Page 10

10 2 2
                                    

Creating our Lovestory

The last part before Lucian's POV

********

Ysabella Gwynette

"Happy 10th Birthday, kambal!!" Luna shouted from upstairs. Lucian and I got married right after I won the case. Nakulong na si Valderama and was sentenced to Reclusion Perpetua (Imprisonment from 20 to 40 years)

"Momma, can you please tell her to shut up? Gabing gabi na sigaw pa ng sigaw!" Luigi annoyingly said. Totoo naman na gabing gabi na dahil alas dose na ng madaling araw. Naging routine na namin na salubungin ang birthday nila.

"Ma, sabihan mo nga si Luigi na laging magkadikit yung kilay na batiin din ako!" nakangusong sabi ni Luna saakin. Narinig ko naman ang pagtili niya kaya napatigil si Luigi sa pagbabasa at tumakbo papunta sa taas.

"Dadda, put me down!! AHH!!" Binuhat nanamn siguro ni Lucian. Nakangiti akong tumitingin sakanila nang may biglang umakbay saakin.

"Ang saya nilang tignan 'no, Ganda?" Castanier said out of nowhere.

He woke up the day after the trial. Hindi niya kami nakalimutan. Kaya sobrang saya ko dahil kinasal kami ni Lucian na kasama ang best friend ko.

"Sobrang saya ko para sa'yo, Ganda! Finally, you found your home. Hindi mo na ako iiyakan na namimiss mo si pareng Sandejas." sabi niya kaya sumandal ako sa balikat niya.

Lucian carried the twins with his arms at pinaikot ikot sila. Bumababa si Luigi pero pinipigilan ni Lucian at Luna kaya natatawa ako dahil nagsasalubong nanaman ang kilay ng lalaki kong anak.

"Siya lang yung lalaking pinagkakatiwalaan ko sa'yo. Kaya pag sinaktan ka niya, bumalik ka lang sa apartment. Hinding hindi kita iiwan kahit magkaro'n ako ng asawa." sabi niya pa kaya pumikit ako at matutulog na sana nang may humatak saakin

"Baby, nagagalit ka saakin pag sumasandal ka saakin pero kay Alchiel ang bait bait mo!" natatawang umiling si Castanier sa sinabi ni Lucian kaya tinapik niya ito sa balikat at nilapitan ang kambal.

"Ate Luna and Kuya Luigi! Play tayo?" narinig kong sigaw ni Castanier kaya sumigaw nanamn sa tuwa ang kambal.

"Papa Chiel!!!" I saw Lucian on the floor kaya nagulat ako at napatili. Buti nalang andito si Castanier at siya na ang nagbuhat kay Lucian.

Puta, ano nanaman nangyari dito?

********

"Pucha," inis na sabi ni Castanier.

Andito kami ngayon sa site dahil may itatayong ospital nanaman si Lucian at kami ni Castanier ang head. Engineer din pala 'tong si Castanier kaya mayaman talaga ang gago.

"Ang init init tapos wala man lang ginawang tambayan?!" napailing nalang ako sa dami ng reklamo ng lalaki. Naglalakad kami papunta sa gawi ng mga bagong engineer at architects nang makita kong naglalakad si Emmalyn palapit saamin.

"Gago, ganda, ilayo mo ako dito." sabi ni Castanier kaya binatukan ko siya. Bago pa man kami makalayo ay naharang na kami ni Emmalyn.

"Santi, lunch mo," Emma sweetly said. Ngumiti ito saakin kaya sinuklian ko ito ng tango.

"Kung hindi ka sana lumapit, kanina pa sana kami kumakain ni Ganda." My best friend coldly said. Tanginang 'to. Naninibago ako sa inaasta niya kay Emma.

"Ah... Ate Gwy, sa'yo nalang? Sobra kasi yun niluto kong lunch, eh," she said and looked down, still holding the lunchbox.

"Magdadala ng lunch si Pareng Sandejas para kay Ganda," amputa, napakalamig! Ako na aawkward eh!!

Creating our Lovestory (Creating Series #1)Where stories live. Discover now