CHAPTER 1

197 81 19
                                    

ELENIA's PoV

Sobrang init talaga sa classroom, nakakainis di rin gumagana yung electric fan. Napabuntong hininga na lang ako nang tumunog ang radio na nakasukbit sa aking likuran. 

"Copy sir!" Sabi ko sa radio at tumayo na ako para magpaalam sa aking guro.

Meeting daw kami ngayong umaga dahil magkakaroon ng Earthquake Drill at mag a-assist kami ngayon. Yan ang isa sa mga gawain ng boyscout. Napaisip din kayo siguro, bakit nga ba boyscout eh, babae ako? Napaisip din ako, pero masasabi kong masarap talagang subukan lahat ng bagay at gawain ng isang lalaki. Tsaka nasa bagong curriculum na rin naman kaya binago na rin nila 'to.

 "ATTENTION!" Sabi ko sa mga junior scouts ko, agad naman silang tumayo at pumila. At nag-check kami ng attendance, para makasigurado kung lahat ay nandito sa headquarters. "20, 20 is the last number Ma'am!" Report nang nasa dulong junior.

Ilang minuto pa ay dumating na din sa wakas si Commander. Kinulit na naman niya ang mga kababaihan at kinilig na naman. Bago-bago ang itsura ng katawan nito. Batak sa pag g-gym pati mukha ay may muscle na. Di naman siya ka gwapuhan, siguro 'sakto lang'.

Matikas, matalino at may muscles pa. Kaya't marami din talaga ang sumali rito. Di ko alam kung ano ang nagustuhan nila, boyscout ba o yung commander namin' BABAERO.

Pero ako, iisa lang ang gusto ko kung bakit ako sumali dito. 'Yon ay nahikayat talaga akong sumali para naman may pagka-abalahan ako, bored kasi ako.

 "Elenia Cosette, write on the board kung sino ang naka-assign mamaya sa duty." Utos ni sir sa akin. Buong-buo talaga yung pangalan ko? Grrr!

Agad naman akong kumuha ng white board marker at nag sulat na. Masaya kami palagi rito, maraming activities and events at every program kami ang naka-assign para mag bantay dito sa school. 'Yan din ang isa pang gawain ng BSP (Boyscout of the Philippines).

Hindi ko lang alam, kung sa ibang school ay ganito rin ang ka ilang gawain.

Ilang minuto ang nakalipas ay tumunog na ang bell at agad na pumuwesto sa kanilang naka-assign na lugar. Nandito ako sa may gate kasama ang mga medical team. "Senior, senior break!" Tunog nang aking radio at parang kinabahan ako habang pinapakinggan ko siya.

Gusto ko talagang mag-doctor kaya na hilig ako sa mga ganitong bagay. Now you know? May emergency kaya't tumawag na ako nang ambulansiya. Mabuti na lang at malapit lang ang barangay at may naka-istambay na ambulansiya doon.

Alam niyo ba? Barangay namin ang kupad.



Nagmadali ako't hingal na hingal, pero masaya ako sa gawain kong 'to.



ERASMUS' PoV

May emergency sa kalapit na eskuwelahan, kaya nagmadali na ang aming driver para pumunta doon.  Inihanda ko naman ang first aid para sa pasyente. Ano na naman kayang nangyari sa mga batang 'yon.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating kami sa eskuwelahan at maraming estudyante ang nakaharang. Syempre nakikiisyoso. Kala mo may maitutulong.

Habang pinapa-alis nila ang mga 'to ay kinuha ko na kaagad ang akin first aid kit bag at stretcher. "Relax ka lang." Sabi ko sa kanya, at kailangan talaga niya na mag-relax kundi mas lalong maninigas ang kanyang buong katawan.

Nanginginig ang kanyang mga kamay at napakalamig nito. Tumitigas na rin ang kaniyang kamay at paa, at sumisikip ang kanyang pag hinga. Hyperventilation ang tawag sa ganitong sitwasyon, mas marami ang inilalabas niyang hangin kumpara sa nilalanghap niya. (inhale-exhale) Kaya naman mas nawawalan nang oxygen ang kanyang katawan. Kung baga napupuno ng oxygen ang ating utak kaya nahihirapan itong mag-focus.

Nag pasya na kami na dalhin na siya sa ospital para mabigyan nang lunas agad sa kanyang iniinda. Nawalan na rin siya nang malay. Kadalasan itong nangyayari kapag mainit, nasa kulob kang lugar, at di ka pala-inom nang tubig. Maari din na mag-trigger 'yon kapag madalas kang pagod at kagagaling mo lang sa sakit tapos sabak ka kaagad sa mga practices sa school. Hindi na iba para sa' kin ang ganitong sitwasyon lalo na sa mga estudyante.



"Kami na bahala rito. Tawag ka ni commander." Sabi ng kasamahan ko. Kaya naman kahit gusto kong ihatid at sumama sa ambulance ay napilitan akong magpa-iwan ako sa school. Namiss ko rin 'tong paaralan na 'to. Dito ako nag-graduate, at naging isang cadet. Mas pinili ko na lang na maging volunteer rescuer para makatulong sa mga taong nangangailangan. Kahit na walang sweldo dito, ayos lang sa akin' yon. Ang importante makapagligtas ako nang tao, at mabigyan ko nang dugtong ang kanilang buhay.



 "Ayan ang malupit na leader nang BSP." Sabay turo niya sa babaeng maputi. Nginitian ko siya at ganon din siya. "Nako, wala pang boyfriend 'yan." Dugtong niya at mag halong pang-asar na sinabi sa' kin. Halos matawa talaga ako sa kanya, hiyang-hiya na 'tong babaeng 'to dahil sa ginagawa ni sir na pang-aasar sa kanya.





Dahil sa sobrang pamumula ng pisngi niya, bigla siyang tumalikod.


Maganda naman siya, masungit lang.

My Boyfriend Is A Rescuer (COMPLETED/UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon