawa ito na parang may sinabi akong nakakatawa.
"Baby, in a world already filled with monsters, should I add myself to the count?" natahimik ako sa sinabi niya.
"Take some rest" may pinindot ito sa lamp shade na naging dahilan para mas mag dim ang ilaw nito.
"Nasaan kapatid ko?" tanong ko sakanya habang inaayus niya kumot na nakabalot sakin.
"She's sleeping in another room" ng mapansin niyang hindi pa rin ako mapakali muli itong nagsalita.
"Don't worry, as long as I'm here you're safe" unti unti na akong kinakain ng antok.
"I don't even know you"
"But I know you"
Dahil sa antok hindi ko na narinig huli niyang sinabi and fell asleep.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Pagdilat ko init mula sa sinag ng araw agad ang bumungad sakin.
Nasaan ako?
This is a big and unfamiliar elegant room.
Napabalikwas ako ng bangon ng mag proseso na sa utak ko ang nangyari kagabi.
Sinubukan kong bumangon at agad na napapikit ng mariin ng makaramdam ng kirot sa paa ko pero tiniis ko iyon at ika-ikang nag lakad palapit sa pintuan.
Pag bukas ko ng pinto isang hallway ang bumungad sakin. Ika-ika ko itong nilakad.
"Lenlen!" sigaw ko habang tinitiis sakit na nararamdaman sa paa.
"Ate!" napatigil ako sa paglalakad ng makita si Lenlen na natakbo palapit sakin.
"Oh my god Lenlen!" agad akong lumuhod at niyakap siya ng mahigpit "Akala ko pati ikaw nawala na sakin" hindi ko mapigilang maluha ng maalala ko ang nangyari kagabi, nawalan ako ng malay kaya hindi ko na alam sunod na nangyari. Natakot ako na baka nung oras na nawalan ako ng malay may nangyari sa kapatid ko at kung meron man hindi ko mapapatawad sarili ko.
Agad akong kumalas ng yakap ng maalala kung nasaan kami. Tinignan ko buong katawan niya at napatigil ng makitang may sugat siya sa siko.
"Sinong-"
"Ang judgemental mo naman kung kami iisipin mong may gawa nan" napatingin ako sa likod ni Lenlen ng may marinig akong boses ng isang lalaki.
Agad akong tumayo at tinago si Lenlen sa likod ko, akmang mag proprotesta pa ito pero agad ko siya pinatahimik at nag handa kung sakali man saktan kami.
"Yow, kalma. Hindi ako masamang tao. The world is already filled with monsters, pangit naman kung dadagdag pa ako diba?" pinangliitan ko siya ng mata ng may maalala.
Those lines...
"It was you?" the boy last night!
"Me ano? Anyways hindi ka dapat nag lalakad hindi pa magaling sprain mo" lumapit siya sakin saka patalikod na umupo sa harapan ko.
"Ayaw mo ba ng piggyback ride?" kahit naiilang dahan dahan akong sumakay sa likod niya. Napakapit ako ng mahipit ng tumayo ito at lumakad.
"Btw, lucas nga pala" kahit nakatalikod alam ko na nakangiti ito.
"Emily" pagpapakilala ko din "Parang Emily in Paris" dugsong ko pa.
"Emily in ano?"
"In Paris" pag uulit ko.
"Paris? Ano yun?" napaisip ako.
Ano nga ba yung Paris?
Napatigil ako sa kakaisip ng marating na namin ang dinning area.
Isa itong mahabang mesa na may 13 na upuan but there's a one chair that stands out. Ang upuan na nag sisilbing centro ng habag kainan.
It was a big chair fill with carved masterpiece painted with gold color. Meron din cushion ang upuan na kulay pula para siguro hindi sumakit ang likod ng kung sino man naupo dito.
Akmang dun ako uupo ng pigilan ako ni Lucas.
"Someone already owns that chair"
Napatingin ako sa upuan at agad na lumipat sa upuan na nasa kaliwa nito. Tinignan naman ako ni Lucas na para bang humihingi ng pasensya pero ningitian ko na lang siya.
"Kumain lang kayo Emily. Wag kayo mahihiya" puno ng samu't saring pagkain ang mesa. Parang may selebrasyon sa dami ng pagkain. Tulad ng sabi ni Lucas kumain kami ni Lenlen ng kumain.
Ngayon lang ulit nabusog tyan ko after... Ahmm... How many years na nga ulit na ganto ang mundo? Hindi ko maalala.
Napabaling tingin ko sa isang pagkain hindi kalayuan sakin.
It was Crema de Leche!
Titigan pa lang ito nag lalaway na ako.
"Gusto mo ba nan?" tanong sakin ni Lucas kaya nahihiyang tumingin ako sakanya. "Actually hindi ko alam na may ganyan pala kami dito. Kung ako unang nakakita nan kakainin ko pero since ikaw unang nakakita then go ahead" agad ko naman itong kinuha at kinain.
This was my favorite!
Last kong tikim nito... Kailan nga ulit huli kong natikman toh?
"Mukhang sarap na sarap ka dyan ah. Ano ba tawag dyan?" nag tatakang tinignan ko siya "Hindi mo alam tawag dito?" umiling ito "First time kong makakita ng ganyan sa buong buhay ko" gusto ko sana tumawa sa sinabi niya. Grabe naman yung buong buhay "This is Crema de Leche" at saka pinakita sakanya mga ingredients nito "Dispite of its simple and plain look mas prefer kong kainin 'to kaysa sa halo-halo na madaming ingredients at kulay na makikita" I look at him but he looked at me puzzled while still smilling kaya kumain na lang ako at hindi na lang siya pinansin.
Kahit ako hindi ko alam saan ko ba nakuha mga salitang yun.