Lucian Anthony Sandejas (Part 2)

8 2 1
                                    

Creating our Lovestory

********

"So, what's your plan after this?" Tanong ni Javie saakin. 

Javier Alejandro Dela Cuezta, pinsan ni Ysa. Nakilala ko siya noong nag mall show sa Canada. He saw my phone filled with Ysabella's photos. Akala ko noon ay isa siya sa nanligaw kay Ysa sa Naga, pero nagulat ako nang tawanan niya ako at sabihing nakakadiri naman daw kung magkagusto siya kay Ysa. We became close after that.  Bukod sa mga kapatid ni Ysa ay kay Javie din ako nakikibalita tungkol sa mga nangyayari kay Ysa. 

"Papatayo ako ng bagong cafe, tapos si Ysa ang architect," masayang sabi ko habang tumitingin sa mga papeles. 

I already graduated medschool. May residency na rin ako, at sa haba ng oras na nag aral ako, masasabi kong worth it na inuna ko ang sarili ko. I became a better person. Mas pinili kong maging masaya at malaya para sa sarili ko. Ginusto kong ituon ang oras ko sa pagaaral sa sarili ko. 

I finally became one of the youngest and in-demand Psychiatrists. 

Lucian Anthony Sandejas, MD

I also got the title of L.M.H.C. (Licensed Mental Health Counselor) in Canada. My brother congratulated me for doing a great job. Her family did, too. But my parents and Lia didn't. Well, wala naman akong ineexpect sa mga magulang ko pero kay Lia, nasaktan ako. My sister never came back after that incident. 

I had to go back home. Wala sa plano ko ang umuwi sa pilipinas ng maaga, pero kailangan ko dahil may pasyente akong naka base sa pilipinas. Masaya ako dahil sa ganitong paraan, alam kong makikita ko siya sa hindi inaasahang pagkakataon.

True enough, when Javie messaged me that he was already in my cafe, I saw my princess.  Walang nag bago sa itsura niya. But her attitude towards others changed. Hindi na siya ang sweet at maingat sa iba. She became more fiercer. Maldita siya noon, pero mas lumala ngayon. 

"Doc! Buti pumayag ka po!" ani ng pasyente ko.  I heard he's an engineer. Sinabi niya rin saakin na hindi naging madali ang pagabot niya sa pangarap niya na 'to. 

"Nice to finally meet you, Mr. Castanier." I casually said and accepted his hand. 

Isa siya sa mga kauna unahang pasyente ko.  He has a depression but he just needs proper way of dealing his traumas. Hindi naman kailangan ng marami pang gamot. Hindi niya kailangan  ng sleeping pills dahil sabi niya ay hindi naman daw siya nahihirapan matulog. 

"Kamusta ka? Are you having a hard time?" He wanted to tell me what's going on in person dahil baka daw kapag sa video call niya sinabi, baka daw marinig ng mga inaanak niya. I agreed because it was the best option. Mahirap din kasi kapag ang pasyente mo ay malayo at hindi mo namomonitor. 

"My girlfriend doesn't know I'm meeting you. Sana po ay hindi makarating sakanya." I raised my brows in confusion. Kilala niya ako? Paano?

"Pinsan mo po si Emmalyn Antoinette Sandejas, 'di ba?" nakangiting sabi niya saakin. 

Oh, so he's that guy. 

He really is a jolly guy kaya magaan din ang loob ko sakanya. Masaya din ako para sakanya dahil kahit papaano ay may isa siyang kaibigan na tinuturing niyang kapatid. He didn't drop names but he or she is lucky for having a friend like this man. He chose to hide his emotions through his jolly attitude para daw hindi mag alala ang bestfriend niyang mas malala ang naranasan. 

I didn't acknowledge it, tho. Dahil para saakin, walang mas malala o sakto lang sa taong may pinagdadaanan. Lahat naman tayo ay magkakaibang tao, kaya lahat din tayo ay may iba't ibang nilalabanan sa buhay. 

Creating our Lovestory (Creating Series #1)Where stories live. Discover now