12

179 3 1
                                    

KEN POV

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil gusto kung magluto ng breakfast para pagsaluhan namin ni stell. Pagkatapos kung magluto ay naligo na ako at nagbihis.

Umalis na ako ng condo para maabutan ko si Stell sa apartment niya,pagkarating ko sa labas ng apartment ay agad akong kumatok.

Makatatlong katok na yata ako ay bumukas rin ang pinto! Akala ko naka alis na siya!

"Sino Yan?" Tanong ni Stell, sabay bukas ng pinto. Pagtingin ko sa suot niya ay bihis na ito. 

"Ikaw pala Ken! Ang aga mo naman yata masyado! Halika ka pasok ka!"  pumasok ako ng apartment niya.

Hindi naman masyadong malaki ang apartment, siguro mas malawak lang ang condo ko, may isang kwarto at kusina, minimalist ang pintura ng buong apartment, malinis din ang paligid at organize ang buong gamit. Siguro kung ikokompara sa condo ko ay mas malinis ang apartment ni Stell.  

"Nag breakfast kana ba? Nagluto ako para pagsaluhan natin!" Sabi ko habang nakasunod kay Stell patungo ng kusina.

"Hindi pa! Sakto lang ang dating mo paalis na rin sana ako! pero dahil may breakfast kang dala, dahil baka masayang pa yan, halika pagsaluhan natin" sabay kuha niya sa kamay ko ng pagkain! Pansin ko rin ang kakaibang kinikilos niya. Hindi na ako nagtanong kung bakit ang saya niya.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan, sakto lang sa dalawang tao ang lamesa. Kumuha siya ng dalawang pinggan at ibinigay sa akin ang isa. Hindi ko napansin nakatulala na pala ako sa kanya.

"May dumi ba ako sa Mukha?" Tanong ni Stell habang nakatingin sa akin. Tapos na pala itong maayos ng pagkain. "Wala naman!" sagot ko.

"Kanina kapa kasi nakatingin sa akin! Kaya Akala ko may dumi ako sa Mukha!" Sabi niya. "Wala naman" nauutal ko pang sabi, sabay iwas ng tingin.

"Siguro crush mo 'ko!" pabiro niya, halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Binigyan niya ako ng tubig kaya kinuha ko agad ito at uminom. "Joke lang!" sabay bawi ni Stell sa sinabi niya! wala nang nag atumbling magsalita sa amin,hanggang matapos kaming kumain.

Lumabas na kami ng apartment at nagtungo sa pwesto ng sasakyan, Hanggang makaalis kami ng apartment ay walang gustong magsalita hanggang makarating kami sa restaurant. Bababa na sana siya ng sasakyan pero pigilan ko siya!

"Stell sandali! Here's the audio of our songs, Yung hinihingi mo!" sabay bigay ko sa kanya ang isang flash drive. Kinuha niya naman ito sa kamay ko.

"Akala ko nakalimutan mo! Pero thank you! Sige alis na ako! Ingat ka!" tuluyan na itong umalis ng sasakyan nang nakangiti. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad palayo, umalis na ako ng restaurant at nagtungo sa building.

Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti, ang gaan sa pakiramdam ang makita ang magandang ngiti sa labi ni Stell! Hanggang makarating ako ng studio ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking labi!

"Anong ngiti yan Ken! Ikaw ha,may nangyari bang maganda?" bungad ni josh, habang nakangiting loko. "Baliw!" tanging nasabi ko.

Naglakad na ako para ilagay ang gamit sa pwesto ko! Naupo lang muna ako dahil medyo napaaga ako. Nakita ko si jah sa upuan na nakatulala,kaya lumapit ako sa pwesto niya.

"Jah! Ang aga aga tulala ka dyan!" kalabit ko sa braso niya!  napatingin si jah sa akin na walang kabuhay buhay! Si josh naman ay nakatingin lang sa akin.

"Paki-alam mo?" Sabi niya sabay tingin sa malayo!

"Jah! May problema ka ba sa akin?" Tanong ko, gusto ko rin naman siyang tanungin about it! Dahil randam ko ang paglayo niya sa akin, at pagiwas sa tuwing nagsasalita ako! Naninibago ako sa pagbabago niya!

"Iwan ko sayo!" Umalis ito sa harap ko at lumabas ng studio. Ano bang problema niya! Lumapit ako sa pwesto ni josh!

"Josh?" tawag ko, Kaya napatingin ito sa akin habang hawak ang  cellphone.

"Josh! Diba kayo naman ang madalas magkausap ni jah!"  Tanong ko

"Oo bakit?" sagot niya at ibinalik ang mata sa cellphone.

"May problema ba si jah sa akin?" napatingin siya sa akin at kalaunan ay inalis din.

"Ken! Siguro si jah ang kausapin mo! Wala ako sa Lugar para magsalita!" tumango ako sa sinabi niya.  Kaya lumabas ako ng studio para hanapin si jah. Paglabas ko ay nakita ko agad si jah na nakaupo sa gilid ng hallway. Kaya naglakad ako palapit sa pwesto niya.

Scared of Losing 'YOU'Where stories live. Discover now