Prologue

3.9K 73 14
                                    

Thinking about my crush is like riding a roller coaster of emotions. There's that initial rush of excitement whenever I see him or even just think about him. It's like my heart skips a beat, and I can feel this fluttery sensation in my stomach. Oo, totoong parang may mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan sa tuwing makikita ko siya, o makakasabay. Parang tanga nga kasi nung una'y akala ko gutom lang, pero nang minsang makita ko siya pag labas ko ng canteen after lunch break, doon ko napatunayang malalang crush nga ito. Syempre, busog na ako 'nun, 'eh. Ano pa bang magiging dahilan ng pagkakagulo sa aking sikmura?

"Guwapo naman si Pan, ah!" Malakas na sabi ni Autumn, agad siyang hinampas ni Winter sa braso at sinenyasan dahil nasa komedor lang sina Nanay at Tatay, baka marinig ang pinag-uusapan namin. Hindi naman sa nagagalit sila, pero hindi natutuwa si Tatay kapag guwapo guwapo, crush crush ang topic naming magkakapatid. Humina ang tinig ni Autumn nang dugtungan ang sinabi. "Bakit hindi mo bet? Eh, 'di ba close naman kayo? Atsaka, mabait 'yun!"

I rolled my eyes, muling kinagatan ang Toblerone na aking hawak. Nilingon ko si Autumn na abalang iniisa-isa ang mga bulaklak na nakatambak sa living room, si Winter naman ay binabasa ang mga cards na nakakabit sa mga iyon. They were all for Spring, walang para sa amin, pero kami ang nakikinabang. Lalo na ako, sa akin lahat ng chocolates.

"Ayaw ko lang," pilit kong sagot nang muli akong balingan ni Autumn, naghihintay kasi ng sasabihin ko. Si Pan, o Juanito Pancho ang tinutukoy niya. He was my friend since I could remember, kaklase ko kasi ito simula pa elementary. Mabait, matalino, at well, okay, cute naman si Pan. Kaya nga nagtataka itong sina Autumn at Winter dahil hindi ko pinayagang manligaw sa akin si Pan.

Hindi ko maiwasan ang mainis tuwing maaalala ko ang ginawa ni Pan. It was last week, Valentines Day and also my birthday. Nakakahiya kasi may paganap itong inihanda, with flowers, chocolate and everything. Tinanong ako nito, sa harap ng mga kaklase namin, kung maari ba ako nitong ligawan. I really didn't like being put on the spot. Hindi naman sa nagmamaganda ako dahil alam kong hindi talaga ako maganda, pero hindi ko nagustuhan ang ginawa nito. I felt so embarassed, kita mo't maging ang mga kapatid ko'y alam ang pakulo nito, to think na hindi ko naman sila mga kaklase. I was part of the special Science class, sila namang tatlo ay sa top section ng regular class.

"Ayaw mo, because?" Hindi pa rin ako tinigilan ni Autumn, na ngayon ay isa-isa nang pinipilas ang petals ng rose na hawak para iipit sa isa sa mga librong never naman nitong binasa.

Anong bang isasagot ko? Bakit ba ayaw ko kay Pan? Of course, I know why I don't like Pan. It's because I like someone else. Pero hindi ko maaaring sabihin sa kanila iyon dahil tiyak na mas dadami ang katanungan nila, lalo ni Autumn. And no, I don't plan on telling them who I really like. Ni hindi ko pa nga naaamin sa sarili ko ng husto na gusto ko nga si Rance.

Ah, yes, I like Rance! Mas dumiin ang kagat ko sa Toblerone out of frustration. Tulad ni Pan ay matagal na kaming magkaibigan ni Rance, we were best friends actually. Hindi ko na halos matandaan kung paano kami naging magkaibigan, but we had been in each other's lives like siblings should. Rance was there when I panicked after getting my first period during Math class in fifth grade, agad niya akong pinuntahan sa classroom ko nang tinext ko siya. He was a year higher, but that didn't stop him from being present every time I needed him. Ibinigay niya sa akin ang varsity jacket niya so I could tie it around my waist and hide the stain my period left on my skirt.

And I was there when he needed someone to bring piles of his assignments the time he skipped classes because he was circumcised. Oo, supot pa 'yang si Rance ay crush ko na!

You see? We weren't just friends. We were really really good friends.

"Ayaw ko lang," bagot kong sagot kay Autumn.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon