2

240 7 2
                                    

STELL POV

Ilang Araw na ang nakalipas simula ng pagdating ko dito sa Manila! Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan akong iwanan ang buhay probinsya.

I'm Stellvester 'stell' Ajero, Hanggang Senior High School lang ang natapos ko kaya medyo nahihirapan akong maghanap ng trabaho.

Sa tatlong Araw na pananatili ko sa Manila ay medyo na hohomesick pa ako, miss kuna agad si mama at papa sa probinsya. Pero kailangan kung gawin ito, dahil may mga Kapatid akong umaasa sa akin. Kaya kahit ayaw ko umalis sa amin ay wala akong magawa. Kundi umaalis ng probinsya.

Nangungupahan lang ako sa maliit na apartment dito sa Manila. Gusto ko ngang umalis dahil medyo Mahal ang bayad, pero mas mabuti na rin ito para madali akong makakauwi kapag may trabaho na ako.

Umalis ako ng apartment dahil pa gabe na rin wala pa rin akong stock na pagkain Kaya nagtungo ako sa malapit na grocery sa malapit. Habang namimili ako ng bibilhin ko ay umingay sa loob ng grocery pero hindi ko na pinansin pa. Pero may biglang lumapit sa akin upang magtanong.

"Hi! Can I ask?" Tanong ng lalaki na pinagkakaguluhan ng mga tao dito sa loob ng grocery.

"Sure what is it?" napa English ako kahit hindi ako marunong,  pero kailangan dahil yun ang tanong niya. Kaya dapat English din ang sagot ko.

"Do you recognize me?" Tanong niya ulit! Hindi ko pa siya nakita ever since.

"Hindi bakit?" sagot ko sa tanong niya! Bakit sino ba siya! Pero infairness ang gwapo niya, his jawline bagay na bagay sa Mukha niya, his lips ay mas nakapagbigay sa kanya ng  ibang charm, his Moreno skin, ay swak sa kagwapuhan niya. Sino kaya siya?

Iniwan ko na siya dahil natatagalan na ako sa pamimili, magluluto pa ako para sa hapunan. Kaya umalis na ako sa harap ng  lalaking iyon! Parang iwan, ganito ba mga tao dito sa Manila mga assumero?

Pagkatapos kung magbayad ay umalis na ako, mabuti nalang at nauna akong nakapila sa lalaking nagtanong sa akin kanina kaya naka alis ako sa ingay na dala niya.

Pagdating ko sa apartment ay inayos kuna muna ang mga binili ko bago mag luto. Maaga pa kasi ako bukas na maghahanap ng trabaho! Kaya maaga akong kakain para matulog agad.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga at pagkatapos ng lahat lahat, ay  nagsimula na akong maglakad palabas ng apartment.

Pumasok  ako sa isang restaurant, nakita ko kasi na naghahanap sila ng waitress babae at lalaki, Kaya susubukan ko. Agad akong nagtanong sa cashier kung available pa ang position na kailangan nila. Tumango ang cashier sa tanong ko.

"Maghintay kalang muna sa bankenteng upuan!" Naghintay ako ng ilang minuto at dumating naman Ang isang matandang lalaki na halos kasing edad ng papa ko.

"Good morning! Mr?" Tanong ng manager, nakita ko sa suit niya ang manager.

"I'm Stellvester  Ajero," tinangap ko  ang kamay kamay niya na nalahad sa akin at nag kamayan kami.

"Can I have your resume! Anyway I'm Kenneth Suson, the manager of this restaurant and also the owner" ngumiti ako Kay Mr. Suson.

"Here!" pagkatapos kung ibigay ang resume ay pinagmasdan kulang si Mr. Suson  na tingnan ang resume ko. I hope makatanggap ako.

"When I scanning your resume, pasok ka sa standard na hinahanap namin! Pwede kana magsimula bukas!" Halos mapasigaw ako dahil sa sinabi ni Mr. Suson.

"Thank you po! Sir. Kenneth!" ngumiti lang si Mr. Suson sa akin at umalis na. Sa wakas may trabaho na rin ako. Thanks God!

Umalis na ako ng restaurant at naglakad lang sa malapit na park na Hindi na kalayuan sa apartment, magpahinga lang ako saglit.  Dahil nagugutom na ako ay naghanap ako ng makakainan, pero habang naglalakad ako ay nakita ko ang halos isang libong tao na nakapalibot sa isang bus. Pagtingin ko sa bus ay may mga kumakanta, medyo familiar ang isang lalaki sa loob ng bus, pero I'm not sure kung nakita kuna ba ito. If I rate their song it's 9/10 the message is great and the voices was very impressive. I guess the song is Liham, maybe. Medyo alam ko ang tungkol sa music dahil marunong din akong kumanta pero hindi gaanong magaling.

Umalis na ako at kumain sa isang maliit na kainan, dahil hindi sakto ang budget ko sa mamahaling restaurant. Pagkatapos Kung kumain ay umalis na ako at umuwi ng apartment.

Scared of Losing 'YOU'Where stories live. Discover now