Chapter One

976 28 5
                                    

Napamura ako nang lumagpas ang nilalagay kong lipstick habang tutok na tutok sa repleksyon ko sa salamin nang dalawang beses tumunog ang buzzer ng unit. Umabot ako ng tissue at marahas iyong binura, hindi na. Hindi na lang ako magli-lipstick, letse!

Muli na namang tumunog ang buzzer. "Punyeta, andyan na!"
Nagmamadali akong lumabas ng aking silid at tinungo ang pinto, I opened it without looking through the peephole. Bakit ba? Eh, kayang kaya ko namang banatan kung sakaling masamang loob ang mapagbuksan ko.

But I was wrong, dahil ang maamo at magandang mukha ng tatlong taong gulang kong pamangkin ang siyang bumungad sa akin. Dixie Hebe was the daughter of Winter and Daniel. The memories of the chaos that Winter's pregnancy caused within our family came flooding back to me. It seemed like just yesterday, halos apat na taon na agad ang lumipas matapos ang gulong iyon.

Winter's unexpected pregnancy had stirred up a whirlwind of emotions and challenges for our family. From the initial shock to the eventual acceptance, it was a rollercoaster ride of emotions for all of us. But now, seeing Dixie Hebe standing before me, mas gusto kong magpasalamat na parehong nalasing at nag-sex sina Winter at Daniel.

Pero bakit narito naman ang isang 'to?

"Tita Sum!" Mabilis na yumakap ito sa aking hita at sumiksik.

Bago pa ako makapagtanong ay inabot na sa akin ni Winter ang maliit na Sofia the First backpack ni Dixie, she smiled at me when I looked at her. "Kumpleto na 'yan. Nandyan ang snacks niya and two feeding bottles. One for her water and the other for the milk. Please, huwag mo siyang papakainin ng junk food kasi kinikuwento niya kay Daniel. Alam mo bang nagpapabili pa 'yan ng V-Cut sa daddy niya noong isang araw sa grocery, and when he told her she wasn't supposed to eat chips. The little Miss argued, sabi'y bakit kapag ikaw ay pinapayagan siya."

Hindi pa nga ako nakakapalag, pinagalitan na ako agad. Mabilis na tumakbo papasok ng unit si Dixie without removing her shoes, kalalampaso ko lang! "Hey, little Winter! Hubarin mo ang shoes mo, get your slippers in my bedroom."
"Oopsie daisy," she grinned sheepishly, taking off her shoes and placing them on the nearby rack. She then went inside my bedroom for her slippers. "Sorry, Tita Sumsum! Won't happen again!"

Nang lumabas ito'y nakatsinelas na, dali-daling pumunta sa sala at minaniobra ang telebisyon. Dahil madalas dito si Dixie ay alam niya na kung paano iyon i-navigate, ilang sandali pa'y naririnig ko na sina Piglet at Pooh. Dixie started giggling, busying herself.

"Ikaw naman, malaking Winter," binalingan ko ang nanay nitong nanatiling nakatayo sa hall. She was dressed for the evening, kuntodo pustura pa. "I have a date,"

Halata naman. "Ako rin, teh, meron! Ano 'to? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan?"

"I tried calling you, Summer. You weren't picking up!" She rolled her eyes.

Nasan nga ba ang cellphone ko? Nawala rin iyon sa isip ko dahil halos dalawang oras rin akong naligo. Iyon na ata ang pinakamatagal na ligong ginawa ko sa buong buhay ko. Kasi nga, may date ako!

"Oh, hindi mo man lang ba naisip na baka abala ako. O 'di kaya'y wala ako rito?"

"You never leave your house, Sum." Sabi niya, hindi ko alam kung ako lang ba or she really did feel sorry for me. She sounded like it. "May date ka talaga?"

"Akala mo ba nagbibiro ako?" Inirapan ko siya, gusto kong mainsulto ha! "Meron nga!"

"Si Rance? Eh, isama niyo na lang si Dixie."

Lalo akong napasimangot. Ganito na talaga ang tingin ng mga ito sa akin, kung hindi laging nakakulong sa bahay when I wasn't on the field, ay si Rance ang kasama. Bakit? Si Rance lang ba puwede kong maka-date? I wanted to tell them that there were four point zero four billion men in ther world, fifty eight point seven million ang nasa Pilipinas. Puwedeng isa sa mga iyon ang ka-date ko at hindi si Rance! Pero para saan pa kung ipakikipagtalo ko iyon? Isa pa, palagay ko'y nag-contribute rin ako sa ganong pag-iisip ng mga ito. At twenty-seven, wala pa akong ipinapakilala sa mga magulang at mga kapatid ko na seryosong boyfriend. Simply because I never had a boyfriend, ever. Sa kakaisip kong bata pa ako para sa ganyan, ay ito't kinatandaan ko na.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon