22

218 7 0
                                    

KEN POV

"Ken! Ken!" Nagising ako sa pagyugyog ni jah! Agad akong napayakap sa kanya! Akala ko lahat nang iyon ay totoo!

"Jah!Hindi naman totoo na iniwan ako ni Stell! Diba?" bulong ko habang umiiyak!

"Ginising kita dahil narinig kitang sumisigaw!" mas napaiyak ako! Dahil panaginip lang pala ang lahat na iyon! pero bakit parang totoo!

"Si Stell! Nasaan si Stell! Gusto ko siyang makita! Gusto ko siyang makausap. Jah please, tulungan mo naman ako!"

"Pero Ken! Wala na si Stell dito! Umalis na pabalik ng probinsya!" mas napaiyak ako dahil sa sinabi ni jah! Bakit Stell!

"Jah! Bakit hindi niyo ako ginising! Akala ko ba tutulungan niyo ako ni pau! Asan si pau? Pau? Pau?" sigaw ko mula dito sa loob ng studio!

"Ken! Gusto ka namin tulungan, pero mas magkakasakitan lang kayo! Wala dito si pau dahil sumama Kay josh para ihatid si Stell sa bus station!"

"Bakit jah! Mas lalo akong hindi makakatulog ng maayos kung hindi ako mapapatawad ni Stell."

"Pero Ken! Ayaw namin na masaktan kayo pareho, please listen! Pag okay na ang lahat pupuntahan na'tin si Stell! Maniwala ka!"

"Jah! Bakit nagawa ko ang lahat ng ito! Hindi deserve masaktan ni Stell ng ganito! Pero bakit nasaktan ko siya! Jah! ang sakit sakit sa puso! Ang bigat bigat!" napahagulgul lang ako sa dibdib ni jah!

"Ken! Sige iiyak mo lang ang lahat ng sakit. Sabihin mo lang ang lahat ng gusto mong sabihin! Makikinig lang ako!" Sabi ni jah!

"Jah! Kahit umiyak ako ng umiyak, Hindi ko pa rin mababago ang ginagawa ko Kay stell! Ang tanga tanga ko!" naalala ko naman ang masasaya naming alala ni Stell! Ang kanyang ngiti! Ang kanyang haplos, ang kanyang halakhak! Ang kanyang halik! Miss ko na siya! Stell please bumalik ka na!

"Jah! Ganito ba kasakit ang naramdaman mo nung nalaman mong may Mahal na ako?!" Tanong ko habang umiiyak!

"Hindi naman ken! Oo gusto ko Kita noon. Pero hindi ko binigay ang lahat ng sa akin!  oo nasaktan ako pero nakaya kong kalimutan ang lahat dahil Mahal ko ang sarili ko! Hindi gaya nang yayari sa inyo ni Stell!" nakinig lang ako Kay jah!

"Si Stell ang hinahanap ng buhay ko! Kaya ang Tanga ko para gaguhin siya ng ganoon! Sa harap pa talaga niya, sa harap pa talaga ni Stell! Kaya hindi ko alam kung nakakaya ko ang bukas, dahil siya na ang naging pahinga ko, pinaghuhugutan ko ng lakas, my home! Pero ngayon wala na siya!" humihikbi kung saad kay jah! Umalis na ako sa pagkakayakap Kay jah!

"Jah, thank you!" pagpapasalamat ko sa kanya!

"You're welcome Ken! Dapat ganoon lang ang gawin ng magkakapatid! Ang magtulungan!"  Sabi  jah!

"Sige Ken! iwan na muna Kita!" paalam ni jah!

Nang nakaalis na si jah ay naiyak naman ako! Napayakap ako sa unan! hindi pa rin ako tumigil sa kakaiyak!

"Stell, please!  Balik kana oh! Magbabago na ako! Hindi ko naman sinasadya ang nangyari! Bakit hindi mo ako pinakinggan. Ang laki kung tanga Stell!"

"Stell! Babe, Sana pag okay na ang lahat, sana ako pa rin! Sana ako pa rin ang nasa puso mo! Ang bigat sa puso Stell! Ang bigat bigat, bakit iniwan mo ako! Bakit di mo manlang nagawa akung pakinggan, bakit!" umiiyak ko na bulong!

Gusto ko man lumaban pero paano pa ako lalaban kung wala na ang taong gusto kung ipaglaban! Bakit sinayang ko ang taong minahal lang naman ako! Bakit nagawa ko ang mga bagay na iyon! Bakit? Gusto kung sumigaw sa sakit, sa sakit dito sa puso.  Paano pa ako babangon sa Araw Araw,kung ang sigla ng buhay ko ay kailan man ay di ko na masisilayan! Babe! alam ko naman na kasalanan ko ang nangyari ang lahat, pero bakit gan'to kabilis, bakit sa isang iglap Wala kana! Hindi kuna mahahawakan ang iyong maamong Mukha! Hindi ko na mahahaplos ang mga kamay mo! Babe, please Hindi ko kaya, bumalik kana! Please babe! Ang sakit ang sakit sa dibdib! Pero ayaw kung dumating ang Araw na pagbalik ko sayo ay makita mo akong ganito, gagawin ko ang lahat para mabago ang lahat ng pagkakamali ko! Sana ako pa rin, sana ako pa rin sa tamang panahon! I'm scared to lose you, Kaya hahanapin Kita, Stell! Kahit gaano katagal, maghihintay ako.

*********
BUSY NA SI AUTHOR, BAKA HANGGANG DITO LANG MUNA!!😇

Scared of Losing 'YOU'Where stories live. Discover now