Page 5

11 3 0
                                    


Creating our Lovestory 

Okay, sa mga di nakagets, 1st year college (1st sem )si Ysabella when 'that' happened kaya tinuloy niya  yung pag-aaral niya sa Naga. Lucian and Ysabella became a couple nung 2nd year high school si Ysa hanggang 1st year college.  

********


Ysabella Gwynette


"Castanier, " mahinang tawag ko sa best friend na ngayon ay natutulog sa hospital bed. 

Parang gago naman, Castanier!

Kuya Grey told me that Castanier was already battling a brain tumor when I left for Manila. Ni hindi man lang ako sinabihan na nahihirapan na pala siya.. Kung kailan marami na akong pera, ni hindi ko man lang alam kung ano ang maitutulong ko sa kaibigan ko na walang ibang ginawa kung 'di ang tulungan at suportahan ako. 

"Hindi ka pa pwedeng bumiyahe, Ysa. Masyadong busy sa firm mo." Mawtoridad na sabi ni Kuya Grey na nag babantay kay Castanier sa ospital. I looked at my best friend again before burying my face in my palm. 

"Kuya... Y-yung best friend ko..." ngumiti ito saakin at hinawakan ang kamay ni Castanier. My forehead creased when he pointed the camera at the ceiling. 

There's a p-picture of us... Y-yung picture namin nung graduation... 

"Buhatin kita, ganda! Tapos hawakan mo gamit left hand mo yung diploma mo, tapos sa right naman ihagis mo yung cap mo," nakangiting sabi ni Castanier sa akin habang buhat buhat ang bag ko. 

"Chiel, picture!!" sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Pia lang pala, one of Castanier's admirers. Hindi ko rin alam kung bakit ang tawag ko sa kaniya ay Castanier, at Ganda naman ang tawag niya sa akin. It started when we started getting close because of a damn chocolate. 

"Si Ganda muna!! VVVIP muna!!" sabi niya kay Pia kaya nabatukan ko ito. Kaya kami napagkakamalan na magjowa eh! 

"Dali,ganda! Buhatin kita tapos dito ka sa balikat ko, para mafeel mo naman maging matangkad HAHAHA," sinamaan ko siya ng tingin kaya napaayos ito ng tayo. Napatawa ako nang batukan siya ni Kuya Yuan kaya napanguso si Castanier. 

Like what he said, binuhat niya ako at umupo ako sa balikat niya. He held my knees so I felt safe to the point that I knew I wouldn't fall in his hands. Kuya Yuan took our picture. Iba iba ang ginawa naming pose pero ang pinaka favorite ko ay ang binuhat niya ako sa likod niya habang nasa leeg niya ang bag ko. It reminded me that no matter what the world throws at me, I will have my best friend beside me. 

********

"Mga ilang taon bago matapos yung cafe?" Lucian asked. Nagpatawag ng meeting si Lucian because he said gusto niya na daw itong matapos. 

"Probably a year and a half," I casually said. Tumango tango ito at itinuon ang pansin kay Emmalyn na katabi niya ngayon. 

"Architect, lunch mo po," sabi ni Lia kaya tumango lang ako. 

1 message from Luci

Kakain ka o susubuan kita sa harap ng mga tao dito?

Tinignan ko siya at nagulat ako ng makita ang kilay niyang nakataas.  Hmp!

To: Luci

Ikaw nga 'di kumakain!!

He smirked at me and stood up from his seat. He went to the door, and to my surprise, may hawak na siyang Tupperware?! 

"Sinong nag sabing 'di ako kakain, prinsesa?" he went near me at kinuha ang upuan sa tabi ko para ilapit sa'akin. Oh, damn.

Lucian already knew who Castanier was in my life. Kwinento ko sa kaniya kung paano kami naging mag-best friend ni Castanier, and I'm lucky because he didn't get mad nor jealous towards Castanier. Sinabi na rin sa'akin ni Lucian that he'll make ligaw again. Sino ba naman ako para humindi, 'di ba?

********

"Princess, bakit hindi mo binibisita mga anak mo?" Lucian curiously asked. I looked at him and sighed. 

To be honest, hindi naman sa hindi ko sila mahal, It's just that... tuwing nakikita ko sila, para akong binabalik sa nakaraan... It hurts to know that those innocent kids are fruit of evilness.

"Uuwi ako sa Naga sa isang araw, gusto mo sumama?" napatigil ito sa paglalakad at tumingin sa'akin. He looked happy with what I just said. 

"Totoo, prinsesa? Ipapakilala mo ako sa mga anak mo?" para siyag batang pinayagan gumala! He looked really happy and excited. Hay, Lucian... 

As I said earlier, uuwi akong Naga bukas so I told Lia na hindi ako papasok ng ilang araw gawa ng bakasyon ko sa Bicol. Lucian also insisted that we'll have a land travel para daw quality time na rin daw. 

"Sasama rin daw sina Kuya," sabi ko kay Lucian na nagaayos ng mga dadalhin niyang gamit. Magdadala daw siya ng dalawang camera, isag video camera at isang polaroid camera. I laughed when he said he'll buy a damn toy store for the twins. 

Nang matapos na siya mag empake ng mga dadalhin niya, pumunta naman kami sa mansyon para ako naman ang mag ayos ng mga dadalhin ko. He said he'll just park the car kaya nauna na akong bumaba at sinalubong naman ako ng yakap ng mga pamangkin ko ng yakap at halik. Oh, andito silang lahat? 

"Tata Pweetyyy," I knelt down to be on their level and kissed their cheeks. They giggled when I did that kaya natawa ako dahil nag away pa sila kung sino ang unang bubuhatin ko. 

"Anton," Kuya Grey said. Tumingin naman ako sa likod ko at nakitang andoon nga si Lucian na nakatulala sa amin mag tita.

 I laughed hard when Kuya Yuan teasingly punched Lucian's arm. Natawa rin ang kami ng mga pamangkin ko dahil naghabulan si Lucian at Kuya Yuan na naging sanhi ng pagkadapa nito sa sahig. Kuya Grey went near them kaya akala ko ay tutulungan niyang tumayo si Kuya Yuan pero napaawang ang bibig ko dahil sa ginawa niya.

"Tang ina, Kuya Grey!! Akala ko ba ako ang kapatid mo dito???!" Kuya Yuan hissed kaya napailing nalang ang asawa sakanya. I mentally rolled my eyes because Yvo joined the mess na agad natigil dahil 

"Greg," Ate Kaia flatly said. Nakita ko naman kung paano nanigas si Kuya Grey sa kinatatayuan niya. Kuya just shrugged but he literally stopped breathing when Ate Kaia went near him and kicked his ass. 

"Dela Cuezta, titigil o titigil?" malamig na sabi ni Ate Zaf kaya namutla si Kuya Yuan at binitawan ang damit ni Lucian at Yvo. 

"Reyna ko, ngayon lang ako makakaganti sa mga 'to!! Dali na, please? Is-" nanlaki ang mata ko ng maglabas ng papeles si Ate Zaf at pinirmahan ito. Is that a freaking Annulment paper?!

"R-reyna ko.. a-ano 'yan?" kinakabahang sabi ni Kuya Yuan na tinaasan lang ng kilay ni Ate Zaf. Aambahan pa sana ni Yvo si Kuya Yuan ngunit pinandilatan ko ito ng mata kaya napanguso na lamang ito. Kuya Yuan pouted more dahil pinagsasabihan na siya ni Ate Zaf. 

Our house is always full of loud silly fights and petty arguments, but our house will always be full of love and support. Lagi man kaming nag babangayan ng mga kapatid ko, ngunit alam ko sa sarili ko na mahal na mahal nila ako at ganun din ako sakanila. 


Creating our Lovestory (Creating Series #1)Where stories live. Discover now