14

223 8 6
                                    

STELL POV

Habang nag seserve ako ng order sa isang costumer ay napansin ko ang tingin ni mike sa akin! Kaya napatingin ako sa labas ng restaurant, nakita ko naman si Ken na naghihintay na nakasandal sa kanyang kotse.

Bakit Kaya siya nandito? Hinihintay niya ba ako? O si sir Kenneth?  Hindi na ako nag isip ng kung ano ano! Kundi tinuon ko ang aking isipan sa trabaho dahil hindi na rin naman magtataggal magsasara na kami!

After the work ay umalis na ako ng restaurant at nagtungo kay Ken!

"Hi! Sino hinihintay mo?" Tanong ko!

"Ikaw!" sagot niya habang nakatingin sa akin ng deritso!

"Huh? Bakit?" bakit kaya? kahapon hinintay niya rin ako!

"Dahil gusto ko! At may iikwento ako!"

"napapadalas yata ang pagsundo mo!" pabiro kung wika sa kanya! Mukhang nahiya ito sa sinabi ko dahil napatingin ito sa malayo.

"Bakit bawal ba?" pabalik na tanong niya!

"Hindi naman! Tara!"nagtungo ako sa sasakyan at pumasok sa tabi ng driver seat!

Habang nagmamaneho siya ay pasulyap sulyap itong napapatingin sa akin! "May sasabihin kaba Ken?" Tanong ko mukhang naghahanap pa kasi ng tempo.

"Kumain kna ba?" Tanong niya!

"Hindi pa pero sa apartment ko nalang seguro ako kakain? Sa apartment kana kumain! Babawi naman ako!"

"Sige, Sabi mo eh!"

Nakarating na kami ng apartment at  pumasok na kami sa loob, " Feel at home Ken! Baka gusto mo manuod ng tv, buksan mo nalang nasa aparador lang ang remote!" tumango lang siya sa akin! Agad akong nagtungo sa kwarto para magbihis.

Naglakad na ako papuntang kusina na abutan ko naman si Ken  sa sala at nakahiga sa couch! Hindi ko na siya pinansin at nagpunta ako ng kusina para magluto!

"Ang bango Naman!" napatingin ako sa gawi Niya

"Nandyan ka pala! Umupo ka nalang dyan, matatapos na rin ako!" Nagluto na ako at inayos ang pagkain sa lamesa!

Pagkaupo ko ay nagsimula na kaming kumain! Habang kumakain kami ay walang nagsalita sa amin! Siguro may iniisip lang kami pareho! Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na ako ng pinggan, maghuhugas na sana ako pero ken Insisted na siya na ang maghuhugas! Kaya hinayaan ko!

Iniwan ko si ken sa kusina habang naghuhugas! Nagtungo ako ng sala para umupo at makapagpahinga na rin!

Na alimpungatan ako dahil sa mga daliri na dumadampi sa Mukha ko! Hindi muna ako dumilat at nagtulog tulugan "Mas gwapo mo pala kapag tulog!" bulong niya! Nakinig lang ako sa kanya! "Kailan Kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob para sabihin sayo na gusto kita!" kahit gusto ko na imulat ang mga mata ko! Nanatili pa rin akong nakapikit dahil gusto ko pang marinig ang susunod na sasabihin niya!

"When the first I saw you in the groceries store! You captured my attention and the moment to believe of my deepest dreams of someone doesn't knew me, is possible! And now, I finally found you, Stell. Hindi ko sasayangin ang moment na ito na kasama ka! I found you in unexpected situation! But now I assure to God! I will love you! Ikaw yung taong hinahanap ko at dumating ka!" Sabi niya at naramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko, ilang seconds rin ang nagtagal ang paghalik niya!

Tatayo na sana siya sa pagkakaupo ay hinawakan ko agad ang kamay niya! Napatingin agad siya sa kamay ko sa kamay niya! "Stell?" gulat niyang sabi!

"Kanina kapa gising?" tumango ako!

Scared of Losing 'YOU'Where stories live. Discover now