CHAPTER 19

43 29 4
                                    

"Anong meron Elenia at may red roses and fairy lights ka diyan sa headquarters?" Usisang tanong ni Rosemarie sa akin habang nag setup ako ng decoration.

Napangiti na lamang ako habang naalala ko kung anong araw ngayon. 3 years na ang nakakaraan mahal pa rin kita, Erasmus.


"Edi ba dapat si Senior ang nag aasikaso ng ganyang mga klase ng pakulo since lalaki siya. Dapat siya ang mag aasikaso and to make you a surprise. Tatlong taon na kayong nagce-celebrate pero hanggang ngayon ikaw pa rin ang gumagastos?" Inis na sambit ng aking kaibigan.


Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Oo nga tama siya, simula nung naging kami ni Erasmus ako palagi ang gumagastos. Kahit piso wala siyang inaambag.


"Busy lang kasi 'yon sa trabaho 'non. Kaya di siya makaasikaso ng ganitong surprise. Masanay ka na lang na busy talaga mga rescuers." Pilit akong ngumiti ngunit nangingilid na ang luha ko ng mga oras na 'to.

"Busy? For almost 3 years Elenia, sana naman matauhan ka. Please know your worth. Hindi ka naman pinanganak para may sustenstuhang lalaki, and if your mother will know this? Ewan ko na lang talaga saan ka pupulutin." Dagdag niya.


"Oo na. Tumahimik ka na riyan, tulungan mo na lang muna ako para matapos na ako." Iritableng sagot ko.


Sa tatlong taon na relasyon namin ni Erasmus hindi ko alam kung naging masaya ba talaga ako. Yung pakiramdam na laging nag iisa ang lagi kong nararamdaman sa tuwing magkasama kami. Palagi na lang may rason bakit hindi kami nagkikita. Madalas through chat lang kami nag uusap dahil busy daw siya. Hindi ko nga alam bakit ako tumagal sa ganitong relasyon. Hindi naman pala talaga masaya sa una lang.


Sa katunayan, isang oras na siyang late ngayon at kahit na anong text or message ngayong araw ay wala akong natanggap mula sa kanya. Strike three!


"Uy, Elenia libre mo naman ako ng palamig sa labas." Nag aayang sabi ni Rosemarie. Iniwan ko muna ang ginagawa ko at kinuha ko ang wallet ko sa bag. Nauuhaw na rin ako kaya lalabas muna kami ng school para tumambay habang wala pa si Erasmus.




Tusok dito. Tusok doon. "Ang sarap!" Halos mag ningning ang mga mata ni Rosemarie habang kumakain ng fishball. Paanong hindi masarap 'yan e' galing iyan sa libre!

"Elenia." Mahinang bulong niya. Huwag mo akong istorbohin at ako ay kumakain. Ayoko pa naman sa lahat ng istorbo. Muli niya akong kinalabit. Sinamaan ko na rin siya ng tingin.

Di ka ba makuha sa tingin, Rosemarie!


Sumesenyas siya ngunit hindi ko siya pinapansin.


"Tatapakan ko 'yang paa mo!" Pagbabanta niyang sabi. "Subukan mo at nang mabigyan kita ng fifty push ups mamaya." Iritableng sagot ko.



Ngumuso siya at sinundan ko nang tingin ang itinuturo niya. Halos maibuga ko ang kinakain kong kwek-kwek. Nahulog ang hawak kong palamig sa mga oras na 'to.


Nanginginig ako sa galit.



"Uy! Saan ka pupunta?!" Suway na sabi ni Rosemarie. Tumakbo ako sa kabilang kalye nang...


"ELENIA!"


"Era—smus Z—Zebulon." Utal na sabi ko.



Naramdaman ko na lang ang pagkalagapak ng buong katawan ko sa sahig. Unti unting lumalabo na ang paningin ko.


Naaninag ko na lang ang pag dami ng tao sa paligid ko. Ni hindi man lang ako makatayo.


Hinang hina ang katawan ko.


"T—tulong! May babaeng nabundol ng kotse!"



"Tumawag na kayo ng ambulansya!"

My Boyfriend Is A Rescuer (COMPLETED/UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon