CHAPTER 16

49 34 2
                                    

ZYRENE's PoV

Grabe ako talaga ang pinagligpit nang mga 'to. Pero sabagay, alam ko naman na pagod na sila kaya pagbigyan ko na. Grabe talaga nang pang bwi bwisit sa 'kin ng Zebulon na yan, kakaimbyerna talaga. 

"Leader." Makiling tugon nang isang lalaki sa aking likuran, at nang harapin ko di ko akalain na si Erasmus ang tumawag sa akin. Hindi ko alam bakit at anong kailangan niya. Pero tinatawag pa rin niya ako, kaya lang wala akong ganang kausapin siya dahil medyo naiinis pa rin ako sa kanya. 

"Sorry." Mahinang tugon nang kanyang boses, at nakita ko na siyang paalis ng hatakin ko ang kanyang mga kamay.

"Okay lang, ano ka ba?" Ngiting sabi ko sa kanya, tsaka gusto ko lang naman talagang lambingin niya ako. "Tao ako, ikaw ano ka ba?" tawang sabi niya sa akin. 

"Do you want to have some coffee, Zy." Sabi niya sa akin. Kaya't tumango ako at sumama sa kanya. Hindi ko alam bakit ganyan ang kanyang inaakto, at hindi ko rin alam bakit siya ganyan sa akin.

"Sorry sa mga nagawa ko sayo, natutuwa lang naman kasi talaga ako sayo." Sabi niya habang gumagawa ng coffee.

"Hilig mo kasi akong pagtripan, may gusto ka ata sa akin eh." Sabi ko sa kanya, at talagang idiniin ko yung word na 'GUSTO'.

Kasi bakit ka nga naman mangtri trip sa isang tao kung gusto mo lang ba siyang asarin, o gusto mo siya pero ayaw mo lang aminin. Kaya sa paraan mo na lang na iyon para magpapansin. 

"Pwede ba tayong mag usap?" Seryosong sabi niya sa 'kin. At tumango naman ako sa kanya, at siya naman inilagay na ang coffee sa table namin at umupo na rin siya sa aking harapan. 

"Tungkol saan ba ang gusto mong pag usapan natin?" Tanong ko sa kanya. 

"Well, I think na fall na ko. " Sabi niya sa akin.

Ikinagulat ko iyon, I don't really expect this. Hindi mo naman kasi talaga mahahalata sa kanya na gusto ka niya kasi talagang papatamaan ka, talagang masamang ugali ang ipapakita niya sa 'iyo pero ang hindi ko talaga maintindihan bakit at paano?
Eh, napaka sungit ko sa kanya at di siya masyadong kinikibo.

"I don't know what to say." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Siguro, sa pangtri trip ko sa 'yo palagi. Ako tuloy yung na fall at naunang bumigay." 

"Pero, kung na fall na ako sasaluhin mo ba ako?" Sabi niya sa akin.

"Well, you know naman na gusto kita matagal na. Kahit ganyan pa ugali mo." Sabi ko sa kanya sabay irap ko sa kanya.

"Kaya nga trip di ba? Di mo ba nakuha point ko dun?" Tanong niya sa 'kin at umiling ako.

"Pwede bang maging tayo?" Sabi niya sa akin, at para bang paulit ulit sa aking tenga iyong mga katagang iyon.

"Bro, nahihibang ka na ba?" Biglang singit naman ni Shaun sa amin habang nag uusap. "Uso kumatok bro." Masungit na sabi ni Zeb, pero hindi ko alam bakit siya tumututol at ano bang problema niya.

"Inggit ka lang kaya ka tumututol." Sabi ko kay Shaun. 

"Sige nga Erasmus Zebulon paano pangako mo kay Elenia?"



Teka sino naman si Elenia?

My Boyfriend Is A Rescuer (COMPLETED/UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon