CHAPTER 20

46 29 6
                                    

ERASMUS PoV


“T—tulong! May babaeng nabundol ng kotse!” 

Napalingon ako sa mga taong natataranta sa kalsada. Nagtutumpukan na sila na tipong pinagtsi tsismisan na nila ang babaeng nakabulagta sa sahig. 

“Ten forty nine school!” Rinig kong sigaw ni Leader sa radyo. 

Agad kong pinuntahan ang babaeng ‘yon. Dahan-dahan ng umaagos ang dugo sa kalsada. Nabigla ako nang makita ko ang babaeng duguan. Hindi maipinta ang mukha ko sa mga oras na ‘to. 

Tang ina, Zebulon! Ano bang ginawa mo! 

“Senior! Huwag ka na tumunganga diyan, dalhin mo na ang kaibigan ko.” Hikbing turan ng kanyang kaibigan. 


Dumating na ang ambulansya at pulisya sa nangyaring insidente. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Natatanga ako sa mga oras na ito dahil sa kagagawan ko nangyari ito kay Elenia. Hindi ko naman sinasadya pero paano niya nalaman na nandoon ako?  

Hindi ko sinasadya na mangyari ito! 

“Anong nangyari rito, Zeb?” Tanong sa akin ni Shaun. Hindi ako maka sagot dahil paniguradong kasusuklaman niya ako. 

“E—Elenia? Naririnig mo ba ako?” Lumuhod siya habang niyuyogyog niya ang katawan nito. “Elenia!” Muli sigaw niya. 

Tumayo siya at nakita ko ang nanggagalaiti niyang mukha. 



Nanginginig ang kamay ko habang nasa loob kami ng ambulansya. “E—Elenia h—hindi ko sinasadya.” Mahinang hikbi ko. Nakayukom na ang kamao ko nang marinig kong magsalita si Shaun. 

“Di ba sinabihan na kita? See what happened now.” Singhal niya sa akin. “Eh, papaano kung hindi na siya magising? For sure mas gugustuhin mo pa ‘yon ng magawa mo lahat ng kagaguhan mo!” Dugtong niya. 

“Ilagay mo lahat ng details niya riyan, di ba girlfriend mo siya alam kong alam mo lahat ng tungkol sa kanya.” Sarkastikong iniabot niya sa akin ang information sheet. 

Naglalaman ito ng pangalan ng pasyente, contact information at iba pang mga personal details ng pasyente. Ngunit wala akong maisulat dahil hindi ko naman talaga alam ang ilalagay ko. 

“Oh? Bakit wala kang maisulat diyan? Kakailanganin iyan sa ospital na pagdadalhan natin sa kanya. Don't tell me you don't know anything about her?” He smirked like an idiot and it annoys me. 

Oo na. 

Kasalanan ko na pero huwag naman sa akin idiin ang akusasyon. Hindi ko naman kasalanang nakita niya akong nakikipag halikan kay Leader! Di ko naman sinabing sunduin niya ako sa labas. Now tell me, if it's my fault! 


“Malapit na tayo sa ospital Erasmus huwag mo akong pag intayin.” Inis niyang sabi sa akin. “Hindi ko alam kung anong ilalagay ko rito. Masaya ka na?” 

“And baka nalilimutan mo kung anong araw ngayon?” Ngisi niyang sambit sakin. 

3rd year anniversary. Anniversary namin ngayon ni Elenia. 

“Huwag mo akong gawin’ bobo, Shaun.” 

“Nagmumukha kang bobo dahil sa ginagawa mo, Zebulon. Kapag hindi maganda ang lagay ni Elenia dahil sa kakagawan mo, huwag mong aasahan na magiging magkaibigan pa tayo pagtapos nito. I will not tolerate this shit.” 

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami ng ospital. Binangga ako ni Shaun na para bang sinasadya niya ‘yon. Tumingin siya sa akin at ang mga mata niyang parang pinagbabantaan ako. Mahina na ang pulso ni Elenia, and mas bumaba ang oxygen level niya. Dinala na siya sa Intensive Care Unit (ICU). 

“Tandaan mo ang sinabi ko sa iyo Zebulon. Kapag may nangyaring masama kay Elenia. We're fucking over!”






Sana magising ka na, Elenia. Pangako, magbabago na ako. I will never let this happen again. 

My Boyfriend Is A Rescuer (COMPLETED/UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon