3

244 4 1
                                    

KEN POV

Kinabukasan ay agad akong bumangon sa higaan dahil may meeting kami ngayon, ayukong mapagalitan ni pau. Haysstt bakit ba kasi nasa isip ko ang lalaki, nalate tuloy ako.

Agad akong naligo, maya na ako kakain sa restaurant ni Tito. Pagkatapos kung magbihis ay umalis agad ako ng condo.

Pagdating ko agad akung pumasok sa loob ng room, nakita ko agad ang Mukha ni pau na galit! Sabi na ehh! lagot na naman ako nito.

"Ken! Late kana naman, lagot ka Kay pau!" bweset na jah to, sasapakin ko talaga siya sa pang iinis sa akin.

"Ken! Libutin mo ang room na ito ng sampung beses! that's  your punishment!" seryuso ba siya, sampung beses talaga!

Ayuko ko nang makipag talo pa, first of all kasalanan ko naman 'to. Nagsimula na akong tumakbo, Kita ko ang mga ngiting loko ni jah at josh! Nagpatuloy ako sa pagtakbo, halos 15 minutes yata ang naubos kung oras sa pagtakbo.

Napaupo ako sa sahig at sumandal dahil sa pagod! "Next time, wag na kasi malalate para hindi mapatakbo ng wala sa oras!"sabay bigay ni josh ng tubig. Tatanungin ko pa sana si josh tungkol sa lalaki pero nagsalita si pau.

"Tomorrow is another important event ang pupuntahan na'tin. Be sure before 7:00 am in the morning ay nandito na kayo!" Tumango kami sa sinabi ni pau, pero ang dalawang loko pinag uusapan ako. Haystt! "Be sure ken na hindi ka malalate!" matalim na wika ni pau sa akin. tumango nalang ako bilang tugon.

Pagkatapos ay sabay sabay kaming lumabas ng building. Na unang maglakad si jah at josh, si pau nakasunod lang sa dalawa, habang ako ay nasahulian, pinagmamasdan ang kanilang mga likuran.

Pagkarating namin sa parking lot ay may kanya kanyang paandar ng sasakyan. Naunang umalis si Jah at josh. Aalis na sana ako pero tinawag ako ni pau.

"Kumain kna ba Ken?" Tanong ni pau

"Hindi pa bakit?" Sagot ko! Madalas kaming kumain magkasama ni pau, madalas kami sa restaurant ni Tito kumain.

"Kain tayo sa restaurant ng Tito mo!" tumango ako sa kanya, doon din naman talaga ang pupuntahan ko.

"Sige, doon din naman ang punta ko!" sumakay na ako ng kotse, si pau ay sumakay sa kanyang motor.

Naunang lumabas si pau, nakasunod lang ako sa kanya. Habang nagmamaneho ako ay nawala sa isip ko ang pagtatanong kay Josh kung may alam na ba siya sa lalaking hinahanap ko. Di na bali kay pau nalang. Pagkarating namin sa restaurant ay naunang mag park si pau, at nag park ako ng kotse ko.

Sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant. "Good afternoon Sir Ken and Sir pau" tumango si pau kay mike.  "Mike! Where's Tito?" Tanong ko sa kanya!  "Nasa loob po ng kitchen dahil may tinuturuan po siyang new employee dito" tumango ako kay mike. 

Umupo na kami ni pau sa table good for 2, Tinawag ulit namin si mike at nag order. Pagkatapos namin mag order ay umalis din agad si mike.

"Pau! may info kana sa lalaking hinahanap ko?" humarap ako sa kanya.

"Wala pa eh! Mukhang malabo na taga rito Yun! Di nga tayo kilala eh!" siguro bago lang siya dito, kaya hindi niya kami kilala.

"Ganoon ba, sige!" sagot ko, pero napatingin agad ako sa tinuro ni pau.

"Ken! Tingnan mo ang lalaking 'yon Mukhang siya ang nasa drawing mo!"

Hindi ko pa Makita ng maayos ang mukha ng lalaki  dahil nakatalikod ito sa pwesto namin. Haharap na sana ito pero biglang natakpan ni mike ang pwesto ng lalaki.

Hinawi ko agad si mike pero pagtingin ko ulit sa pwesto ng lalaki kanina ay wala na, nilibot ko ang mga mata ko pero hindi ko na ulit nakita ang lalaki.

"Pau! Sure ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga ken! Mukhang dito natrabaho dahil pansin ko ang suot niya kanina!"  sana nga.

Nagsimula na kaming kumain ni pau, at nasa kalagitnaan kami ng pagkain ni pau ay biglang dumating si Tito.

"Oh Ken and pau! mukhang na pasyada kayo dito" kumuha si Tito ng isang bakanteng upuan at umupo sa table namin.

"Ehh! Dito lang namin kami parati kumakain, Tito!" Tumango lang ito sa akin.

"Musta ang buhay sikat na artista, mukhang nakilala na kayo!" pagbibiro niya.

"Hindi naman po Tito! Sadyang gwapo lang HAHAHA!" nagtawanan kami sa pagbibiro ko.

Habang nag uusap kami ay may tinawag si Tito na bagong waiter dahil sa pangalan niya, ngayon ko lang kasi narinig ang pangalan. Hindi ko na pinansin ang pag uusap nila dahil naka focus ako sa pagkain.. Pero si pau kalabit ng kalabit sa akin kaya tinanong ko siya!

"Pau, ano bang nangyayari sayo? Bat kalabit ka ng kalabit?" pero tinuro lang ni pau ang lalaking kausap ni Tito.

Pagtingin ko ay nagulat ako! Siya nga siya nga ang lalaking hinahanap ko. Hindi siya nakatingin sa amin dahil nakatingin lang ito Kay Tito!  Tatawagin ko sana siya pero bigla itong umalis agad.

"Ohh Ken bakit parang gulat ka?" Tanong ni Tito.

"Tito sino po iyon!" Tanong ko.

"Ah! Bago namin waiter dito, kahapon lang siya nagsimula! Si Stell, taga probinsya!" tumango ako sa paliwanag ni Tito. Pero Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko Kay stell. Halos dalawang linggo ko na siya hinahanap pero dito ko lang pala siya makikita.

"Kasi alam mo po Tito Kenneth! Yang Pamangkin mo po halos hindi mawala sa isip niya ang lalaking yun, si Stell ba Yun!"

"Bakit naman ken? May masama bang ginawa si Stell sayo" umiling lang ako sa Tanong ni Tito.

"Wala po Tito!" sagot ko.

"Oh siya maiwanan Kuna kayo dyan alis na muna ako!" Umalis na si tito sa pwesto namin.

"Ano gagawin mo ngayon, nakita mo na ang hinahanap mo!"

"Iwan ko! Basta ang mahalaga nahanap ko na siya!"Sagot ko Kay pau, habang nakatingin kay stell.

Ayaw ko na muna magpakilala sa kanya! Dahil nasa gitna ito ng trabaho , baka bukas o makalawa baka may lakas na ako ng loob para kausapin siya.

Pagkatapos namin kumain ni pau ay umalis na kami ng restaurant, Hindi na kami nagpaalam pa Kay Tito, Si mike nalang ang inutusan namin na siya ang magsabi Kay Tito na umalis na kami.

Scared of Losing 'YOU'Where stories live. Discover now