Creating our Lovestory
WARNING: Trigger, self-harm
********
"Kuya, 'di ba crush mo 'yun?" napalingon ako kay Lia, bunso kong kapatid.
Napatingin naman ako sa babaeng tinuturo ni Lia. Ang ganda talaga.
"You know what? Just tell her!" ani ni Lia kaya binatukan ko lang siya. Hindi niya pwedeng malaman na crush ko si Ysabella.
"Siya? Crush ko? Masyadong maldita 'yan!" inirapan lang ako ng kapatid ko dahil sa sinabi ko.
Apat na taon ang agwat namin at tanging pamilya lang namin ang nakakaalam na magkapatid kami. My father wanted to keep her a secret dahil masyadong delikado kung ipapakilala siya. City Councilor si Daddy kahit tagapagmana siya ng kumpanya nina Lolo. Sa politiko, delikadong malaman nila na may anak kang babae dahil gagawin nilang panakot kay Daddy.
Akala ko hanggang crush lang ang pagtingin ko kay Dela Cuezta, pero hindi pala. Nung nalaman ko na siya pala 'yong sinasabi ni Mommy na anak ng kumare niya, nabuhayan ako ng loob. Tatlong taon ang tanda ko sakanya pero kung kausapin niya ako ay parang magkaedad lang kami kaya mas nagustuhan ko siya.
"Do you have a crush on my sister?" Ani ni Kuya Grey na nasa likod ko pala. Mas matanda siya sakin ng apat na taon kaya Kuya ang tawag ko sakanya.
"Kuya, hayaan mo ngang magkacrush siya kay Ysa-ganda!" ani ni Yuan na dalawang taon ang tanda saakin. They were Ysabella's brothers. Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil mababait naman sila. Hindi nila ako pinagbawalan na magustuhan ang prinsesa nila.
"Kuya," tumingin ako sa harap ko at nakitang nasa harap ko na pala si Yvo, bunso nilang kapatid.
"Damn, you don't call me Ate pero you call Lucian kuya?!" sabat ng prinsesa mula sa loob ng bahay nila.
"Isang taon lang tanda mo sakin. Kuya Anton is older!" sagot naman ni Yvo sa kapatid kaya nagdabog lamang ito.
"Lucian nalang din itawag mo sakin," nakangiti kong sabi sakanya.
"Nah, baka sapakin ako ng malditang 'yon." he said and glanced at his grumpy sister.
After getting close with her family, unti unti ko na ring nararamdaman na hindi na pala ako makakabangon sa pagkahulog ko. Tangina.
Nung nag highschool siya, sobrang saya ko dahil pinayagan na ako ng mga magulang niya na ligawan siya. Akala ko nga'y hindi ako papayagan, pero nagkamali ako. Naging kami nung nag second year high school siya.
Legal kami sa pamilya namin.
Pero kahit legal kami, hindi ko magawang ipakilala sakanya si Lia bilang kapatid ko dahil baka mapagalitan nanaman ako nina Daddy.
Dahil kay Ysa, pinayagan akong kuhanin ang kursong gusto ko. Si Ysa palagi ang dahilan kung bakit ako pinapayagan gawin ang mga gusto ko.
Ang kasiyahan ko sa relasyon ko kasama si Ysa, ay siyang lungkot ko sa pamilya dahil hindi nila akong magawang suportahan pag hindi ko kasama si Ysa. She became my anchor.
"Papakasalan mo si baby princess, ah?" masayang sabi saakin ni Kuya. Botong boto siya saamin kaya nagpapasalamat ako sakanya dahil kahit papaano ay may kakampi ako sa pamilya.
"'Wag mo nga akong igaya sa'yo," asar ko sakanya kaya binato niya ako ng unan mula sa kama niya.
Nang makaipon ako, kumuha ako ng maliit na apartment para dun magstay pag may pasok. Ayaw kong nakikita nina Daddy si Ysa dahil baka kung ano pa ang masabi ko. I didn't like the idea of using Ysa as my key to freedom. Hindi ko kayang gamitin ang babaeng mahal na mahal ko.
YOU ARE READING
Creating our Lovestory (Creating Series #1)
Ficção GeralCreating Series #1 Ysabella is a woman with a strong personality. She's rich, classy, and maldita. What will she do if she meets her first love slash ex-boyfriend in the most unexpected way? Will they be able to rekindle the love that had been pause...