CHAPTER 18

39 29 6
                                    

ELENIA's PoV

Napabuntong hininga na lang ako sa dami kong ginagawang paper works dito sa loob ng Headquarters. Halos napapangiwi na nga ang aking labi dahil sa sobrang bored ko. Ilang araw at linggo na ang lumipas simula ng bumisita rito si Senior ngunit hindi pa rin siya dumarating.

"Malapit na uwian nakasimangot ka pa rin diyan?" Nang-aasar na turan ni Sir Azarcon. Wala akong balak patulan ka ngayon.


Patuloy pa rin ako sa pag-encode ng mga files sa laptop nang biglang...

"Elenia Cosette, break."


Napataas ang kilay ko at iniwan ko ang aking mga gawain. "Sir, sandali lang ha? Pinapaakyat ako sa court ng isa sa mga junior ko."

Tumango tango naman ang gago. Nginitian niya ako na para bang may alam siya sa mangyayari ngayon.



Mga estudyante talaga napaka ingay. Hiyawan ng hiyawan. Isa sa mga gawain namin ang magpatahimik ng mga maiingay para na rin hindi maistorbo ang mga nasa kabilang section. Pag nagkataon kasing naabutan ito ng aming principal, for sure baka gusto nila ng 1 week suspension. Menopause na kasi principal namin kaya lagi mainit ulo.

Mas lumakas pa ang hiyawan ng makarating ako ng court. Bigla naman' nag give way ang mga junior ko at ilang mga estudyante. At sa dulo ng mahabang linyang 'yon...


"Erasmus Zebulon." Mahinang sabi ko habang gulong gulo akong papalapit sa kanya. Para na akong nilalamon ng lupa, tang ina 'wag mo akong titigan!


"Ngayong nakabalik na ako, gusto kitang tanungin muli." Ngiti niyang sambit. "Kuya ano po sinabi niyo sa kanya?" Pag uusisang sabi ng isang estudyante.

"Sabi ko kasi sa kanya noong huli kaming nagkita. Kapag bumalik ako,—" Biglang naghiyawan ang mga tao sa paligid.


Patapusin niyo muna kasi magsalita ang honey bunch sugar plums ko.

"Gusto ko ng malaman ang kanyang sagot. Nalaman ko kasing gusto niya ako so..."


Uy, grabe siya.

Halos lamunin na ako ng lupa sa kinatatayuan ko. Gusto ko na maglaho.

Ever since in my life, I have never experienced this kind of proposal. I mean in front of a crowd. Ang daming tao, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon.



Hey Elenia, tandaan mo. Kailangan mo mag-aral ng mabuti. You have to! 'Wag ka naman sanang bumigay dahil lang sa CRUSH mo 'yang si Erasmus. Sabi ng kanang isip ko.


Pressure about family is one of the scariest parts of my life. Kailangan top 1 ako palagi sa class. Activities, projects and even assignment dapat manguna ako or else my mother will scold me for being lazy. I need to join extra curricular activities dahil sa gusto ng parents ko. Kailangan wala raw akong boyfriend hanggang sa makapagtapos ako ng pag aaral.

Pero, deserve ko rin naman na sumaya at kiligin just for the meantime. Almost half of my life sinunod ko naman sila sa gusto nila para sa akin. Just for now? Baka naman siguro pwedeng sumuway muna ako.



"Oo." Napayakap siya sa akin. I hugged him back.


"OFFICIALLY YOURS!" Sigaw ni Erasmus sa court dahilan para mag hiyawan ang mga estudyante at kapwa BSP juniors ko sa paligid namin.



Napailing na lamang si Shaun ng makita kami.



Sana hindi mali ang naging desisyon kong sinagot kita. 

My Boyfriend Is A Rescuer (COMPLETED/UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon