CHAPTER 17

52 33 4
                                    

SHAUN's PoV

Ang ganda na talaga ng lakad ko nang marinig ko talaga 'yon sa may kitchen, napaka landi talaga nitong kaibigan ko. Sinasabi ko na nga bang may love interest siya riyan sa kumag na yan. Ka pangit-pangit ng ugali tapos iyan ang nagustuhan, akala niya ba talagang magugustuhan siya niyan? Seryoso, asan ang love diyan? Nasa oxygen tank o nasa stretcher?

"Sinong Elenia ang sinasabi mo riyan?" Palusot na sabi ni Zebulon. "Ano? kinalimutan mo na agad ang pinangakuan mong BABALIKAN mo?" Galit na sabi ko sa kanya. GAGO TALAGA TONG ZEBULON NA 'TO.

"Teka sino ba yang Elenia na' yan?" Sabi ni Leader, at hindi naman na makasagot si Erasmus dahil huling huli na siya at talagang napaka-defensive pa niya. 

Tumayo si Leader at tinapon ang coffee at umalis na sa kitchen, natira na lang kami ni Zeb at ngayon galit siya sa akin. Wala akong pakielam diyan, basta gusto ko kung ano yung sinabi niya sa babaeng 'yon gagawin niya, wala talagang isang salita ang sira ulo kong kaibigan. 


Kinaumagahan at inayos ko na na ang aking higaan, nakita ko naman si Zeb na nasa labas at nagbabasa na sa manual. 

"Hoy bilisan ninyo! Lecture na, ano hihilata pa rin?" Galit na sabi sa amin ni Leader, kaya't bumangon na ako alam ko naman na kaya bad mood 'yan ay dahil sa kagabi na nangyari at pinakielaman ko sila. Still, I don't care! 

Tumakbo ako sa kitchen at kumuha ng pandesal at cold milo, para ganahan ako sa lecture. Umupo na ako sa desired seat ko, at inilabas ko na ang aking manual at habang kumakain ay nagbabasa ako. 

"Shaun, kailan pa pwedeng kumain?" Galit na sabi ni Leader. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Naiinis talaga ako sa babaeng 'to. 

"Stand up!" bigla naman niya akong pinatayo at ibinaba ko ang kinain ko at tumayo. 

"What is Myocardial Infarction?" Sabi ni Leader at napalingon naman ako kay Zeb, at tinatawan tawanan niya pa ako. Ngumisi ka pa, sasapakin kita talaga makita mo!

"Myocardial Infarction, commonly known as a heart attack, occurs when blood flow decreases or stops to a part of the heart, causing damage to the heart muscle. The most common symptom is chest pain or discomfort which may travel into the shoulder, arm, back, neck, or jaw." Sabi ko sa kanya, at mukhang di pa siya kuntento sa aking sinasabi.

Sige kung anong gusto niya, bahala ka. Ano ba akala mo sakin BOBO?! TARANTADO!

Ang alam niya siguro hindi ko alam at hindi ako nagbabasa.


"What is the main cause of MI?" Tanong niya ulit sa 'kin, taas-noo akong sumagot. 

"A heart attack occurs when one of the heart's coronary arteries is blocked suddenly or has extremely slow blood flow. A heart attack also is called a myocardial infarction. The usual cause of sudden blockage in a coronary artery is the formation of a blood clot (thrombus)." Sabi ko at hindi ko alam kung papaupuin na ba niya ako o hindi pa.

Uupo na sana ako nang magtanong siya pa ulit sa akin. Aba hindi na tumigil ang gaga. 

Pero bago pa man niya ako tinanong alam ko na ang susunod kaya naman sinagot ko na. Nababanas na talaga ako at animo'y ilang sandali na lang ay gusto ko na siyang bangasan.


"If stress itself is a risk factor for heart disease, it could be because chronic stress exposes your body to unhealthy, persistently elevated levels of stress hormones like adrenaline and cortisol. Studies also link stress to changes in the way blood clots, which increases the risk of heart attack. " Sabi ko pa sa kanya at umupo na ako kahit hindi niya pa sinasabi.

"Kaya kayo rescuers, wag mangingielam para hindi matawag ng ganon." Sabi niya sabay irap sa akin.

"What do you want to say Mister Shaun?" Masungit niyang sabi sa akin.

"I don't know what to say, co'z I don't even care about you and also your feelings." Sabi ko sa kanya, at patuloy pa rin ako sa pagkain ko ng almusal at nagbabasa ako sa hand book ko, para di ko na lang marinig yang pangit niyang boses.

"Di ka man lang ba magso-sorry?" Sabi sa akin ni Zeb. 


"Hindi ako magso-sorry, gusto kong bawiin mo kay Zyrene ang sinabi mo at si Elenia ang pipiliin mo." 






"And pag di mo iyon ginawa, bahala ka sa buhay mo. Kalimutan mo ng naging mag best buddies forever tayo!" Singal ko sa kanya at hindi naman siya nakaimik pa.

My Boyfriend Is A Rescuer (COMPLETED/UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon