SABIK - KABANATA XXXVIII
Ang Inosenteng Ginago (Part 2)
ANDREI
"Ano bang problema mo? Bakit hindi ka gumagalaw. Ano, titignan mo na lang yung bola na tumama sa mukha mo?" Singhal sa akin ni Yozack."Kapag hindi ka pa tumigil kakadadak, hahalikan kita. Sinasabi ko sa'yo. Namumuro ka na sa akin ah. Naiintindihan mo ba yun?" Sabi ko dito.
Kanina pa ako nanggigil sa gwapo, matangkad, maputi, pantay pantay ang ngipin na kumikinang sa puti, matangos ang ilong, mapupulang labi, kulay brown ang mata, mahahabang pilik mata, super ganda ng katawan, hanep ang biceps at triceps at bakat ang napakalaking kargada nito.
Eh, ano naman kung masarap sya? Kung napakayabang naman.Tumahimik ito ng sabihin ko yun sa kanya. Napangiti na lang ang team mates ko.
Habang si Kuya Jack ay tamang tingin lang sa amin. Huminga muna ako ng malalim bago ako muling nag salita.
"Setter ako. Akina na ang posisyon na yun, kukutusan ko ang kumontra. Ngayon, ikaw Samjo. leftside hitter ka. Ikaw naman Marco, mag libero ka na lang dahil doon ka naman magaling. Ngayon okay na ang posiyon naming tatlo. Kayo saan ba kayo komportable?" Tanong ko sa kanila.
Wala ng paligoy ligoy pa. Ayoko silang manduhan, dahil kahit anong gawin naman nila ako pa din ang mag dedesisyon kung kanino ko ibibigay ang bola. Alam kong si Marikit ay sa akin lang nito papapuntahin ang mga na didig at received nito.
"Sige ako na lang ang middle blocker tutal ako naman ang pinaka matangkad dito" Sabi ni Yozack sa mahinang boses.
Natakot ata na mahalikan ko si gago. Nunca na halikan din kita noh, excuse me. Feeling naman nito.
"Sige rightside hitter na lang ako. Ikaw, pinsan tutal mas mataas ka ng kaunti mag middle blocker 2 ka na lang din" sabi nito sa anak ni Kuya Jack.
So, mag pinsan pala sila. Teka, pamangkin ko ba ito?
"Oh, ano ayos na ba kayo? Umiscore naman kayo. Gusto nyo bang bumagsak kayo?" sagot ni Kuya Jack ng mapansin nito na nag kasundo sundo na kami.
Pumito muli si DAGUL, hudyat para bumalik na kami sa laro.
Pumusisyon na kami. Nasa front row kami, ako si Yozack at si Samjo. Nasa back row naman si Marikit at ang dalawang mag pinsan.
Ngumiti muli sa amin si Awra, ngiting akala mo sila na nanalo. Tatlong puntos pa lang kayo ulol. Hinagis muli nito ang bola, jump serve muli ng malakas.
Sa lakas nito, akala nito makaka ace na naman. Malakas nga ito pero mas malakas si Marikit.
Bago pa bumagsak ang bola sa direksyon na gusto ni Awra ay nandoon na si Marikit, walang kahirap hirap itong nag dig at naihagis nito patungo sa akin. Mabilis ko din naman itong sinet patungo kay Samjo at bago pa makagalaw sila para harangan ang palo ni Samjo ay bumagsak na ito sa gilid ni Awra.
Tinignan ko si Awra at ako naman ngayon ang ngumisi sa kanila. Hiyawan sa loob ng court. Napa yes pa si Kuya Jack.
Nag tipon tipon kami sa gitna para mag diwang ng isang puntos.
"Nice one, Tito" nakangiting sabi sabi sa akin ng lalaking kamukha ni Kuya Jack.
Mag tatanong na sana ako dito ng maagaw ng pansin ko ang lalaking humihiyaw at pumapalakpak. Si Eldon, as usual kasama na naman nito si Jordan na hindi sa akin nakatingin, kay Samjo.
Matapos ang puntos, kami na ang mag seserve. At ako ang mag seserve sa team namin. Pumunta na ako sa pwesto.
Tinignan ko si Awra. Ngumisi lang ito sa akin, para bang sinasabi na tapatan ko ang ginawa nya. Bago ako mag jump serve ay ngumisi din ako sa kanya.
Watch this!
Isang malakas na palo ang ibinigay ko dito, tipong yung bola eh pa out na pero nag kakamali sila ng basa. Dahil bago pa ito lumabas ay bumagsak ito mismo sa pinaka guhit.
Gulat na gulat si Awra at ang team nito. Lalo na ang libero na pinag halong Jimmy Santos ang katawan at mukha ni alora.
"Tangna ano yun?" Rinig ko pang mura ng malakas ng mga ka team ni Awra.