13

183 3 1
                                    

KEN POV

Pagkalapit ko sa pwesto ni jah ay napatingin ito sa akin, "Jah! Pwede ba tayo mag usap ng maayos?" mahinanon kung sabi sa kanya! Ayukong ganito ang trato niya sa kin, para bang ibang tao!

"Nag uusap naman na tayo! Ano ba gusto mo?" nainis niyang sabi sa akin!

"Jah! Sabihin mo naman sa akin kung ano problema mo! Halos isang linggo kanang ganyan!"

"Ken! Pagsinabi ko ba sayo! Do you think may magbabago?" naluluha niyang sabi!

"Ano ba kasing problema! Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin sa akin, jah?"

"Ken! Bakit siya? Bakit hindi ako? Ang manhid mo naman ken eh! Nandito ako oh! Matagal na kitang gusto!" Umiiyak niyang sabi! Hindi agad ako nakagalaw sa sinabi niya at halos matulala ako sa kawalan!

"Jah! I'm sorry!" tanging nasabi ko!

"Matagal na kitang gusto Ken! Simula palang. Pero natakot akong aminin sayo dahil baka itaboy mo lang ako! Pero simula ng nalaman ko na hindi ka straight, Akala ko magugutuhan mo rin ako! Pero Akala ko lang pala! Ang Tanga ko para mahulog sa taong hindi ako gusto! Bakit ganoon? Nagmahal lang naman ako!" lumapit ako sa kanya at niyakap siya habang umiiyak!

"Jah, I'm sorry! Pero kaibigan at Kapatid lang ang turing ko sayo at sa grupo!" pinunasan ko ang luha na tumutulo sa mata niya.

Tumingin si Jah sa akin "Ken! Ang sakit! Sa walong taon natin na magkakasama, pinilit ko naman talaga na iwasan ka pero mas lalo lang akong nahuhulog!"

"jah! mahal kita bilang kapatid Hanggang doon lang yon!" itinayo ko na siya sa pagkakaupo! At inalalayan pumasok sa studio.

Pagdating namin sa loob ay agad tumakbo si josh sa pwesto namin, "Jah!" agad tumakbo si jah kay josh at napahagugul sa pag-iyak habang yakap si josh. "Josh!" nasasaktan na sambit ni jah kay josh!

Lumabas na muna ako sa loob ng studio at lumabas ng building upang magpahangin, habang wala pa si Pablo!

"Haystt I'm sosorry jah! Kung nasaktan kita! pero bilang kapatid lang talaga ang turing ko sayo!" bulong ko sa kawalan.

"Ken?" napalingon ako dahil sa pagtawag ni pau sa di kalayuan!

"Ano ginagawa mo dito? Ang aga aga mukhang malalim na ang iniisip mo!"

"Nagkausap na kasi kami ni jah!"

"So! Alam mo na?"

"Yeah! Kaya nga lumabas na muna ako para mapag-isa!"

"Si jah! Asan?" Tanong ni pau habang naglalakad kami patungo sa studio.

"Nasa loob! umiiyak!"

"Pinagsabihan na namin si jah, na itigil ang feelings niya for you, pero alam mo sabi niya sa amin. Kahit daw Anong pilit niyang itigil, pero mas lumalala lang daw! Kaya ayon nasaktan!"

"pero okay na rin naman kami pau!" tumango si pau sa sinabi ko.

Pagkarating namin sa loob ay medyo okay na rin si jah, at ngumiti na rin ito sa akin!

"Jah! Okay kana ba? Na i-kwento ni ken sa akin ang nangyari!"

"Yeah I'm okay na! Pero susubukan ko!" nakangiti niyang sagot kay pau!

"Mabuti naman! Ayuko na masira ang grupo natin! Tandaan niyo Yan.  Halos tatlong taon tayong nag training para lang maabot ang buhay natin ngayon! Ayaw kung masayang ang walong taon na ginuguol na'tin para marating ang, ngayon!"

Pagkatapos sabihin ang lahat iyon  ni pau ay lumapit kami sa kanya at nag group hug! Mas naging masaya ang puso ko dahil wala na ang bigat na aking dinadala! Mas na excite tuloy ako na matapos ng maaga ang practice namin ngayon, dahil gusto kung i-kwento ang lahat kay Stell.

Maghapon kaming nag practice dahil ilang Araw na lang ang concerts namin sa Arena! Kaya mas babad kami sa pag practice, sa vocal at pagsasayaw. 

Sa wakas natapos na rin namin ang lahat sa choreography, transition, at pati sa blending, harmony sa kanta ay mabilis namin natapos. Kaya inayos kuna ang gamit sa loob ng bag, bago magpaalam!

"Alis na ako! Bye!" paalam ko sa kanila

"Sige, ingat!" sasabay nilang sabi.

Nagmaneho na ako para sunduin si Stell! Kailan ko kaya masasabi Kay Stell ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

Scared of Losing 'YOU'Where stories live. Discover now