CHAPTER 10

84 67 13
                                    

ERASMUS' PoV

"Sira talaga ulo mo bro." Sabi sa akin nang aking kapwa rescuer. Paano ba naman kasi, ilang beses ko na nga bang binabarag ang isang 'to. Nakakairita kasi siya, yung tipong di ko talaga alam bakit siya ganun sa 'kin. Ganun na lang ba talaga ako ka-gwapo para habulin? Just kiddin', we're just having lecture again. Ano pa nga bang bago, dahil bukas ay sasabak na kami sa actual training. 

Hindi pa kami masyadong magaling at di pa kami masyadong natuturuan kaya naman kailangan namin na magbasa ng isang rescue guide. Baka kasi mamaya di naman niya sasabihin kung ano ang topic baka mamaya ay mahirapan pa ako. Mas maganda nang sa una pa lang ay mag-search na ako't ayoko bumagsak.

"Erasmus, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong sa 'kin ni Leader, agad naman akong pumayag pero hindi ko alam sa aking sarili bakit ako pumayag. Samantalang hindi ko naman talaga siya gusto sa una pa lang. 

"Anong pag—" Naputol ang aking sasabihin nang bigla niya akong hinalikan. 

Natulala lang ako sa kanyang ginawa at napahawak sa kanyang braso, at habang tumatagal hinahalikan ko na rin siya. 

I respond to her kiss and I can't contend anymore.



"Hoy, Zebulon! Nahihibang ka na ba?" Sabi sa akin ni Shaun at bumalik ulit ako sa aking sarili, at naitulak ko si Leader. 



Tinitigan kami nang masama ni Shaun at yung mukha niyang mukhang pinagbagsakan nang langit at lupa. "Zeb, anong ibig sabihin nito?" Tanong niya sa akin, at iniwanan kong mag-isa si Leader na hanggang ngayon hindi pa rin siya maka-move on sa ginawa ko sa kanya.





SHAUN's PoV

Hinatak kong palayo si Erasmus, aba't nahihibang na ata 'tong lalaking to. 

"Explain that to me, bro!" Niyugyog ko siya at sinuntok sa mukha nang magising gising naman ng kaunti. "Sira ulo ka bakit mo ginawa 'yon?" Tanong sa akin ni Zeb. 

"Ako yung nagtatanong sa'yo, sagutin mo muna ako." Galit na sabi ko sa kanya. 

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nai-kwento niya sa akin ang lahat, pero galit na galit ako sa kanya. Kahit naman na hinalikan siya ni Leader bakit naman niya kasi 'yon papatulan. Kahit naman maganda 'yon, wala akong pakielam. 

Dahil tumibok ang puso ko para kay Rose at siya lang yung minahal ko kahit na hindi pa kami gaanong close.

"Akala ko ba si Elenia lang?" Tanong ko sa kanya at matagal siyang tumahimik.

"Basta, ako nang bahala." Sabi niya sa akin at tumahimik ako't di siya pinapakinggan. Para saan yung basta niya? Basta na hahayaan, lolokohin na lang nang ganun-ganun lang si Elenia?

Hindi pa nga sila, ga'non na lamang siya umasta. Shit!

 Sinabihan niya na 'yong tao na once na pagbalik namin doon at paghanda na siya liligawan niya 'to.  

"Zeb, di na kita kilala ngayon." Sabi ko sa kanya at tumalikod na siya't iniwanan. Kung pwede nga lang na sabihin kay Elenia kaagad na walang kwenta yung taong minamahal niya, ginawa ko na. Hindi ko rin alam kay Zebulon kung anong dahilan niya bakit siya ganito. 



Bakit siya nag-response sa halik nang baliw na 'yon.



Yung akala mong tunay magmahal, yun pala MANLOLOKO. 



My Boyfriend Is A Rescuer (COMPLETED/UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon