CHAPTER 3

131 70 16
                                    

"Good morning world!" Masayang bati ko, habang nag-iinat pa.

Hindi ko alam bakit ako ganito kasaya, well I think I really found her now. Hoy Erasmus! Titigil ka o mag-aasikaso ka? "Nak, here's your food. Don't forget to eat your meals."

"Ma, sana inantay niyo na po akong bumaba. Napagod pa 'ho tuloy kayo magbitbit ng mga inihanda niyo." Nginitian lamang ako ng nanay ko, lagi niya' yan ginagawa.

Mabuti na lang at maaga akong nagising, 5:30 pa lang naman. Inihanda na ni mom kaagad ang aking mga gamit. She always do this every morning. She always want me to be 'HIS' baby but I'm not.

Apat kaming magkakapatid, pero dahil may kanya-kanya na silang pamilya at ako na lang ang wala pang jowa.
That's why siguro ganito niya ako i-trato. She's treasuring our memories, and naiintindihan ko naman kung ga'non ang kanyang iniisip.



Sana nga palagi na lang ganito. Tuwing nandito kasi ang tatay ko, lagi na lang umiiyak ang nanay ko. Kaya walang araw na di dumilim ang paningin ko. Pag nakikita ko tatay ko umiinit talaga ang aking dugo.

Lasing ka na naman?" Napukaw nang tingin ko sa pintuan. Speaking of him, kararating lang nang magaling kong ama. Aga-aga nangbwibwisit ka. Wala ka na talagang nagawang tama.

"E', ano pa bang bago diyan." Matigas kong sabi at sabay na kinuha ang baon na inihanda ng nanay ko sa lamesa. Nawalan na ako ng ganang kumain.

"Mauna na po ako, doon na lang ako sa base kakain." Sabi ko sa kanila, at umalis na sa kanilang harapan. 

Narinig nila ang malakas kong pag sara nang gate. I tell you honestly, I don't even like my father. Palagi niyang inaaway ang nanay ko, palaging sinasaktan, minamaltrato. Pero dahil sa ma-kapangyarihang PAG-IBIG ay di magawang iwanan ni mom yang lalaki na yan.

Nakikita ko ang araw-araw na pagluha ng nanay ko sa isang tabi at bawat pigil na hikbi niya sa tuwing nag-iisa. Awang awa ako sa kanya, pero wala man lang akong magawa para ipagtanggol at ipaglaban siya sa aking ama.

Aaminin ko takot ako, kahit na nasa wastong gulang na. Dahil ayoko naman siyang banatan, because he's still my father. Umiinit ulo ko sa kanya kasi mali yung ginagawa niya, and ang iniisip ko lang baka mapatay niya ang nanay ko kapag pinatulan ko pa siya.

Ilang minuto lang at nakarating na ako sa base. "Uy, ngumiti ka naman diyan." Sabi sa akin ni Shaun. 

Siya lang talaga yung taong ayaw na ayaw akong nakikitang malungkot. Palagi niya akong pinapasaya, at dapat araw-araw nakangiti. "Oo na, nakita mo na." Ngumiti ako na labas ang aking ngipin. Natatawa pa nga ako habang ginawa 'yan, paano kasi ayaw niyang maniwala.

"Ready the stretchers, medical bags and everything! Shaun and Zeb punta na sa ambu." Sabi ng aming captain leader, at sumakay na rin ang aming driver. 

Binuksan na ang malaking gate at heto na naman ulit kami, panibagong araw para magligtas nang tao. Panibagong araw para tulungan ang may nangangailangan. Panibagong araw, para dugtungan ang buhay nang isang taong naghihingalo na. 2 minutes at nakarating kami, at nakita nga namin na delikado ang pasyenteng 'to. 

Nabagsakan kasi siya nang bakal sa katawan. I really don't want to elaborate it, maliban kasi nakakadiri talaga at nakatusok talaga itong mahaba at matabang bakal na 'to sa kanyang katawan. Hindi tuloy namin alam ang gagawin, dahil first patient namin ito na ganito pa talaga ang sitwasyon. Pero gaya nga nang sabi sa amin na, you need to have a TLC ( Tender Loving Care ) on your patients. 

Kasi dapat maingat sa lahat nang hakbang. Binuhat naming dalawa ni Shaun ang pasyente at isinakay sa stretcher. Di namin siya pwedeng galawin dahil delikado ang lagay niya. "Maka—ka abot po ba ako?" Naghi-hingalong sabi ng pasyente namin.


Hinawakan ko ang kanyang kamay, para gumaan ang kanyang pakiramdam. "Opo aabot po kayo. Kaya lumaban po kayo tay. Malapit na po tayo." Kumapit ka 'Tay, maraming nag-aantay sayo.

Pinagdarasal kong umabot kami ng ospital kahit na napaka-alanganin na pero alam namin na lalaban at lalaban siya. 





ELENIA's PoV

"Nak! Gising na, male-late ka na!" Sigaw ni mama bago umalis nang pintuan. Agad naman akong bumangon, at inayos ang mga unan at bedsheet ko. Sobrang gulo ko kaya matulog, minsan nga naabutan ako ni mama na nasa lapag na.

Ginawa ko naman ang daily routines ko bago ako bumaba sa dining area para kumain nang almusal.

As usual, skincare. Para mapanatiling maganda.

Oil-based cleanser.
Cleanse and exfoliate.
Toner, essence and treatment.
Mask up.
Eye cream.
Moisturizer.



Sana bumisita ka ulit, Senior. Masayang sambit ko sa harapan ng salamin. Baliw na naman ako, kinakausap ko na naman ang sarili ko.



"Nak! Bumaba ka na riyan!" Sigaw ni mama sa sala, kahit medyo malayo ang sala namin basta pag siya ang sumigaw rinig na rinig mo hanggang kanto.







 "Opo, bababa na po." Madaling sarado ko nang pinto sabay takbo.   

My Boyfriend Is A Rescuer (COMPLETED/UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon