Matagal kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng salamin, the smooth fabric sliding over my body like a second skin. Ang akala ko'y magmumukha akong ewan pero hindi naman, bumagay naman sa akin ang damit. Hindi na ako masyado nag-abala pa at hinayaan na lang na nakaladlad ang mahaba kong buhok. I put on a little makeup, syempre sa tulong ni Spring na sandaling dumaan rito dahil nag-aalalang hindi niya nasagot ang tawag ko kanina. Pinagalitan pa nga ako kasi akala niya'y napano na ako.
Hindi rin naman siya nagtagal, matapos akong ayusan ay umalis rin dahil kasama niya si Reid na may binili lamang sa Landers sa ibaba. Ipinili rin ako ni Spring ng accessories, tulad ng kuwintas at earrings na siyang halos amagin na sa chest drawer ko dahil hindi ko naman nasusuot. Ilan lamang iyon sa mga alahas na ibinigay sa akin ni Nanay.
Ilang sandali pa nag-vibrate ang cellphone ko with a text from Rance saying that a car was waiting for me downstairs. Napataas ang kilay ko, inaasahan ko ang text niya, pero I was expecting a message from him telling me where we'd meet up. Ganito ba talaga siya lagi makipag-date? Magastos at ma-effort sa part niya, ha.
Hindi ko na siya nireplyan, bumaba na ako. Sa driveway ng building ay naroon ang isang puting Limousine, medyo nahiya tuloy ako kasi ang nakakatawag iyon ng atensyon. Baka mamaya isipin ng mga ito'y may artistang bababa o sasakay doon, talagang madidismaya sila dahil ako lang 'to. Parang tanga naman si Rance!
"Miss Sam?" Magalang na tanong sa akin ng unipormadong chauffeur na nakatayo sa gilid ng sasakyan, alanganin niya akong nginitian bago pagbuksan ng pinto. "Good evening po,"
"Magandang gabi rin po," nagmamadali akong pumasok sa loob. Nahihiya kasi talaga ako, medyo dumami na ang nagtitinginan. Ano ba namang kalokohan 'to, Rance!
Nilibot ko ang paningin sa magarang sasakyan, sabi niya'y puwede kong gawing yardstick ang date na ito para sa mga susunod ko pang date in the future. Paano naman makaka-keep up ang iba sa mga pakulo niyang 'to? So, dapat ba kong malungkot kung ang susunod kong ka-date ay walang pa Limousine? Nakakagago. Nakalimutan niya ata ang purpose kung bakit namin ito ginagawa.
Nakatanaw ako sa labas ng bintana nang magsimula nang umandar ang sasakyan. Hindi naman nagtagal ang byahe, wala ngang twenty minutes. Kung hindi pa nag-traffic bahagya sa McKinley ay kakayanin ng sampung minuto.
Halos malaglag ang panga ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng Wolfgang. Hindi pa nga ako bumaba dahil hindi ako siguradong dito na nga kami magkikita ni Rance, pero bumaba na ang chauffeur at muli akong pinagbuksan ng pinto. He guided me out of the car with a pleasant smile on his face. Nagpasalamat ako rito at hindi na nagulat nang isa sa staff ng restaurant ay agad akong nilapitan upang tanungin kung ako si Miss Sam.
"Yes," iyon na lang ang tanging naisagot ko nang igiya na ako nito sa loob, patungo sa kung saan naghihintay sa akin si Rance.
Hindi naman ito ang unang beses ko rito, pero hindi ako madalas sa mga ganitong lugar. Una sa lahat, I was easily intimidated by the place. From the plush velvet chairs to the gleaming chandeliers overhead, every aspect of the restaurant exuded luxury and refinement. Para akong nasa Malacañang ulit.
Humigpit ang kapit ko sa clutch bag na aking hawak nang matanawan ko si Rance in a more secluded corner of the restaurant, waiting for me at the table. Agad siyang tumayo nang makita ako, napansin kong pati ang maître d' na nasa tabi ko ay kinilig nang ngumiti si Rance. Hala, teh! Para sa'kin 'yung smile na 'yun!
Pero sino ba naman ang hindi kikiligin sa taong 'to? Rance was dressed impeccably in dark denim jeans, an Oxford undershirt, and navy knitwear na talagang humakab sa katawan nito. Of course, Rance had toned physique. Given na iyon. Kung ako nga'y may abs paano pa siya?
Kinunutan ko siya ng noo nang makalapit, pinipigilan ko pa rin ang ngiting kanina ko pa gustong pakawalan. Paano ba naman kasi, ang guwapo ng ka-date ko ngayon. I momentarily stared at his face. His soft features were framed by chestnut brown hair that fell effortlessly across his forehead, gusto kong tumingkayad at hawiin iyon kaso parang mukhang tanga naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/364391589-288-k645935.jpg)