5

220 6 2
                                    

KEN POV

Pagkarating ko ay agad ako naglakad patungo sa practice room, nakita ko agad si jah at josh na nag uusap.

"Aga mo ha? Anong Meron?" Tanong agad ni josh!

"Wala naman! Sadyang ayaw ko lang tumakbo dito sa loob ng sampung beses!" pero kahit ang totoo ay dahil Kay Stell.

"Suss! Wag ka nang magsinungaling Ken, Dahil ba kay Stell?" Alam na nila na nakita ko na rin ang lalaking hinahanap ko which is si Stell.

"Yeep! Dahil nga kay Stell!" pero pansin kung biglang nagbago ang expression ni jah!

Pagdating ni Pau ay agad kami nag simulang mag practice, gumawa kasi ng new song si pau ang WYAT at tulong tulong kaming gumagawa ng step! I suggest sa kanila na kumaha na kami ng choreography para mas madali, pero mas gusto nila ang kami mismo ang gagawa ng steps! Kaya medyo na hihirapan kami.

Napansin ko ang pagiging tahimik ni jah, simula ng biruin ko ito! May nasabi ba akong masama para mawala ang pagiging madaldal niya?

Tinanggal ko na muna ang pag iisip Kay jah, nag focus ako sa pagbuo ng steps,halos kalahati na rin ang nakukuha namin. Kaya nagpahinga muna kami.

Kakausapin ko sana si jah, pero bigla itong umiwas sa paglapit ko! Ano bang problema niya? Bahala siya.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at uminom ng tubig habang naka upo. Lumapit naman si pau sa tabi ko.

"Ken! Pupunta ka ba sa restaurant mamaya?"

"Oo! Siguro pagkatapos ng practice natin, Bakit?" nagtataka lang ako, bakit ka na naman mag tataka ken? diba nga madalas kayo ni pau doon? Hasytt! pati isip ko nagsasalita na rin!

"Sasabay ako ha!" tumango lang ako sa Kanya, umalis din naman ito agad sa tabi ko at bumalik kay Josh..

Lumapit ako sa kanilang tatlo, dahil mukhang seryuso ang usapan nila. Tumingin si jah sa pwesto ko at umiwas rin pagkatapos. Hindi ko nalang pinansin ang inasta ni jah.

"Ano pinag uusapan niyo?" sabay tapik ko sa braso ni josh.

"Wala lang, may importante lang pinag uusapan!" tumango ako at bumalik sa pwesto ko! Ayw kung makisali sa usapan na hindi ako kasali.




Scared of Losing 'YOU'Where stories live. Discover now